Chapter 4 " DATE YARN?

2240 Words
Nakarating na ako sa aming bahay ngunit ang isip ko ay okupado parin ni Keegan. Hindi parin ako maka move on sa nangyari sa mall kanina, hindi lamang sa nangyari sa boutique kundi pati narin sa sinabi nya kanina bago kami umuwi. Bumalik na naman tuloy sa isip ko ang tanong na paano kapag nalaman na nila ang totoo? Mananatili kaya sila sa tabi ko? Oh iiwanan nila ako. Super na guguilty ako lalo na sa mga kabigan ko, Kina Evren, Cat, Monique at Eula. Minsan gusto ko nang aminin sa kanila pero madalas akong panunahan ng takot. Hindi naging ganon kasaya ang childhood ko dahil madalas akong ma bully kaya palipat lipat ako ng paaralan. Kaya pagdating ko rito sa pilipinas ay naag decide akong magbalat kayo. Hindi ko naman pinapanget nang husto ang itsura ko, kumabaga nag iba lamang ako ng style naging medyo nerdy, pinakapalan ang aking kilay, ginawa kong itim ang aking contact lense dahil ang tunay na kulay ng mata ko ay Color Grey, yun nga lang kailangan kong maglagay ng Prosthetic make up para maiba ang aking itsura maging sa aking buhok ay napakalayo rin talaga. Dahil na rin merong pera kaya walang imposible na Nakagawa ako ng previous na docs na na i submit kahit na ang picture kong gamit ay itong Nerd na Sheng. Totoo naman lahat ng documentong Sinubmit ko maliban na lamang talaga sa larawan ko. Nasa gitna ako nang aking pag iisip ng dumating si Ate Yanna,. Napansin nya yatang malungkot ako kaya dire diretso sya sa akin. “ Hoy anong iniisip mo dyan? Bakit parang ang lalim naman ata masyado” saad nito sa akin sabay abot ng dala nyang pringles at inalok ako. “Nagpunta akong Mall ate, syempre di ako naglagay ng Prostheic, Guess who sinong Nakita ko at nakausap ko pa? “At Sino naman yang nakasagupa mo? Tanong naman nito. “Np other than Officer Keegan yung police na na kwento ko sayon a crush ko” saad ko pa rito at gulat naman ito habang tuloy sa pagkain ng pringles. "Oh talaga anong nangyari? palagay mo nakilala kaba? Hindi ate, Pero sabi nya may ka boses raw ako, So I ask him kung sino ang tinutukoy nya, Walang iba kundi ako bilang SHENG sa school. “Wow talaga ba ha, kabisado na ang boses mo hehe,” “Kaso ate ang sabi nya Kaboses ko lang daw pero Malabo dawn a maging ako dahil si Sheng ay Cute nyang kaibigan na pwedeng ayain kumain sa fishbolan at lugawan, pero ang tulad ko raw ay mukang hindi, feeling ko tuloy na judge ako sa sinabi nya. “Ano kaba, kasi nga malayo naman talaga ang itsura Si sheng na Side A, nerd, mukang matalino na makulet, pwede ayain sa mga Turo-Turo, pero kapag ikaw parang totoo naman kahit sino iisipin na mahirap kang ayain sa mga kainan na pang tabi tabi lang, unang una muka kang masungit, maarte ganon, pangalwa muka kang mayaman, kaya mahihiya silang ayain ka talaga, pangatlo kung si Sheng side A ay tahimik at medyo mahinhin ikaw na Sheng side B ay may pagka Aggressive, itsura mo mukang wild. Kaya kahit sino talaga eh di ka pagkakamalan.” Saad pa ni ate habang ako naman ay nananatiling nakaupo lamang. Habang nakaupo ako at nagkwekwentuhan kami ni Ate ay biglang tumunog ang aking Phone ng I check ko ay unregistered number kaya binasa ko ito baka importante at Nagulat pa ako sa nabasa ko. “Keegan: Hi Sheng, Good afternoon, Kung hindi ka busy pwede ba kitang ayain mamaya Mag Pizza at Ice cream, alam mo na last time sa Fishbolan at lugawan lang kita inaya kumain, hehe alam mo na Dahil medyo nakaka “L,L” (luwag luwag) tayo ngayon kaya gusto ko sana ayain ka mag pizza kung Free ka lang naman kahit mga 8:30 sana di ko nalang tatapusin yung party namin.-KEEGAN Ang mensahe ay nanggaling walang iba kundi kay Keegan kaya nagreply naman ako, syempre marupowk tayo kanina nagseselos ako kay Sheng, eto na ang oras para naman sulitin ko ang pagiging Sheng. “Sheng: Hi Officer Keegan, Sige po, Free naman po ako mamaya, Magkita na lang po tayo sa may Ministop malapit sa Headquarters nyo? “Okay Copy, basta mga 8:30 andon na ako, thank you very much Sheng” “Welcome Officer Keegan.” Saad ko pa rito. After ng tawag ay agad akong naligo at nag apply ng prosthetic make up, ikinabit ko rin ang extension ng medyo wavy na buhok saka in apply din ang medyo makapal na kilay, At voila, ako na ulit si Sheng na medyo demure type, malayo sa itsura na Totoong Kelsey. Nagsuot lang ako ng Shorts na di naman kaiklian saka ako nagsuout ng blouse at pinatungan ito ng jacket. Bandang 7:30pm ay umalis na ako nagpahatid ako kay mang esme sa kanto saka ko na lamang ito nilakad patungong Ministop malapit sa headquarters nila Officer Keegan. pasado alas Otso ng makarating ako. Naupo muna ako sa upuan sa labas habang naghihintay.Pero wala pang 10 minuto ay nakita ko na Si Officer keegan na papalapit sa akin habang nakangiti. "Hi Sheng, Kanina ka pa ba? Late ba ako? " tanong pa nito sa akin, habang nakangiti at bitbit ang isang papar bag na sa wari koy nakuha nya sa exchange gift nila. Hindi naman sya late maaga lamang talaga akong dumating. "Hehe hindi ka naman po late officer Keegan, maaga lang po talaga akong nakarating" saad ko naman rito. Nakita ko pang pinasadahan nya ako ng tingin "Ang cute mo talaga Sheng, para kang Bata hehe" saad pa nito sa akin, Pano naglagay ako ng Clip na Hello Kitty sa aking Buhok. "Ano, Halika na, Parang natatakam na ako sa Pizza at Ice cream" Saad nya pa sa akin., inalalayan nya naman akong makasakay sa kanyang saskayan na Wigo, malinis sya sa sasakyan at mabango din sa loob, sa unahan ay may picture at na curious ako kaya tinanong ko. "officer, Nanay nyo po?" Tanong ko sa kanya habang sya naman ay focus sa pagmamaneho, "Ahh..oo si Mama, Mabait yang mama ko na yan" saad pa nito. "Hmm..muka nga po," "Hayaaan mo next time ipakikilala kita, pwede din naman sana ngayon kaya lang baka gabihin kana ng husto baka hanapin kana aa inyo." wika pa nito. Huminto ang aming sasakyan sa isang pizza house mukang bagong branch ito sa lugar, "Narito na tayo sheng, eto ang bagong pizza store na sinasabi ko syao, ang ganda ng pwesto no? saad pa nito sa akin, pano kasi nasa medyo mataas na lugar ito, meron ding kapehan malapit rito. "Oo nga officer Keegan, ang gan dito kita ang ilaw sa parteng iyon," saad ko sabay turo sa mga munting liwanag sa karating bayan. "Naku, buti naman at nagustuhan mo rito, iniisip ko nga bka di mo magustuhan kasi baka medyo malayuan ka, buti na lang at medyo gabi na kaya hindi na gaanong traffic rito.' saa nya pa sa akin habang inaayos at sinisiguradong naka lock ang sasakyan. Lumakad kami patungo sa kinaroroonan ng Pizzahan, hindi lang din pala ito pizzahan ibat ibang mga foodtrip din pala ang meron rito, meron ding mga Ihaw-ihaw, may mga sisigan rin at meron ding Mga Kapehan.. "Officer Keegan, Mahilig kaba sa Kape? tanong ko rito habang kami ay naghahanap ng pwesto na mauupuan, marami rin kasing tao, sabagay sabado kasi ng gabi kaya maraming tao ang dumadayo. "Hmm..Medyo bakit? ikaw ba mahilig ka sa kape? balik nyang tanong sa akin. "'Yes officer, mahilig rin ako sa Kape. French Vanilla is my favorite" sagot ko pa rito. "Ah, hehe ganon ba, Cappuccino naman sa akin hehe,, order ka, ako bahala, sagot ko hehe napapaskohan ako ni Major ng 1k eh kaya may pangkain tayo." Wika pa nito sa akin,Nakakatuwang kasama si officer keegan, Napaka natural nya kaing tao, walang arte, natural na natural. Pumunta na sya sa counter at inorder ang mga napili naming mga pagkain, Napansin ko pang pinagtitinginan sya ng ibang mga babaeng grupuhang mga customer saka ito mga nagbubulungan at tila mga kinikilig. Hangang sa matapos sya sa pag order at bumalik sa aming pwesto ay nakatingin parin ang mga ito sa kanya. "Officer Keegan, Mukang marami kang Fans dito, hehe kanina ka pa nila tinitingnan hehe" saad ko rito. "Hehe hayaan mo sila, mainggit sila sayo dahil ikaw ang kasama ko hahaha" wika pa nito kaya pati ako ay napatawa rin naman. Tahimik lamang ako habang nag i scroll ng aking phone, ganon din naman sya, maya maya ay ibinaba nya na ang phone nya, kaya ibinaba ko narin ang aking at sabay pa kaming nagkatinginan. "Sheng, can i ask you a favor? tanong nya sa akin, parang bigla naman akong kinabahan. "Yes Officer keegan, ano po yun? tanong ko pa ng seryoso rito. "Heheh ang pormal naman kasing masyado, Pwede bang Keegan na lang ang itawag mo sa akin, sak tangalin mo na rin ang PO hehe 8 years lang naman ang tanda natin sa isat isa, Si Major at Si Evren nga 15 years ang age Gap eh hehe" wika pa nito at ginawa pa talgang halimbawa si Evren at Keegan. "Hhhhha,,Okay SAbi mo eh, from now on I will Call you Keegan hehe" wika ko naman rito, saka naman sya tumawa at kinindatan pa ako. Maya maya lamang ay dumating na ang aming mga order, Amoy pa lamang ay mukang masarap na ito, at minuto lamang din ay sinerved narin ang kapena amng inorder, Ipinaglagay nya pa ako sa Oinggan ng Pizza saka kumuha ng para naman sa kanya. Napaka caring pala nito ni Keegan, parang si Major lang din kay Evren. Masaya kaming nag kwekwentuhan habang kumakain. "Ahm..Sheng until what tme ka pala pwede sa labas, anong oras pala ang curfew mo sa inyo/ baka pagalitan ka pala." wika pa nito sa akin habang patuloy sa pagkain ng Pizza. "Okay lang naman, nagpaalam naman ako sa min eh, saka Alam naman ng pinsan ko na ikaw ang kasama ko eh hehe, " "Ah, ganon ba, hehe so kapag may nangyaring masama pala sayo alam ng ate mo na ako ang kasama mo, hahah baka ipakulong ko sarili ko kapag pinabayaan kita hehe" wika pa nito saka tumawa naman. Marami pa kaming natirang pizza kaya pina take out na namin ito, sabi koy iuwi nya para sa mama niya. maya maya ay lumabas na kami buti na lamang pala ay nag jacket ako dahil napakalamig sa labas, yun nga lang malamig parin dahil naka short lang ako. Halos sumakit naman ang Tyan ko sa katatawa, dahil panay ang mga Jokes nya doon sa parking. "Sheng...Alam mo ba na na nag uusap rin ang mga KALAPATI, Nagssasagutan pa nga sila eh" Wika nya na akala mo seryoso sa sinasabi. "Weh totoo ba? Sige nga anong Sinasabi ng mga kalapati pag nag uusap? tanong ko naman sa kanya na pinatulan ang kanyang joke. "Sabi ng lalaking Kalapate, PATUROK PATUROK PATUROK. "Oh tapos Ano namang sagot ng Babaeng Kalapate? Inosenteng tanong ko pa rito. "Alam mo ang Sagot Ng Babaeng Kalapate, TURUKE TURUKE TURUKE..hahaah kaya kung Maririnig mo yung kalapati nag Sasagutan sila haha.. PATUROK PATUROK PATUROK.. TURUKE TURUKE TURUKE. ganyan sila mag usap hahaha." saad pa nito sa kalokohan nya napaisip naman ako bigla haha at natawa rin naman ako. Hindi parin sya tumigil sa mga Jokes nya. "Sheng, Anong isda naman ang BUMABARIL? Tanong nya sa akin, alam kong joke ito pero wala akong maisip haha parang naghihintay lang ako sa sagot nyang nakakatawa kasi naman with feelings pa "Ano? meron ba non? sige nga ano sagot sa isdang bumabaril? "edi BANGus....hahaha" Mas natatawa ako sa ekspresyon ng mukha nya kesa sa joke nya . "Eto pa last na to haha ANO ANG SABI NG DADDY DONUT SA BABY DONUT nung nasa TAAS SYA NG PUNO? "hmmm...ANO? "ANAK....BAVARIAN hahahha" wika nya pa habang uma action pa. Tawa lang ako ng tawa nang ma gets ang mga sinasabi nya, nawili ata kami sa kwentuhan di namin namalayan na 10;30 na pala ng gabi. Maya maya ay inaya nya na ako, hindi naman matagal ang byahe dahil dire diretso lang kaya nakarating kami sa may Ministop malapit sa Headquarters nila, ilang sandali lamang ay dumating narin si mang Esme, kagaya ng nakaraan ay EON ulit ang ipinagmit kong pansundo akin. "Ahm, Pano Keegan, mauuna na ako, salamat pala sa Libreng Pizza at Kape" "Welcome Sheng, sana nag enjoy kang kasama ako ganon din sa mga Jokes ko kahit Corny hehe., Saka hayaan mo sa susunod ipapakilala kita kay mama ayoko kasing mapagalitan ka dahil gabi na." Saad pa nito sa akin. "No problem Keegan pano tuloy na ako, Ingat ka rin pauwi.Bye.." Pagkatapos ko magpaalam ay Umalis na rin kami, Nasa sasakyan pa lang ay unti unti ko nang inaalis ang mga make up ko. Nag message pa ako pagdating sa bahay para ipaalam sa kanya na nakarating na ako. ganon din naman sya. ilang beses pa kami nagkapalitan ng mensahe bago mulong mag Goodnight sa isat isa. May parte ng pagkatao ko na masaya, at may parte rin naman na malungkot. Masaya dahil nakasama ko si Keegan bilang Sheng, Malungkot dahil Kung maatatangap din ba ni Keegan kapag nalamang nyang So Sheng at si Kelly ay Iisa bilang ako. Balik na tanong ko na maman sa aking Isip. Sana maunawaan nya ako, at Sana maintindihan nya ang ginawa ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD