Chapter109: Ipinakilala na sa lahat

2652 Words

Chapter 109 Zhiya Sabriya Smith NASA loob ako ng presidential suite ng hotel, ilang minuto na lang magsisimula na ang party kung saan ipapakilala ako bilang heiress ni Alejandro Salvi. Mula sa salamin, nakikita ko ang sarili ko sa gown na pinili ko mismo—maayos ang buhok, kumpleto ang makeup—pero wala sa mga mata ko ang saya na dapat ay naroon. Galit pa rin ako kay Amari, sa lahat ng panloloko at sakit na ginawa niya...pero sa kabila ng lahat, may parte ng puso ko ang kumakabog sa alaala niyang naiwan siya roon, kasama ang mga katutubo. At higit sa galit ko sa kanya, mas mabigat sa akin ang makita si Seve na malungkot. Nakatayo siya sa gilid ng bintana, malayo ang tingin, para bang sinusundan ng mata niya ang isang bagay na hindi niya maabot. Nakalaylay lagi ang balikat, wala ang dati

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD