Chapter 11 Zhiya Sabriya Smith PAGOD na ako. Pero hindi pa rin ako sumusuko. Sa sitwasyon ko ngayon, hindi uso ang suko. Dahil ang sabi nila–Quitters never wins. Hindi na ako nag–apply sa mga ospital. Sa mga kompanya. Lahat ng sinubukan kong pasukan, pare–pareho lang ang tingin nila sa akin. Hindi nila tinitingnan ang sipag ko, hindi ang credentials ko ang nakita. Kundi ang kriminal record ko. Kahit pa hindi pa napatunayan, kahit pa hindi pa ako nahatulan...para sa kanila, criminal na ako. Nag–try ako sa mga mall. Sa cashier, sa boutique, kahit sa food court. Pero ganoon din. Lahat sila, parang takot akong bigyan ng pagkakataon. Parang may unsaid warning na nakapaskil sa noo ko. "Stay away. Problematic." Saan pa ba ako pupunta? Napatingala ako sa langit habang naglalakad papunta sa

