Chapter 64 Zhiya Sabriya Smith INALALAYAN ni Jojo si Amari para tumayo, pero nang tuluyan na itong makabangon, bigla nitong winasiwas ang kamay ng kaibigan. Halatang nasaktan ang ego niya. Kitang–kita sa mukha niya ang matinding hiya—na para bang ang simpleng pagtulong ay isang insulto. Dumukot siya ng panyo mula sa bulsa at pinunasan ang pumutok niyang labi. Tapos, dahan–dahan siyang humarap sa akin. His eyes met mine. And God... that look. Parang mga mata ni Amari ay parang blade na walang pakundangan akong hiniwa sa puso ko. Hindi na niya kailangang magsalita—ramdam ko ang galit, ang sakit, ang pagkadurog. Sandali lang ‘yon at agad ding nawala. Then he took a deep breath. Mabagal at mahinahon. Pero nakita ko ang mahigpit na pagkakakuyom ng mga kamao nito, in controlled fury. "Lu

