Chapter 63 Zhiya Sabriya Smith NAPAITLAG ako nang biglang may dalawang brasong pumalupot sa bewang ko mula sa ilalim ng tubig. "I got you," bulong ng pamilyar na tinig mula sa likod ko. Bigla akong napalanghap ng hangin nang unti–unti akong iniangat sa ibabaw ng tubig. Nanginginig akong dumilat—si Luca ang nasa harapan ko, at sa likod ko, ramdam ko ang init ng katawan ni Amari kahit basang–basa kami pareho. "Back off," mariing sabi ni Amari, ang boses niya ay parang palasong tumama sa likod ko. Galit. Territorially cold. Pero hindi rin bumitaw si Luca sa akin. Lalo pa niya akong hinapit sa dibdib niya. "You back off, asshole," singhal ni Luca, sabay isang malakas na suntok sa mukha ni Amari. Napa–atras si Amari sa malakas na impact, napasadsad sa gilid ng pool. Sapo ang dumudugong i

