Chapter 12: Nawawala

1613 Words

Chapter 12 Zhiya Sabriya Smith BUMALIK ako sa loob ng bahay para bilinan si Zaijan. "Bantayan mo si Seve ha? Huwag na huwag mo siyang palalabasin kahit umiyak pa 'yan. Naiintindihan mo?" Napatigil siya sa paginom ng mula sa baso at tumango. "Opo, Ate. Ako na bahala. Wala pong makakalabas o makakapasok dito sa loob ng bahay." May katiyakan sa tinig ni Zaijan. "Good. Kahit anong mangyari, dito lang kayo. Nagkakagulo sa labas." Tumango ako at mabilis na lumabas ng bahay. Pagbukas ko pa lang ng gate, parang sinalubong ako ng ingay ng mundo. Sigawan, iyakan, mga taong taong nagtatakbuhan. Tila gumagalaw ang buong komunidad sa sabay–sabay na takot at galit. Dikit–dikit ang mga tao sa eskinita. May mga nanay na may bitbit na walis tingting. Ang mga lalaki, may dalang kahoy, at kung ano mang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD