Chapter 09: The CEO

1736 Words

Chapter 09 Zhiya Sabriya Smith KANINA pa ako lakad nang lakad, dala–dala ang pagod, pait, at ilang kopya ng resume ang nasasayang. Tatlong ospital. Dalawang private clinic. Isang diagnostic center. Lahat, iisa lang ang sagot — "We'll call you. " Pero alam ko na 'yon. Palusot lang nila iyon. Wala talagang tatawag sa akin. Nakarating ako ng Makati. Hindi ko na rin alam kung paano ako napadpad dito. Parang kusang dinala ng mga paa ko, parang umaasa pa rin kahit pagod na pagod na. Mainit at maingay ang buong siyudad. Mabilis ang galaw ng lahat. Samantalang ako, pakiramdam ko natutunaw na lang ako sa gitna ng kalsada. Dahil sobrang pagod na ako, naupo muna ako sa tabi. Hinilot—hilot ang paa kong nanakit. Maya–maya, may lumapit. Isang babae, naka–skirt at may hawak na makukulay na fliers.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD