Chapter 35 Zhiya Sabriya Smith I STILLED and speechless. Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko kay Papa. Then, dahan–dahan akong tumayo. Nanlalambot ang mga tuhod ko, kaya napakapit ako sa gilid ng mesa. Parang masusubsob ako sa sahig kung hindi ko iyon gagawin. Mga kamay ko nanginginig. Ramdam kong tumayo rin si Papa at marahang inabot ang kamay ko. Pero mabilis ko iyong inalis, parang napaso ako. "Anak...Sab," mahinang sabi niya, ang tinig niya ang puno ng remorse. "Oo... umamin ako. Nalulong ako sa sugal. Nawala ako saglit sa tamang landas...pero anak, hindi ako mamatay tao. Hindi ako ang nagtangka sa buhay ni Don Henry." Umiling ako. Ayokong marinig pa. Pero hindi siya tumigil. "Aaminin ko...nagtalo kami ng Don Henry nung araw na 'yon. Dahil ayaw niya akong pautangin. Ak

