CHAPTER 3 "MS.PANTY"

2364 Words
SHENG Bonjour papa! Comment vas-tu? “Wika ko sa aking kausap na walang iba kundi si Daddy “Je vais bien, ma princesse.” Sagot naman ni Daddy sa kabilang linya. Kahit kasi narito ako sa Pilipinas ay Binabati ko pa rin si Daddy ng mga basic lamang, Ganyan lang si Daddy ngunit napakahusay din nyan managalog, Hindi lang halata sa itsura nya dahil kung itsura ang pag babasehan mo ay iisipin mong puro sya at walang halo. “Ikaw Hija, Ang kumusta dyan? Nag aaral ka naman bang Mabuti? Or baka nag lalakwatsa at nag bo boyfriend ka lamang dyan?” Tanong pa ni Daddy sa kabilang linya. "Dad, nag aaral po akong mabuti, saka po diba everytime na May exams kami sinesend ko sa inyo ni Mommy ang score ko, how come na hindi nyo po maalala dad” wika ko naman rito na tila ako naman ang nagtatampo. “Oh! Pardon Hija, Okay, okay, naniniwala naman ako sayo, How about your lovelife? May Lumiligaw naba sayo anak? Tanong pa nito sa akin. “Dad, wala pa po saka kung meron po Ipakikilala ko po sa inyo ni Mommy kaya Don’t worry dad. “Okay, basta husayan mo sa pagsagot ng Manliligaw at pag pili nang mapapang asawa hindi lang dapat masaya ka, Dapat ang piliin mo yung Katulad mo, Katulad natin, para mas lumaki at lumawak pa ang mga Negosyo” saad ni papa na tila ikinalungkot ko naman. “Daddy, Kailangan ba talaga dapat kasing uri natin? What if wala akong magustuhan na tulad natin? So magpapaka tandang dalaga na lang po ako? Saad ko rito. “Ofcourse not, meron at meron kang magugustuhan nyan, hindi pwede ang wala.” Saad pa nito “Dad, how about you and Mom? Nagustuhan nyo po ba talaga ang isa’t isa or nabiktima lang po kayo ng Arrange Marriage?" Saad ko rito, Pansin ko naman ang pananahimik ni Daddy sa kabilang linya. Ibababa ko n asana ang phone dahil akala koy wala na iton ng bigla itong magsalita. “Walang Masama sa Arrange Marriage lalo nat kung para sa ikabubuti naman ng Both side” saad ni daddy. I’m Sorry Dad, pero hindi po ako sang ayon dyan. Parang pinangunahan nyo na rin po ang puso kung ganon. “Yeah, pero bakit kami ng Mom mo? Pero Nag click din kami, natutunan naming mahalin ang isat isa hanggang sa nabuo ka pa nga.” Wika ni Daddy na di parin nagpapatalo. “But Dad. hindi porke applicable sa inyo ay pwedeng applicable din sa akin." Wika ko pa habang patuloy na kinakausap si Daddy ayoko kasi na dumating sa point na mangyari din sa Akin nag arrange marriage na iyan. "Okay, Saka bat mo ba iniisip yan, may nagugustuhan ka na ba na hindi natin ka level? Tanong pa ni Daddy. "Nothing Dad, naisip ko lang po, saka if ever man po na meron akong nagustuhan di man natin sya ka level pero tiyak akong Pwede syang ipagmalaki" saad ko pa kay daddy. "Okay, Okay, saka na natin pag usapan yan, Kikilatisin pa naman namin yan ng mommy mo kung papasa sa standards namin o hindi kaya sige lang." Matapos namin mag usap ng Daddy ay parang nalungkot ako, So pag pala hindi naka pasa sa kanila ang taong gusto ko may chance na matulad ako sa kanila. Iniisip ko palang na magpapakasal sa taong di ko naman mahal ay parang di ko kakayanin. Kesa ma stress sa pag iisip ay nag decide akong lumabas na lang muna at pumunta sa isang mall. Hindi na ako nagbalat kayo dahil wala namang pasok. Nakasuot ako ng White spaghetti saka ko pinatungan ng Jacket, sa ibaba naman ay skinny jeans na fit na fit sa akin saka ako nag suot ng shade, Ang buhok ko naman ay straight na kinulot ang dulo, malayo ang itsura ko ngayon sa sheng na makikita sa eskwelahan kaya im sure na walang makakakilala sa akin. Pagkarating ko sa mall ay Binilinan ko na lamang si mag esme na mag tetext na lamang ako kapag magpapa sundo na, Sa loob ng Mall, bumili ako ng mga kailangan kong bilhin, ang tagal ko nang di Nagma mall bilang tunay na ako. Madalas kasi ay mga kaibigan at ka kalase ko sa eskwelahan ang kasama ko, ang boring tuloy mag mall mag isa. Napunta ako sa Mens and Womens Section kung saan shop na bilihan ng mga Nighties, Boxers underwears, Kalimitan kasi ay mga babae ang naririto, meron din mangilang ngilang lalaki na namimili kasama ang asawa or gf nila. Pumunta ako sa underwear section,upang bumili nang bagong underwear na gusto ko maganda kasi ang tela nito at comfortable isuot kaya rito sa shop na to talaga ako namimili. Habang pumipili ay isang pigura ng lalaki ang napansin ko sa gilid ng aking mata, siguro ay nobyo or asawa ng isa sa mga cutomer,andito rin kasi sya sa underwear section. Walang ibang customer sa bandang kinaroroonan namin kaya tahimik lamang ako. Hanggang sa marinig ko na nagsasalita mag isa nang mahina ang lalaki. "Hayy...Lintek naman kasi Bat naman kasi Something Hot pa ang naisipan sa Monito monita .Hot na naman ako eh bat hot pa rin pinili nila tSk . Tapos tong Si Banal Gusto pa sexy na nighties ang request para daw surpresa sa asawa niya sa putukan nila jusme..ako pa tuloy hirap maghanap ng lintek ng nighties na yan." Usal ng lalaki na sa tingin koy naghahanap ng nighties para sa monito monita. "Shit...Ang Ganda naman ng Panty at bra na to..Halos wala ng takip..string na lang ata to eh..Jusme...Pero potek ang mahal 1500 kapiraso lang ang tatakpan 1500 agad? Dami nang mabibiling panty at Bra non sa Tyangge. Wag nalang kahit nakakalibog pa to isuot ng Babae mahal ng price." Saad pa ng lalaki na iyon, ako naman ay natatawa na lamang sa rant nya sa mga presyo ngunit nag patuloy nalang din sa pamimili. "Eto mas, Okay to Mas Nakaka L to , "saad na naman ng lalaki" natatawa na lamang ako sa pinagsasabi ng Lalaking ito. Hindi na ako nag abala syang lingunin,habang bitbit ang mga nighties,bra at panty na bili ko ay nabunggo ako sa estante dahilan na malaglag ang panty at bra na dala ko. Nagbigay naman iyon ng maliit na komosyon agad akong dinaluhan ng lalaking kasama ko sa section. "Miss, Ok ka lang ba" saad ng lalaki na tinulungan ako at dinampot nya ang mga nahulog kong mga panty, Nagulat ako ng i ibuka nya pa ang mga ito, apaka echosero naman nito. "Nice panty Miss, Dapat ganto ang mga underwear masarap sa mata" saad pa nito kahit di ko naman hinihingi ang opinion nya. "Miss, Eto na ang Panty mo" wika nito, parang pinamulahan naman ako ng mukha dahil hawak nya ang mga panty. "Sa..Salamat Mister! Wika ko saka ko binigyang pansin ang lalaking ito, ngunit laking gulat ko nang mapagtanto kung sino ito, Walang iba kundi si Officer Ramirez. Nakangiti sya at labas ang maputing mga ngipin habang hawak sa dalwang kamay ang mga panties. "Ano miss, napopogian ka ba sakin? Hehe nakatingin ka lang kasi ayaw mo kunin itong mga panty, pogi lang ako pero wala akong ibabayad dito sa mga panty na gusto mo,Ang mamahal..hehe sana all MAHAL." Wika pa nito abat nakuha pang mag punchline ng loko Agad kong kinuha ang mga panty sa mga kamay nya, sa pagka tuliro ay nahawakan ko pa ang kamay nya. "Ahm..Im sorry...ahm thanks wika ko rito. Hindi ko alam pero tila may mga kabayong nagkakarerahan sa dibdib ko. Aalis na sana ako ng bigla syang magsalita, kinabahan akong muli.. "Miss, San mo pala nakita yang mga nighties mo? Ahm kailangan ko kasi eh pwede mo ba ako tulungan pumili ng Nighties, hehe ano ba yung mga gusto ng babae. Baka kasi hindi maganda ang mapili ko eh maarte pa naman yung pagbibigyan ko Hehe" tanong nito sa akin. Hindi parin ako sa kanya makatingin ng diretso kaya medyo ilag ako kahit na medyo nahihiya ako ay inentertain ko parin sya. "Ahm, para saan pala yung Nighties para ba Sa GF mo? Tanong ko rito kahit na narinig ko naman kanina na para iyon sa kabaro nya. "Ahm..hindi Miss, Para sa Katrabaho ko, Yun kasi ang sa monito monita namin eh Something hot, eh nag request sya na Nighties na lang daw." Hehe at take note Miss, I'm Single and ...And Handsome." Wika pa nito saka tumawa Natawa na lamang din ako sa sinabi nya, sa bagay totoo rin naman, Gwapo at hot sya. "Ahm..haha Joker ka pala ano mister, Ahm dito sa kanan ang mga nighties, marami kang pagpipilian dyan" saad ko naman sa kanya. At tinulungan ko syang pumili ng pangregalong nighties. "Salamat Miss, I'm sure matutuwa si Banal neto, masaya ang pagsalubong nila sa New Year hahaha MABUNTIS sana lahat nang Mapuputukan sa Bahong Taon" saad pa nito habang binubuklat buklat pa ang nighties na binili. Napaka kalog talaga nitong si officer keegan. Nagpaalam na ako sa kanya upang magbayad sa counter, sya naman ay magbabayad narin pero sa kabila kaya naririnig ko pa na chinichika sya. "Out of stock na pala ang Large nyo no Boxer brief? "Yes sir, For delivery palang po, Medium lang po marami kami" saad pa ng kahera. "Ah, Di pwede ang Medium, Malaki tong Sakin baka Di Kayanin" saad pa nito na kinatawa naman ng kahera. "Hala Grabe Si Sir...hihihi" saad ng kahera na tila kinilig pa, Hindi ko alam ngunit tila dinala ang mata ko sa Gitnang hinaharap ni officer Keegan. Matambok nga iyon. Matagal nakamasid ang aking mga mata sa bagay na iyon hangang sa pag angat ko ng Mata ay nahuli nya akong nakatingin. Shit..nakakahiya. Nilipat ko ang tingin sa ibang bagay ngunit pagsulyap ko sa kanya ay Nakita ko syang nakangiti. Matapos ko bayaran ang aking mga pinamili ay naglakad na ko palabas ngunit..Isang Tikhim ang Nagpahinto sa akin.. "Ahm Ms.Panty, .napansin ko kaninang Nakatangin ka sa Hinaharap ko, hehe parang di ka kimbinsido sa sinabi ko sa kahera na di uubra ang Medium sakin ah..hehe Mukang Sinigurado mo kung totoo na malaki to ah mukang Tinitigan mo hehe" Saad pa nito, Ni hindi ko sya nagawang lingunin dahil pakiramdam ko ay nag iinit at namumula ang mukha ko. "Ha? Ah eh..Hindi nagkakamali ka sa iba ako nakatingin" saad ko rito. "Hmm..alam mo Ms.Panty, May kaboses ka, kanina ko pa iniisip pero imposible namang ikaw sya. "Ahm..Sino naman yong tinutukoy mo? "Hmm..Isang kaibigan, Cute na cute na kaibigan, Pero malayo kayo sa isat isa, hindi yun mag aaksaya ng Ganan kamahal para sa isang pirasong Panty, hehee napapakain ko nga ng Fishball yon at Tokneneng, pero yung Tulad mo mukang malabong mayaya sa Simpleng lugawan hehe. "Ganon ba? Grabe ka naman Mister, ikaw ha jinudge mo ko agad hehe" wika ko rito, bahagya akong ngumiti pero deep inside ay medyo nasaktan ako. "Hehe..ay Hindi Ba..Sorry..Pano Ms.Panty, Mauuna na ako at kailangan ko pang Dumuty, Salamat ulit sa pagsama mo sakin pumili ah." Naglakad na ito palayo ngunit himinto muli. "Ah..By the Way Keegan nga pala, ikaw anong name mo? Bigla akong napaisip sa pangalan. "Im.Ke..Kelly.... "Nice name, nice to meet you Ms.Kelly, pano una na ako, ingat ka.." Saad nito saka tuluyang umalis. Hindi ko alam pero parang bigla ako nalungkot dahil kahit si Officer Keegan parang dahil sa itsura ko nasabi nya agad na mukang di ako pwedeng isama sa mga Lugawan. Sa bagay, si Sheng kasi kaya nya yon, pero kaya ko rin naman yon, ako rin naman ito ah. Hindi ko alam pero parang nag seselos ako sa Katauhan ko bilang Sheng, Bat parang mas maraming nagmamahal kay SHENG kesa sa tunay na ako. Sana matangap pa rin nila ang pagkatao ko kapag nalaman nila ang Totoo. Sana hindi nila ako layuan. SAMANTALA... FORTUNE KEEGAN Dumiretso na ako sa Presinto, naabutan ko silang busy na sa aming monito monita malayo pa lamang ay kita ko na ang ngisi ni Banal sa akin. "Hoy Ramirez nabili mo ba yung Gusto ko? tanong nito sa akin. "Oo naman palagay mo sakin, saka worth 1300 lang, abonado ako ng 200 dyan ah..Gcash mo sakin yung 200 ah." Saad ko pa rito habang inaabot ang gift ko. "Ang Kuripot mo talaga! Papasko mo nalang yon sa anak ko! "Hahhaa..Hoy BANAL Gwapo lang ang meron ako pero wala akong Pera" "Bahala ka, Si Major nga pinapaskuhan mga anak namin tapos ikaw Kabinatang Tao walang Bigay, Daig mo pa may 3 pamilya aba!" "Haha..Sige na nga Bigay mo sa anak mo yung 200 ah, baka naman chaniin mo pa." Saad ko pa rito habang patuloy sa pag aayos ng mga regalo namin para sa party mamaya. "Hindi ka naman ba nahirapan sa pagpili Ramirez? Tanong pa sakin ni Banal. "Hindi naman haha pano may nakilala akong CHEKA, Maganda, at Sexy si Ms.Panty" "Woah...Tumigil ka nga Ramirez libog lang yan, kung ako sayo Mag asawa kana, "Hahaha..Saka na..Pwede naman akong mag TOYI kahit wala akong asawa dami kaya naghahabol sakin hehe" wika ko pa syempre inaasar ko lang naman sila banal. "Woah..Del Rio, paki Check nga aircon natin, Masyado atang MALAKAS pakihinaan mo nga" wika naman ni Major Escobar "Hahaha..Hi Major..Hula ko masarap pasko mo ngayon ..hehe Na ol masarap! "Oo naman, Pakisabi kay Tita Erlinda merry christmas, pakiabot mo na rin yung gift ko sa kanya." "Si Mama lang, Major beke nemen meron din dyan para sa akin" pambubudol ko pa rito. "Hahaa..Depende basta ba Sasayaw ka mamaya sa party natin eh, Bibigyan kita ng papasko. "Sige Ba G ako dyan, sa ngalan nang WANKI" saad ko pa sa kanya. Nag iisip ako nang gagawin mamaya after party, Parang gusto ko Contakin si Sheng para ayain mag Ice cream at Pizza, tama aayain ko sya," hindi ko alam ngunit tila excited ako na makasama si Sheng, inlove naba ako sa kanya, pero bakit bigla ko naalala si Ms.Panty? Parang bigla ko syang nakitang lumungkot nang sinabi kong Hindi sya ang babaeng basta pwedeng hilahin lang sa lugawan, bat parang nasaktan sya... Hihingi nalang ulit ako ng Sorry kapag nagkita kami, yun ay kung makikita ko sya ulit. Saad ko sa aking Isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD