Chapter 84 Amari Chance Hayes ISANG malakas na kalabog ng bakal ang gumising sa akin. Nagmulat ako, at ilang segundo akong tulala habang pinapakiramdaman ang paligid. Sa labas, may sumigaw. "Pwede ka nang lumabas. Tumawag si Mr. Hayes na palabasin ka na." Bumangon ako mula sa pagkakahiga malamig na semento, pilit iniunat ang katawan. s**t. Ngayon lang bumalik sa akin ang sakit—ang bigat ng katawan ko, bawat galaw, may kirot. Pumutok ang panga ko kagabi sa suntok ni Luca. Punyeta. Hindi pa tayo tapos. May araw ka din sa akin. Napahawak ako sa sentido ko. Ang sakit ng ulo ko, parang binibiyak. Hangover. Pero mas masakit pa rin ang katotohanang iniharap sa akin kagabi—yung halik na 'yon. Yung halik na nakita ko sa pagitan ni Sab at ng lalaking 'yon. Ang plano ko lang naman, ilabas ang sa

