Chapter 08: Husga

1630 Words

Chapter 08 Zhiya Sabriya NAKATITIG lang ako sa kawalan. Hindi ko na alam kung ilang minuto na akong nakaupo rito, habang sunod–sunod ang buntong–hininga kong walang kahit anong ginhawang nadadala. Parang naubosan na ako ng lakas. Parang sa isang kisapmata, sinabuyan ng itim ang buong mundo ko. Wala na ang ipon ko. Dalawang daang libong peso. Ipon ng ilang taon. Pinag–ipunan ng pawis, ng luha, ng pagsasakripisyo. Ni hindi ko na maalala ang huling beses na bumili ako ng gusto ko para lang madagdagan 'yong laman ng envelope ko. Tapos ngayon—wala na. Naglaho na parang bula. Napasinghap ako. Pilit kong tinatanggap ang nangyari. Sabi ko kaya ko pang kitain iyon, pero hindi talaga kaya. Hindi ko alam, kung paano kumita sa sitwasyon ko ngayon. Para akong dinudurog ng sarili kong hininga. Tin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD