Chapter 99 Third Person POV PASADO alas–diyes na ng gabi, malamig ang hangin sa veranda pero hindi iyon sapat para palamigin ang dibdib ni Amari. Kanina pa siya nakatayo roon pinagmamasdan si Sab habang inililipad ng hangin ang mahabang buhok nito. The full sensual lips ay napakasarap halikan. The soft jaw na lalong nagpaganda kay Sabriya, ngunit ni hindi siya napapansin ni Sabriya. Pumunta lang siya dito para silipin ang mga bata. Pero hindi niya inaasahan na gising pa ito. Nakaupo si Sab sa isang stool, malapit sa railings. Ang baba'y nakalagay nakapatong sa mga brasong nakapatong sa railings, mga mata’y nakatanaw sa kawalan—o sa walang katapusang dilim na bumabalot sa kapaligiran. Mula sa liwanag na galing sa loob ng kwarto, malinaw kay Amari ang lungkot sa mga mata nito. At kahit wa

