Chapter 106 Zhiya Sabriya Smith AFTER our wedding ceremony, diretso kami sa reception area na itinayo sa gitna ng maluwang na clearing. May mahabang mesa sa gitna, at doon nakaupo ang bride at groom—magkatabi sa gitna, para kaming hari at reyna sa maliit na kaharian na gawa ng mga katutubo. Sa kanan ko si Amari, at kahit ang mga mata ko ay nasa mga tao, sa gilid ng mga mata ko ramdam ko ang mga titig niya. I can feel it—his gaze, steady and unyielding. Titig na parang binabasa ang kaluluwa ko, parang sinasabi nang walang salita na ako lang ang nakikita niya sa gitna ng napakaraming tao. Kunwari dedma ako, sinubukan kong magpaka–busy, pero sa kaloob–looban ko...I felt something shift. My soul touches, and it scared me a little. Maya-maya, nagsimula ang unang presentasyon—Sayaw sa Alon.

