Chapter 43.01 Zhiya Sabriya Smith "PAPUNTA na ako sa opisina," walang–emosyong sagot niya, tapos agad na ibinaba ang tawag. Tahimik lang ako sa tabi niya. Wala na akong balak magsalita pa. Ayokong mapahiya pa. Ayokong masaktan pa. So I just turned my gaze outside the window. Sinubukan kong i–focus ang sarili ko sa tanawin, sa paggalaw ng mga sasakyan, kahit ramdam ko—ramdam na ramdam ko ang tingin niya. Nakakairita at nakakakaba. Pero hindi na ako lumingon pa sa kanya. Pagkalipas ng ilang minuto, tumigil na ang sasakyan sa harap ng kumpanya niya. I took a calming breath, at akmang bababa na, nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Napasinghap ako. "Oh!" usal ko. Ang tila bakal nitong mga daliri'y humigpit sa palapulsuhan ko. Parang gusto niyang ipako ako sa kinauupuan ko. Hinila ko

