Chapter 98: Natatakot

2146 Words

Chapter 98 Zhiya Sabriya Smith HINAYAAN ko muna. Ayokong maging kontrabida sa kaligayahan mga anak ko, lalo na ngayong kita ko kung paano kumikinang ang mga mata nina Seve at Felize habang kasama ang ama nila. Pero yung "one week" na sinasabi ni Seve? Over my dead body. Bukas, aalis na kami rito. Hanggang ngayon, wala pa rin akong ideya kung saang sulok ng Pilipinas kami dinala ni Amari. Nasa gitna kami ng kabundukan—bundok sa kaliwa, bundok sa kanan, bundok hanggang sa paningin. Para kaming nilamon ng kalikasan. Bumalik ako sa kwarto, hinanap ang bag ko. Nakita ko sa couch, agad kong dinampot at kinalkal para kunin ang phone ko. Tatawagan ko si Daddy. Siguradong nag–aalala na siya—at panigurado, walang paalam si Amari sa ginawa niyang pagdala niya sa amin dito. Pero halos ibato ko an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD