Chapter 108: Dapat planuhin

2012 Words

Chapter 108 Third Person POV NAGULAT pa si Amari nang pagtihaya niya’y dumadausdos siya sa papag. Ramdam niya ang matigas at malamig na lupa sa likod, pati ang dapyo ng lamig sa katawan. Bigla siyang nagmulat. Madilim na ang paligid, at tanging huni lang ng kuliglig at ihip ng hangin ang maririnig. Mabilis na bumalik sa isip niya ang lahat ng mga pangyayari. Mabilis siyang tumayo. "Sabriya..." subalit tahimik ang buong paligid. Napaupo siya sa gilid ng papag, itinukod ang mga siko sa tuhod at mariing inihilamos ang mga palad sa mukha. Hindi niya napigilan ang panginginig ng balikat niya nang tuluyang bumigay ang mga luha. Akala niya, kaya niyang lunurin ang lahat ng sakit sa bote ng alak—na kung lasing siya, baka sakaling makalimutan niya. Pero sa tuwing bumabalik ang ulirat niya, mas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD