Chapter1-St. Patrict Academy
Maraming nagbago...mas maraming bagong makabagong kagamitan, sa buong campus...mas maraming bagong buildings na nakatayo sa Campus.
Mga estudyanteng kanya-kanyang nag-uumpukan, at naghaharutan, mga kabataang babae na naghakagikgikan, marahil...pinaguusap ang kani-kanilang mga crush.
Malayong-malayo sa dating...St. Patrict Academy na simple at payak.
Natawa nalang si Mary Rose Alcanatara
ng maalala at muling bumalik sa kanya ang masasayang alaala. Ang nakaraan na halos 7 taon na ang lumipas....
***
Nagmamadali noon si Mary Rose, dahil late na s'ya sa first period n'yang klase. Terror pa naman ang teacher. 4thyr highschool na s'ya.
Pawis na pawis at humihingal si Mary Rose papanik sa hagdan sa second floor. Paliko na s'ya sa kanilang classroom nang biglang may bumangga sa kanya. Isa isa pinulot ni Mary Rose ang kanyang mga gamit.
Nang na bigla s'ya sa sigaw ng baritonong boses!
"Bulag ka ba? O dakilang papansin lang?" ng itaas n'ya ang tingin sinalubong s'ya ng halos nag-aapoy na mga mata ni John Mikael Romero
Ang pinakamagaling na Varsity player. Bilang star basketball player at nag-iisang anak ng may-ari ng St. Patrict Academy.
Sa pagkabigla walang sagot na lumabas sa kanyang bibig. Sobrang nagngingit at nanggigil si Mary Rose, habang sinusundan ng tingin si John Mikael at kanyang kabarkada.
At iyon ang kanilang banggan. Letiral na Banggaan!
Sa school Canteen, nakapila para bumili ng snack n'ya at kanyang kaibigan na si Annie. "Alam mo ba friend, sira ang day ko today! Haist, kainis!"
"Bakit naman?" si Annie na agad bumaling sa kaibigan.
"Di ba, late ako sa first period. Kaya ako nasabon ni Miss Sungit! Sa sobrang malas ba naman! Binangga ako ng Hari ng Hambog at Kayabangan! Yong--" Speaking of....the, DEVIL! habang naghahanap sila ng bakanteng mesa. Natanaw n'ya si John Mikael o JM sa mga kaibigan at sa playmate nito sa basketball.
Nasa dulong bahagi ng Canteen. Sinundan din ng tingin ni Annie ang tinitignan ng kaibigan, "Sobrang guwapo n'ya talaga," si Annie na bahagya pang kinilig.
"Anong guwapo?! Saang banda naman aber, ha? Baka, YABANG kamo! Tsk." sabay irap nito. Pero..sa totoo lang, talaga namang guwapo s'ya. With his tan colored skin, with his beautiful eyes na para bang pinaghalong INDIAN at ARABO and at his age, he was tall 5'9 at age of 18yrs old.
But sad to say, he was very PLAYFUL with the GIRLS. Kung magpalit ng girlfriend, para lang nagpalit ng brief!
NASA loob na sila ng classroom, habang nagdi-discuss ang teacher sa unahan. History pa naman! Mas lalong walang maintindihan si Mary Rose, kasi naman kumukulo ang ang sikmura n'ya dahil halos wala s'yang nakain sa canteen dahil sa sobrang inis kay JM. "Hambog! na mayabang!" bulong n'ya sa hangin,
"Bwesit na hambog na' yon! Sabihin... nagpapansin ako sa kanya?! Seriiously? Sino ba siya?! Sa gandang kung to, magpapapansin sa hamak na tulad niya? Neknek niya! Never and ever Tss! Sa dami ng nangliligaw sa' kin! Mamatay siya...kamo! " Muling bulong nito na naiinis pa rin tuwing naaalala ang naganap sa kanila ni JM.
Sa totoo naman na, maganda si Mary Rose, sa edad n'yang 16 mas matangkad s'ya sa kanyang edad. Mestesa, may mahaba at shiny ang buhok at may maamong mukha at sexy. Marami ngang nagsasabi na parang anak mayaman s'ya. Pero ang totoo simpleng tao o mas angkop na mahirap ang kanyang Pamilya. Simpleng emplyedo sa City Hall ang kanyang Ama,ulila na s'ya sa Ina. Sampong taon pa lang s'ya nang mamatay ang kanyang ina dahil sa sakit sa puso. Hindi na nag-asawa pa' ang ama n'ya.
Kaya lang naman s'ya nakapasok sa St. Patrrick Academy, noong grade six s'ya bilang isang valedictorian. Naging iskolar siya sa pamumunong ng may-ari ng St. Patrick Academy na noon ay kanilang school guest speaker na si Mr. Romero ang Ama ni JM.
"That's all for today class," sabay baling ni Mary Rose sa nagsalita.
Bilis naman ni prof mag-discuss, ni di ko naramdaman....end na ang klase?!
Di niya na kasi namalayan na tapos na pala ito sa pagdi-discuss sa kanilang leksyon, marahil sa layo ng narating ng kanyang isipan kaya nawala ito sa reyalidad na nasa klase parin siya.
"But before we live, i have an announcement to make. Starting tomorrow, Mr. John Mikael Romero will join to our company in our class. Please, be kind to him. Help him to adjust to our class. So, I think that's all. You may go now and goodbye!"
Matapos iyon ianunsyo ng kanilang Propesora ay isa-isa namang nagsilabasan sa klase ang mga ka-klase ni Mary Rose at tanging s'ya nalang ang naiwan, marahil dahil ito sa tumatakbo sa kanyang isipan ng mga oras na' iyon, "Iba talaga pag- mayaman at anak ng may-ari ng school. Walang imposible," bulong ni Mary Rose habang palabas ng kanilang klase.
"Stop Mary Rose! Stop na! Sirang sira na ang araw mo at gutom pa!! dahil sa impaktong yon!"
CANTEEN
LUNCH TIME. Naghihintay sa kanya ang kaibigan na si Annie sa paborito nilang puwesto sa canteen. "Hi! Best, im here!" tawag pansin nito sa kakarating palang na si Mary Rose na agad naman s'ya nakita at ngayon ay papalapit sa kanya. "Bat ngayon ka lang ha? Alam mo bang I'm hungry na, sobra!"
"Later ko nalang iku-kuwento ok? But for now, lets get our order food,"
"Sige, kaw bahala!" tanging naisagot nalang ng kaibigan.
Nakabalik na sila sa mesa at kanilang inilapag ang pagkaing ini-order nila. "Go, tell me na. Why are you late to our lunch date," pag e-empasize pa nito sa Go at Late.
"Ito na nga! Hindi makapaghintay. Nagmamadali, nagmamadali!? Tss.. Anong gusto mong unahin, kumain tayo? O magkuwento ako?" nanahimik naman si Annie sa tinuran ng kaibigan.
"So, ito na nga!" panimula n'ya sa kaibigan. "Alam mo bang nag-transfer na dito yong anak ng may-ari ng school," aniya sa kaibigan.
"Sino, si Mr. Perfect JM?"
"Oo. Malamang sa malamang! Bakit, may iba pa bang anak si Mr. Romero bukod kay JM?! Tss, at sa kamalas malasan, magiging classmate ko pa s'ya!"
"Talaga best?! Wow ha! Sana...maging classmate ko rin isang tulad ni John Mikael Romero, gosh! Swerte mo girl. Ikaw na talaga..." mejo may inggit nito sa tono na sabi, san banda swerto don? Baka kamo..malas! Tss..nang bigla s'yang napalingon sa may pinto papasok sa canteen. Ang grupo nila JM na maiingay na nagku-kuwentonhan kaya agaw pansin sila sa mga estudyanteng kumakain.
Habang ang mga kababaihan ay kinikilig pa na animo'y naiihi sa kanilang mga upuan at sempre, kasama na ron si Annie.
"Friend...parang... nahulog ata panty ko," bulaslas ni Annie na di man lang nakatingin sa kaibigan dahil busy-busy ang tingin kila JM, kaya di nito nakita ang pag ngiwi ni Mary Rose sabay, Tss.. Di' niya alam kung kailan at kung bat naging kaibigan niya ito. Basta ang alam niya lang di ay...hindi kompleto ang araw niya kung wala ang tinuturing niyang kapatid at kaibigan nasi Annie.
WARNING
PLAGIARISM IS A CRIME! PUNISHED BY THE LAW!
PAUNAWA
ANG KWENTONG INYONG NATUNGHAYAN AY BUNGANG ISIP LAMANG NG ISANG MANUNULAT. ANO MANG PAGKAKAHALINTULAD SA LUGAR, MAPA TAO, PANGYAYARI O MAGING BAGAY, O DI NAMAN KAYA MAGING ANG PAGKAKAPAREHO SA AKTUAL NA PANGYAYARI, LUGAR, TAO, BUHAY O PATAY MAN AY SADIYANG NAGKATAON LAMANG AT HINDI SINASADYA. MARAMING SALAMAT PO SA PAGBABASA AT SA PAGUUNAWA....