Chapter 26 Zhiya Sabriya Smith PAREHO kaming tahimik ni Mary Jane habang naglalakad papuntang kusina. Wala akong gana magsalita. Pakiramdam ko, may mabigat na nakadagan sa puso ko ngayon. Pagpasok namin sa kusina, agad niyang sinimulang ilabas ang mga rekado. Nang mapansin siguro niyang hindi pa rin ako umiimik, siya na ang nagsalita. "Pasensiyahan mo na lang si Amari," aniya habang naglalabas ng karne mula sa ref. "Hindi naman talaga siya masamang tao. May pinagdaanan lang siguro kaya ganyan 'yan." Hindi ako agad sumagot. Binalikan ko sa isip ang sinabi ni Amari kanina. "I didn't marry her to treat her like a queen." Kung hindi iyon masama, hindi ko alam kung ano ang tawag doon. Pero pinili kong huwag na patulan ang sinabi ni Mary Jane. Sa ngayon... yes, pagpapasensiyahan ko. Pero

