Chapter 94 Zhiya Sabriya Smith I GASPED aloud, nang biglang hawakan ng isa sa mga staff ang siko ko. Magaan lang ang pagkakahawak, pino at magalang, pero sapat na para maibalik ang ulirat ko. I forgot where I was for a second. "Ma'am, this way na po for your fitting," magiliw na sabi ng staff. I nodded, pilit na ngumiti, kahit alam kong wala pa rin ako sa wisyo. Nasa loob na nga pala ako ng isang sikat na boutique—exclusive, tahimik ang paligid, every corner designed to whisper elegance. Pero kahit gaano ka–ayos ang paligid, magulo pa rin ang isip ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang naging pag–uusap namin ni Rosalie kahapon. Her words echoed in my head, not because I didn't understand her—but because I did. Too well. Ramdam ko ang bawat pakiusap niya bilang isang ina. Hindi ako b

