Chapter 83: Iniwan sa loob

1930 Words

Chapter 83 Third Person POV TAHIMIK ang loob ng selda. Walang nagsasalita sa kanilang apat. Tanging bigat ng kanilang mga hininga ang maririnig. Nagkatinginan ang tatlo. Si Dos, nakahalukipkip, napapailing na lang habang tinitingnan si Amari. Umaawat lang naman sila, pero ayun, pati sila nadamay sa kaguluhan at himas rehas sila ngayon. "Wala talagang preno itong si bossing, kaya ito tayo ngayon himas rehas," bulong ni Jojo, halos hindi marinig. "Parang laging naglalaro ng patintero sa buhay," dagdag ni Uno, hindi na napigilan ang mapangiting tawa sa inis. Dos just shook his head. "Kahit ilang beses na nating sabihan. Gano'n pa rin. Galit muna bago isip. Saan ba aabot 'yan?" Sabay–sabay silang napatingin kay Amari—nakaupo sa sulok, sa sahig, nakasandal sa malamig na sementong pader.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD