Chapter 66 Third Person POV "AMARI, ano ang ibig sabihin nitong kumakalat sa social media? Totoo ba ito? Nagpakasal ka? Anong pumasok sa isip mo? At ang anak pa ni Severino?!" Umalingawngaw ang boses ni Rosalie sa silid na tahimik kanina. Ang mga mata niya, galit na galit ngunit may halong pagkabigla. Hindi siya nag‐abala pang kumatok. Binuksan niya ang pinto gamit ang sariling susi—isang bagay na matagal na niyang ginagawa tuwing gusto niyang sorpresahin ang anak dito sa condo nito. Nakauwi na siya mula abroad. At ang una niyang ginawa? Harapin si Amari. Nakadapa pa sa kama si Amari, ang kalahating katawan ay natatakpan ng kumot. "Mom..." garalgal at paos ang boses niya, nagising sa ingay ng kanyang ina. "Ang aga–agang sermon. Sobrang sakit ng ulo ko...Can we not do this now? Kung na

