Chapter 19: Pagtakas

1626 Words

Chapter 19 Zhiya Sabriya Smith NAPASINGHAP ako nang lumapit ang mukha ni Amari, halos magdikit na ang labi naming dalawa. Napapikit ako—hindi ko alam kung bakit, baka sa kaba siguro. Sa galit. Sa bigat ng damdaming pinipigilan ko sa dibdib. Pero bago pa man niya tuluyang maangkin ni Amari ang labi ko, may boses mula sa labas ang biglang umalingawngaw. "Sir, andiyan na po ang Judge." Isang malalim na buntong–hininga ang pinakawalan ni Amari. Ibinuka ko ang mga mata ko at nakita ang pagkadismaya sa mukha niya. Parang nabitin. Parang nainis sa pagkaudlot ng gusto niyang gawin. Suminghap siya, saglit na pumikit at tumango sa sarili. "Lalabas na ako," malamig ang tono niya. Tiningnan niya ako, diretso, at muling nagsalita, "Mag–ready ka na. Ayusin mo ang sarili mo, Sab. At isang paalala..

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD