Chapter 67 Third Person POV NAHULOG sa malalim na pag–iisip si Amari sa loob ng opisina niya. Tila ba unti–unting binalot ng kalituhan ang buong sistema niya habang muling binabalikan ang mga nangyari kanina. Si Margus. Na si Margus ang babaeng matagal na niyang hinahanap? Bumigat ang dibdib niya. Ilang beses niya nang nakasama si Margus—kumain, nagbiruan, katrabaho, pero ni minsan, hindi siya nakaramdam ng kahit anong koneksyon na nagtutulak sa kanyang magduda. Hindi iyon pumasok sa isip niya. Napahawak siya sa sentido, napailing. Iba kasi ang amoy ng babaeng nakasiping niya. He could still remember it like a ghost scent lingering in his memory—natural, soft, jasmine. Something he secretly got addicted to. Something that reminded him so much of...Sabriya. Pero si Margus? Oo, maban

