Chapter 42 Zhiya Sabriya Smith IN MY peripheral vision—nanginginig sa galit si Margus, hawak pa rin ang basang mukha at robe niya. Pero hindi ko na siya tinapunan ng kahit anong tingin. Tuluy–tuloy lang ako sa paglalakad palabas ng kusina. Wala akong balak makipagpalitan pa ng salita sa taong puro lason ang lumalabas sa bibig. Pagliko ko sa hallway. Muntik ko nang mabangga si Amari. Nakabihis na siya. Shirt tucked in, sleeves rolled up, as always—sharp. Pero ang noo niya, agad na kumunot nang makita ako. His eyes scanned me. At sa mga mata ko, alam kong nakita niya ang galit. Hindi ko na pinilit itago. "Anong nangyari?" tanong niya agad, boses niya may halong gulat. Pero bago pa man ako makasagot, narinig namin ang yapak ni Margus—sunod na sumulpot, may drama pa sa pag–iyak–iyak. H

