Chapter 2 -Going back home

1534 Words
Natulala si Marianne at walang boses na lumabas sa kanyang labi, nabigla siya pero kinilig siya sa unang pagkakataon. It was her first kiss with Ram. “Remember its just a kiss, i owe my birthday gift for this year! It was a sweet one..pero sana nag mouth wash ka muna…at napahalakhak ito Nainsulto siya sa tinuran ng lalaki. “I hate you Ram! “Honey, nagbibiro lang po ako! Promise it’s a sweetest kiss in my entire life! Promise uulitin ko pa yon kung hindi ka tumino. “Ihatid mo na ako Ram, bago may magawa ako sayo na pagsisihan ko! Nakangisi lamang ang lalaki na inalalayan siyang bumaba at hinatid siya ng lalaki. Simula ng araw na iyon mas pinili niyang dumistansya kay Ram. Naiinis siya pag makita niya ang lalaki lalo na ng tumitig ito sa kanya ng may kahulugan, mas lalo siyang nabubuwesit. Sa araw ng graduation ng lalaki hindi siya dumalo, hindi din siya pumunta sa handaan sa mansion. Kahit pinatawag siya ni Donya Clara pero naghanap talaga siya ng alibi para hindi makapunta. Nabalitaan na lamang niya na lumuwas ang binata para doon mag-aral ng kolehiyo. Bawat semestral break nagbasakali siya na masilayan si Ram na umuwi man lang sa mansion pero wala. Nabalitaan niya na ang Don ay Donya ang lumuluwas para bisitahin ang anak. “Anak, aalis na kami ni Tatay mo, pakisara ng bahay at huwag kang magpapasok ng taong hindi mo kilala” Habilin ng ina. Samantala sa mansion…. “Mom, I miss this place! Si Ram “Ikaw kasi hindi ka man lang nagbakasyon dito kahit minsan! Nagtatampong boses ng ina “Mom kailangan pa ba yun eh updated din ako araw araw sayo sa mga nangyayari dito. Parang nandito na rin ako…walang araw na walang video clip si Mara na sisend sa akin..so what’s the purpose to go home, tapos babalik din kaagad ako…so I wait this time..i’m here now! “Oh, nandito na pala sila Marta at Doming…napalingon si Ram sa dalawang papasok sa gate. “Tita, Tito…kaway nito sa dalawang matanda “Ram, anak sobrang tangkad mo na at ang pogi.. Umiikot ang paningin ni Ram na tilang may hinahanap. “Hindi ba sumama si Marianne sa inyo Tita? “Naku anak, hindi eh, sobrang pagod yun sa trabaho kanina, tumulong kasi sa gawain ni Tatay niya! Si Inang Marta “Mom…all I knew ipinahinga na sila Tita Marta at Tito Doming sa gawain sa farm! Sita sa Ina ‘Yes anak! We do pero ayaw nila eh, exercise yun para sa kanila kaya hinayaan ko na lang! “Ram huwag mo nang ipilit ginusto naming yun ni Doming at saka masaya kami na makatulong sa inyo kahit sa ganitong paraan lang, utang na loob naming ang pagpapaaral nyo kay Marianne.” Si Marta “At si Marianne bakit pa siya nasama doon, all I knew she’s working at the town! Tumango na lamang ang dalawang matanda. “Matigas ang ulo ng anak naming kung iyon ang gusto niya iyon ang masusunod! Napailing si Ram at nagpaalam sa magulang at sa ina’t ama ni Marianne. Isang malakas na katok sa pintuan ang narinig ni Marianne habang kaharap ang kanyang laptop. Hindi niya iyon binuksan dahil alam niya nag-iisa lang siya ngayong gabi dito sa loob ng bahay. Sinundan pa iyon ng sunod sunod na katok na tilang galit na. Sa sobrang inis niya nagmadaling tinakbo ang pintuan. “Ano ba ang gabi na para mang-istorbo..ang inis na sabi sabay bukas ng pintuan. Halos nabulunan siya ng laway pagkakita sa taong nakatayo sa harap niya. Its Ram…ibang ibang Ram na ito ngayon mas lalong tumikas at ang amo ng mukha bumagay ang gupit nito at damit na suot. “Hindi ka pa rin nagbabago ikaw pa rin ang Marianne na nakilala ko…seryoso ang boses habang tinititigan siya mula ulo hanggang paa. Umismid siya at seryoso ding hinarap ang lalaki. “Ano nga pala ang sadya natin sa des oras na ng gabi!” sita dito. “ Sinusundo ka! ‘Alam mong uuwi ako tonight bakit hindi ka sumabay sa kanila tito papuntang mansion! “Gusto mo talaga na special sundo ka noh!” “Ano? Wala akong iniisip na ganoon, at saka wala akong gana pagod ako sa trabaho! “Pagod? Eh bakit nakababad ka diyan sa harap ng laptop mo sa oras na to! Dapat nga nakatulog ka na eh! “Bahala ka kung ayaw mo maniwala! Mahinang pagkasabi “Make it loud! Ano ang sinabi mo! ‘Wala! Inis na pilit isara ang pintuan pero ipinasok ni Ram ang kalahati ng katawan nito. Sa lakas ba naman ng bisig nito hindi kayanin ni Marianne ang iniisip niya na sarhan ang kausap. “Hindi ka masaya na at last I’m finally here! Tapos magpapasundo ka pa sa akin dito? Iniwan niya ang lalaki at padabog na umupo sa tapat ng laptop nito. Hindi na niya ito nilingon pa. “Magbihis ka na at pupunta tayo ng mansion ngayon na! utos ng lalaki dito Masama ang titig niya dito. “Umuwi ka na please! My decision is final Ram! Pagod na ko pwede ba iwan mo na ako dito!’’’ “Kung hindi ka sasama tonight…Let say na pinuputol mo na ang ugnayan natin at ang pagsasamahan natin! Isang makonsensyang salita ni Ram Nilingon niya ito at umismid. “Matagal na naputol yun! Mas mabuti na yung ganito para walang masaktan na damdamin! “God dammit Marianne! Huwag mo sagarin ang pasensya ko, huwag mo ako punuin…hinintay ko ang araw na ito na makapag-usap tayo ng maayos! “Not tonight Ram, wala ako sa kondisyon ngayon para makipag-usap kanino man! At saka wala naman tayong dapat pag-usapan na seryoso…ayaw ko naman yung lalaitin mo lang ako palagi! Bumuntong hininga si Ram at ngumiti ng napakatamis. “Huwag kang ngumiti dahil nakakainis ka na. Kaya umuwi ka na please! “So it’s a quit? Okay! Its what you need then salamat sa pagharap sa akin Marianne! Sabihin ko na lang sa kanila na nakatulog ka na.” At tumayo ito na sobrang seryoso at sinuklay ang nakaharang nabuhok nito sa kanyang mukha at ang lakas ng buntong hininga nito. Matagal nang nakasara ang pintuan pero nandoon pa rin ang paningin niya, tilang inaabangan na baka bubukas iyon ulit at bumalik si Ram para amuin o himukin siyang sasama. “Anak kung sumama ka sa amin kagabi tiyak mag-enjoy ka doon, may sayawan pagkatapos ng salo salo. “ ang kanyang ina habang kumakain sila kinaumagahan. “Ok lang po ako Inay maraming araw pa na magkakaroon ng okasyon sa mansion, hayaan nyo po babawi ako sa susunod.” “Matamlay si Ram na bumalik kagabi dahil hindi ka niya kasama, buong akala naming lahat pupunta ka dahil kusa kang sinundo” “Ma, kaya nga hindi ako pumunta dahil ayaw kung makaharap ng matagalan si Ram, tiyak ako naman ang punain niyan kaya naninigurado lang ako na hindi masira ang maganda kung mukha.” sabay ngiti sa ina. Napahalakhak lamang ang kanyang ina sa kanyang tinuran. Naglalakad siya papunta sa tindahan sa labasan ng lupain para bumili ng makakain doon nang malingunan niyang may sumusunod sa kanyang likuran na isang motorsiklo. Bumusina pa ito na kusang nagpahinto sa kanya sa gilid ng kalsada. Its Ram nakasisiguro siya dahil sa bulto ng katawan nito kahit naka helmet pero she can identify that man. Pero bakit parang hindi siya nito hinintuan man lang diretso lang ito sa nais nitong puntahan. Naalala niya ang usapan nila nung gabing iyon baka tinutuhanan ni Ram lahat kaya hindi siya nito pinansin man lang. Bakit tila siya pa ngayon ang apektado, nag alburuto yung damdamin niya or inaasahan lang niya na pansinin siya ng lalaki. Pagdating sa tindahan saka siya bumili ng kanyang balak na bilhin. Nakita niya sa bandang likuran ng tindahan ang umpukan ng mga nag-iinuman doon at kasama nila si Ram na nakikipagkwentuhan at natitiyak niyang nakikita siya nito pero ni lingon sa bandang kinatatayuan niya wala. Padabog na umalis si Marianne at naglakad pabalik sa loob ng hacienda. Hindi pa siya nakakapangalahati sa kanyang nilakad nariyan naman ang paharurot na motorsiklo ni Ram na sumusunod sa kanya. Nang tumapat sa kanya ito mas lalo pa nitong pinabilis at iniwan siyang tulala. “Ang yabang…naiinis na sabi. ‘Akala mo kung sino kung umasta, akala niya hari na siya ng mga kinikilala niyang kaharian, nakakainis ka… sa halip na dumiretso pauwi lumiko siya papunta sa taniman ng santol tiyak naghaharvest sa ganitong oras ang mga tauhan sa hacienda. “Marianne nandiyan ka pala, halika rito Ineng may maraming bunga dito kumuha ka lang kung gusto mo kumain” sabi ni Mang Tasyo Napangiti siya sa matanda namemorya talaga nito pag dumayo siya roon tiyak hihingi siya para kumain. Napakaraming basket na ang kanilang naharvest at nag sizing na lang yung ibang tauhan. “Ok lang po ba Mang Tasyo pag marami ang kukunin ko kasi dadalhin ko bukas pagluwas sa bayan” “Ay naku anak, di ba malakas ka naman kay sir Ram tiyak papayagan ka niyon…Kumuha ka lang diyan at sa barong barong na yan pakikuha na lang ng bag” sabay turo sa lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD