CHAPTER 2 "STREET FOODS"

2613 Words
SHENG Sumapit ang araw ng Charity namin Ready na ang lahat naisakay na ang dapat isakay. Sa Military truck kami nakasakay handa na kaming umalis ngunit di palang maayos dahil wala pa palang sasakyan si Evren, Buti na lamang at Last minute ay dumating si Major Escobar at doon na sumakay si Evren sa pickup nito. Nang matiyak na Okay na ay sumakay na rin Si Officer ramirez sa Truck namin dahil wala ng Space ay sa Flooring sya ng truck na upo malapit sa akin. Medyo kinikilig pa nga ako dahil nasa tapat ko lamang sya. Medyo madilim dilim pa noon dahil bandang 5am kami umalis Kinuha ko ang Tinapay na Dala namin at Inaya ko silang Kumain. "Guys Tinapay oh, mag almusal muna tayo" saad ko rito saka inabot sa kanila ang sandwich na gawa ko. "Ahm..Officer RAMIREZ Sandwich po." Wika ko saka inabot sa kanya ang Sandwich na ginawa ko. "Salamat Sheng ah" saad naman nito saka binuksan ang sandwich na bigay ko, Dahil malayo pa ang byahe ay nakaidlip ako, Nagising na lamang ako nang namalayan ko na malapit na, laking gulat ko pa ng makita ang aking mga paa na naka unat at nakapatong sa kandungan ni Officer Ramirez. Kaya dali dali ko itong inalis. "Hala officer sorry napatungan kita nang paa ko" saad ko rito na humingi ng pasensya. "It’s okay ako naman ang nag unat ng paa mo, alam ko kasing mangangalay ka kaya ako na aang nag unat" wika naman nito saka nakangiting tumingin sa akin. "Thank you, Officer Ramirez.” Usal ko "Ang formal naman ng Officer Ramirez pwede mo rin ako tawaging Keegan.’ Saad pa nito "Officer Keegan nalang po hehe" saad ko pa rito "Okay kung ano ang iyong Nais Binibini" saad pa nito na sya namang nagpakilig sa akin. Grabeng layo ng nilakad namin, Hindi nya ako iniwan sa paglalakad kahit na panay parinig na si Cat sa akin haha tong accla na to talaga echosera. Porke medyo may edad yung mga kasama nila except kay major na medyo may edad na pero bot na hot na never namang iniwan si Evren. Na halos kasabayin din namin maglakad kaya ang iba niloloko kami hindi naman daw na inform na dapat pala partner partner ang peg haha kaya tawa na lamang kami ng tawa. Matapos ang ilang oras na paglalakad ay nakaratng kami sa nayon nap ag darausan ng charity works, nakakatuwa lang ang mga tao doon dahil talagang na a appreciate nila ang mga simpleng tulong. Hapon na nang magsimula ang activities, Si Evren kasi ang naatasan na magkwento para sa mga bata, Nakakatuwa lang na talagang nakikining sila. After ng kwento para sa mga bata ay panonood naman ng pelikula na comedy para sa pang pamilya, pinaka bonding ito para sa kanila, nakakatuwa dahil kompleto sila mula sa Tatay, Nanay at mga Anak. Habang Magsisimula pa lamang ang pelikula ay naatasan kami ni officer Keegan na mag luto ng Popcorn, kaya pareho kaming nasa pinaka lutuan at gumawa ng popcorn para sa mga manonood, Ganon din nag timpla din kami ng juice para magmukang Cinema Treat talaga para sa kanila. Nakakataba ng puso na pagmasdan sila. Nang matapos na ang palabas ay isa isa narin naming nilikom ang mga gagamitin. Habang nag huhugas ako ng ginamit naming sa pagluluto at tumabi naman sa akin si Officer Keegan. “Sheng, ako na dyan, don kana sa kanila, nagkakatuwaan sila roon,” wika pa nito. “Naku ok lang ako dito officer Keegan, Matatapos na rin naman ako dito, konti na Lamang ito” saad ko pa rito, ngunit imbes na umalis ay tinulungan rin nito ako mag hugas nang natitira pang mga hugasan, kaya ag ending ay sabay na lamang kaming pumunta sa umpukan kaya naging tampulan na naman kami ng tukso “Hoy Sheng, Aba nakiki Loveteam ka na rin ah haha” Wika ni Cat na syang nang aasar na naman sa akin. "Ano gusto mo ikaw? Hahaha Officer Keegan, tabihan mo nga yang si cat para manahimik hehe.” Saad ko rito. Tanging ngiti at tawa lang rin ang ginawa nito, pumwesto ako malapit sa Tabi ni Evren sa kaliwa, katabi nya kasi si Major sa Kanan, nagulat ako ng tumabi din sa akin si Officer Keegan. Sa loob loob ko ay kinikilig kilig ako, Crush ko na nga ata si Officer Ramirez. Nagsindi kami ng bonfire sa gitna, konting kwentuhan lang, maya maya ay tumayo si Officer Keegan, siguro ay may kukunin sa loob ng tent, ako naman ay medyo giniginaw dahil malamig kahit pa sabihing may apoy sa gitna ay medyo maginaw parin, nakalimutan ko pa naman bitbitin ang jacket ko na nasa loob ng tent, akmang tatayo na sana ako para kunin itong nang biglang may jacket na pumatong sa aking balikat, nang lingunin ko ito ay walang iba kundi si Officer Keegan. “Maginaw, Baka sipunin ka, parang kanina kapa nababahin eh” Saad nito sa akin. “Salamat officer Keegan, Opo nga eh mukang kailangan ko uminom ng Cetirizine mamaya.” Saad ko rito Hindi rin nagtagal ay pumasok na rin kami sa loob ng mag tent nan aka assign sa amin. Syempre magkakasama kaming mga babae. Pero si Evren ay doon natulog sa Tent ni Major dahil wala na naming ma pwestohan, sa Open tent nalang daw si major matutulog at magbabantay. Kinabukasan ay medyo maaga naman kami nagising, mabangong sinangag ang bumungad sa amin, sila officer Ramirez ang naatasan na magluto ngunit ng tanungin ko ay hindi raw sila kundi si major daw, nag presinta raw kasi ito kaya pinagbigyan na nila. Nang araw ding iyon ay naging maayos naman ang activity para sa mga taga roon. At sa huli ay ibinahagi namin sa kanila ang mga Grocery naming mga dala. Nakakatuwa na sa simple naming handog ay grabe ang pasasalamat nila. Kinabukasan ay Bumalik na rin kami sa Maynila. FORTUNE KEEGAN Lumipas ang mga araw, hindi ko alam pero parang naaaliw ako sa kaibigan ni BATA ni major, Nakakatuwa kasi sya, Nerd na palaban. Cute sya para sa akin, feeling ko mas maganda pa sya kung maayos ang buhok nya, ganon din ang kilay nya, pati siguro kung hindi ganon kakapal yung eyeglasses na suot nya. Pero okay lang din naman ang itsura nya kahit may pagka nerd, hindi naman ganon ka importante ang appearance para sa akin, mas tumitingin ako sa PUSO syempre, Bonus nalang talaga kung panalo sa appearance. Isang araw habang ako ang naka Duty mag iikot kot ay hinintay ko ang labasan nila at inaya ko syang Kumain ng Tokneneng at fishball. “Hi Sheng, Kumusta out mo na?” Wika ko rito, kita ko naman ang masayang ngiti sa kanyang mukha. “Officer Keegan! Yes po, out na namin, Bakit po? Tanong nito sa akin. “Wala ka bang gagawin? Aayain sana kita kumain ng Tokneneng at Fishball yun ay Kung Ok lang sayo, or kung gusto mo naman ay mag Lugaw tayo, may alam akong masarap na lugawan.” Wika ko rito. “Wow, talaga Officer? Sige ba G ako dyan” masayang wika nito sa akin. Kaya dinala ko naman sya sa Tindahan ng mga Tokneneng at fishball, Tinake out na lamang naming ito at doon na lamang namin ito kakainin sa Lugawan. Umorder ako ng Espesyal na Lugaw with Egg and Chicken, nag add na rin ako ng tokwa, siguro naman ay kumakainn rin sya nito. Nang ma I serve ito sa amin ay inumpisahan na naming itong kainin. Pinag mamasdan ko syang kumain, nakakatuwa syang kumain para syang bata may mga sauce pa sya sa gilid ng labi, kaya kumuha ako ng Tissue at Pinunasan ito. "May Sauce ka pa sa labi,” wika ko rito saka pinunasan, tila nahiya naman sya sa ginawa ko. “Hmm. Sorry Officer Keegan ang kalat ko pala kumain.” Wika pa nito sa akin. “It’s okay sheng.” Saad ko rito at itinuloy na namin ang pagkain ng lugaw. Nang matapos na kaming kumain ay Inaya ko syang Ihatid. “Halika na, ihahatid na kita sa inyo” wika ko sa kanya. Ngunit ganon na lamang ang pagtanggi nya sa akin. “Ha? Ahm… Hindi na po officer Keegan, Okay na po ako.masyado na pong abala sa inyo kung ihahatid nyo pa po ako” Wika nito na tila parang biglang kinabahan. “No, Okay lang naman sa akin na ihatid k….” Hindi ko pa naitutuloy ay inawat nya na ako sa sasabihin ko. “Hindi pwede Officer I mean okay lang naman po ako, sa may school mo na lang po ulit ako ihatid, susunduin din po kasi ako ng driver ng tita ko.”wika nito sa akin na hindi man lamang tumingiin sa aking mga mata. Hindi na lamang ako nagpumilit na ihatid sya. “Okay, sa eskwelahan na lamang ulit kita ihahatid.” Saad ko naman rito. Tahimik lamang kami sa buong byahe hangang sa makarating kami sa tapat ng unibersidad. “Ahm, salamat pala officer sa Treat, sa susunod ako naman ang taya ha, hehe” wika pa nito, sa ngiti nyang iyon ay bigla akong napanatag, akala ko kasi ay galit sya dahil sap ag pupumilit ko, buti na lamang at hindi. Nang maihatid ko sya ay maya maya lamang ay may tinawagan ito at ilang minute lamang ay sinundo ito ng isang sasakyan na Hyundai Eon. Nang makaalis na sila ay umalis na rin ako pauwi sa amin. Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si Mama na nakahiga, kalimitan kasi ay nakaupo si Mama at nanonood ng Tv, ngunit ngayon ay Nakita ko itong nakahiga at tiila masama ang pakiramdam. “Hi Ma, Oh kumusta po kayo? Bat nakahiga na po kayo? Masama po ba ang pakiramdam nyo ma?” Tanong ko rito. “Medyo masakit lang ang ulo ko anak, pasenysa kana anak, hindi na ako nakapag luto ng hapunan, iininit ko na lamang ang ulam kaninang tanghali.” Wika ni mama sa akin. “Okay lang po ma? Gusto nyo po bang dalhin ko kayo sa hospital? Tanong ko kay Mama. “Naku, hndi na anak, simpleng sakit lamang ng ulo ito, alam mo na kapag matanda, di na gaanong nakakatulog baka dahil narin siguro sa puyat.” Wika pa ni mama sa akin habang unti unting bumabangon, at inalalayan ko naman ito. “Ma, hwag na po kayo bumangon, ako na ho ang maghahanda ng pagkain ko.” Saad ko rito ngunit hindi ito pumayag. “Okay na ako anak, Sasabayan lang kita habang kumakain ka, mag kwento ka sa akin nang magandang nangyari sayo ngayong araw.” Saad pa nito, nakagawian na kasi naming ni mama na magkwnetuhan ng mga ganap sa amin every day, ganyan kami ka open ni mama sa isat isa. “Ayun ma, inaya ko si Sheng na kumain ng lugaw at tokneneng kanina. Okay naman sya kasama ma, hindi maarte.” Saad ko pa rito. “Hmm...talaga ba anak, Sino naman ang Sheng na iyan? Yan na ba ang napupusuan mo anak?" nakangiting tanong ni Mama. “Hmm, hindi ko pa po alam ma, pero masaya po ako kapag po nakikita ko sya, napaka simple nya po kasi ma, matanda ako sa kanya ng 8 years bale graduating po sya this year.” Dagdag ko pa. “Ah estudyante pa lamang pala anak, hindi kaya magalit ang mga magulang nya kung babakuran mo ang anak nila na hindi pa tapos sa pag aaral? Tanong ni mama sa akin. “Ahm, hindi ko parin po alam ma,” “Gusto ko syang makilala anak, sana maisama mo sya rito at maipakilala mor in sya sa akin.” Usal pa ni mama. “Opo ma, hayanan nyo po sa susunod po ay ipakikilala ko po sya sa inyo.” Wika ko naman rito. Samantala…. SHENG “Nasa sasakyan pa lamang ako ay nagsisimula na akong mangati at pagtingin ko sa aking mga Braso at Hita ay naglabasan na ang aking mga Pantal. Pagdating ko sa bahay ay Nadatnan ko pa si Ate Yana sa may Pintuan. “Bakit EON ang ginamit mong pang sundo sayo? Malamang may pinagtatakpan kana naman at ayaw mong ipagamit pang sundo ang BMW dahil mabubuking ka.” Saad ni Ate Yana na inaasar na naman ako, pero tila napaltan ang pag aalala nya nang makitang Pulang pula ako at namamantal. “Teka, Hoy Kelsey! Anong nangyari sayo bat pantal pantal ano bang kinain mo ha? Wika ni ate Yana habang akay akay ako papasok ng bahay. “Nakakain kasi ako ng Fishball Ate Yana.” Saad ko rito. “Huh? Bakit ka kumain ng Fishball eh umpisa pa lang alam mo nang bawal dahil allergy ka doon, tsk, sumumpong na naman yang katigasan ng Ulo mo” sermon pa ni ate yana sa akin. “Eh ate, nakakahiya naman kasing tumaggi, baka isipin ang arte ko.” “Bakit ka mahihiya? Pwede mo naman sabihin na may allergy ka sa Fishball, sino ba yang kasama mo at hindi mo Matanggihan ha? “Hmm... Si officer Keegan kasi yon Ate Yana, Crush ko yon, ayoko syang hindian.” Saad ko rito na kahit may pantal na ay tila kinilig pa. “Ayan, So Crush mop ala kaya hindi ka humindi, Ang kiri mo rin eh no porke Crush mo eh OO lang kahit hind naman pwede sayo” wika ni ate Yana at kinuurot pa ako ng Bahagya sa tagiliran. “Hmm, Magsabi ka nga manliligaw mo ba yung Officer Keegan na yon ha? Siguraduhin mo na Binata, baka mamaya may sabit na pala naku patay tayo dyan, pareho tayong malilintikan Kay Tita Olivia at lalo na kay Tito Gustavo.” Wika ni Ate Yana habang nakahalukipkip at napakamot sa Ulo. “Ate Yana, Binata ho Si Officer Keegan at saka hindi naman nya ako nililigawan, ako lang ang may crush sa kanya kaya hwag ka munang mag panic dyan okay?” wika ko rito na natatawa sa pagka OA ng reaction ni Ate Yana. “Haha syempre mahirap na, Maganda ang record ko bilang Pinsan mo Kina tita Olivia at Tito Gustavo, ayokong masira sa kanila at isiping Hinayaan ka na lamang at hindi binantayan.” Saad pa nito. “Haha, ang OA kasi Nila ate yana, 20 years old na naman ako eh no,” saad ko pa. “Haha di mo sila masisisi syempre nag iisang anak ka at taga pagmana kaya ganon sila sayo. Basta ang Payo ko lang sayo, Kilalanin mo munang maigi ang mga manliligaw mo, at higit sa lahat hwag na hwag bubuka ng hindi sigurado, Kita mo ako, Maaga tuloy naging Ina, Mabuti na lamang at kahit papano ay maayos naman ang Kuya Herald mo, Yun nga lang ang aga naming humarap sa responsibilidad, pero salamat parin dahil nakapag patuloy parin ako ng pag aaral. Pero hanggat Maari hwag ka nang tumulad sa akin” Wika pa ni Ate yana, Bago pa kami mapunta sa TBT ay nag paalam na ako sa kanya na Aakyat na sa kwarto at magpa pahinga, kapag hindi pa kasi ako nag paalam ay ikwekwento nya na naman ang talambuhay nya haha, Kaya nagpaalam na ako at nagpahinga, Mabuti na lamang at Nawala na ang kati, uminom narin kasi ako ng Cetirizine para sa allergy. Bigla ko naman naalala si Keegan, Paano nga kaya kung ligawan nya ako? OMG super saya ko non, syempre kahit sino naman siguro na crush mo tapos liiligawan ka eh kikiligin ka talaga. Hayyy yun ay kung liligawan ako, kaso mukang wala naman ata balak, haha Self wag mag assume niyaya ka lang mag lugaw ligaw agad.’ Natatawang wika ko na lang sa aking isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD