Pabalik na siya sa kinaroroonan nila Mang Tasyo nang matanaw niya na may kausap ang matanda. Si Ram at nakaupo sa kanyang motor habang abala sa pakikipagkwentuhan.
“Iha halika nabanggit ko na kay Sir Ram na kukuha ka ng santol, pwede mo na punuin yang bag na hawak mo…ang matanda.
Napalingon si Ram sa kanya pero umiwas din kaagad. “Bigyan mo siya Tay Tasyo baka naglilihi yan tayo pa sisihin pag makunan…sabi ni Ram sabay pinaandar ang kanyang motorsiklo.
Galit si Marianne na sagutin sana para ituwid ang mga binitiwan nitong salita pero pumaharurot na itong umalis agad.
“Pilyo talaga si Sir Ram binintangan ka pa niya talaga..” nakangiti na sabi ni Mang Tasyo. “Anak nag-away ba kayo, parang may napansin lang ako sa inyo dalawa! dugtong nito
“Hayaan mo na yan Tatay baka nahihirapan lang mag-adjust ulit dito, matagal tagal na rin siyang wala dito sa lugar natin.”
“Kaya nga ngayon lang yan kauwi baka na miss ka niyan Anak!
Nakangiti si Marianne habang naglalakad pauli sa bahay nila. Napapaisip siya ng malalim tinitimbang nito ang kanyang nararamdaman bakit parang umiba ang t***k ng puso niya simula ng gabing sinundo siya ni Ram. Parang lagi hinahanap ng kanyang mga mata ang lalaki kahit masilayan man lang ito.
“Anak pinapatawag ka ni Donya Clara may mahalaga yatang kailangan sa’yo! Sabi ng ina nito pagdating nito galing sa mansion.
“Ano daw ang kailangan niya Nay?
“Hindi sinabi pero tinawag niya ako kanina bago umuwi!
Kaagad itong nagbihis at sinakyang niya ang kanyang multicab na nabili. Katas ito ng kanyang pagsisikap bilang isang dentista. Sa edad niya ngayon 25 years old dahan dahan na niyang natupad ang kanyang pangarap para sa kanyang sarili.
Malayo pa ang mansion makikita na nito ang mataas na pader na pumapalibot dito. Dati wala ito pero nang minsang pinasok ng magnanakaw ang nga Villasis napilitan si Don Raul na nagpatayo ng pader at naglagay na rin ng CCTV camera sa paligid.
“Narito ka na pala Marianne, pumasok ka nalang sa loob hinhintay ka ni Mam Clara!” si Mang Tasyo ang nakasalubong niya papasok pa lang ng gate.
Inikot nito ang kanyang paningin sa paligid. May isang sasakyan na ngayon pa lang niya nakikita na napa-park sa garahe. Siguro kay Ram ito dahil bago at halatang mamahalin.
Nakaupo sa sala ang Donya sa kanyang pagbungad at kumakain ito.
“Magandang araw po!” bati nito na nakangiti sabay mano.
“Salamat at dumaan ka rito! Alam kung babalik ka na bukas sa bayan kaya hindi na tayo makapag-usap ng maigi.
“After lunch pa naman ang alis ko bukas!
Napaunat ang matanda at tumingin ito ng maigi at sumeryoso ang mukha.
“Nag-away ba kayo ni Ram iha?
Po?
“I’m just guessing nakikita ko siyang umalis kanina tapos galit na bumalik dito at may nabanggit siyang pangalan mo! “Alam kung hindi ka dumalaw dito noong dumating siya at tinanong ko rin hindi naman nagsasalita! Is there something wrong?
Napapailing siya na iniwasan pag-usapan ang mga bagay na ito. Mabait si Donya Clara kanyang buong pamilya. Siya ang nagpapa-aral kay Marianne hanggang sa makapagtapos ito ng kolehiyo.
Naputol ang kanilang usapan ng pumasok si Ram na puno ng pawis ang mukha at basang basa ang damit nito. Nagtama ang kanilang paningin ngunit si Marianne ang unang bumawi.
“Ano ang ginagawa ng babae na ‘yan dito Mommy?
“Ram, watch your word! Warning nito sa kanyang anak.
Kung magsalita parang hindi niya ito kilala at pinagdidirian.
“Sit down here!” sabay utos nito sa kanyang anak na umupo.
Sumunod din ito at tumabi pa nga sa nakaupong si Marianne. Parang sinusubok siya talaga nito dahil sa makitid na upuan pa ito tumabi na may malapad naman na nasa kabila.
“Entertain mo muna si Marianne at may kukunin lang ako sa room ko!” ang matanda at tumayo. Naiwan silang dalawa na walang imikan.
“Ano ba ang gamit mung sabon bakit bigla kang pumuti?
Naiinsulto yata siya sa sinabi ng lalaki. Kahit kailan hanggang ngayon mahilig pa ring pumuna ito.
Masama niyang tinitigan ito at umarko pa ang kanyang kilay. “Wala ka na roon! At kung gumanda man ako pasalamat ka!
“Ibang-iba ka na sa dating Marianne na nakilala ko!
“Talaga lang! Hindi mo na ako kayang kantiyawan ngayon dahil sa mukha ko at balat Ram! I’ve already change a lot!
Napapangiti ito na nang-iinsulto. “Ikaw pa rin si Marianne na payatot at kayumanggi ang kulay, kahit ano pa ang gawin mo, you still the same!
Tumikhim na lamang ako at hindi na nagsalita pa.
Bumungad si Donya Clara na may dalang papel.
“Mabuti at narito kayong dalawa!” sabay abot ng papel na hawak nito.
Isa itong plano ng isang building at nakalagay sa perspective.
“This will soon to rise sa bayan doon sa ating lupain malapit sa town center! At nakatingin ito kay Ram
‘Its nice to hear Mom!
“After matapos ang construction doon na kayo mag-clinic dalawa para hindi ka na magrenta pa Marianne!
Natigilan si Marianne habang tinititigan ang plano na hawak. Paano na kasama siya sa usapan na ito. At sa iisang building sila magsasama ng Binatang doctor.
“Pero Mam mababa rin naman ang renta ko doon, si Mayor mismo ang kumausap sa akin na doon na lang ako para mas malapit sa mga client!
“Binata ba ang mayor na iyan? Lakas loob na tanong ni Ram na kay Marianne nakatingin.
“Matandang binata!
“Mom pakisabi kay Daddy na madaliin na ang construction doon para makalipat na si Marianne sa bago niyang lokasyon!
Shhhhhh.. ang tunog at tumatawag sa kanya habang papasok siya sa kanyang multicab. Kakatapos lang nilang nag-uusap sa loob.
“Iwan mo na lang ang sasakyan mo at ihatid na lang kita, baka tumirik pa iyan sa daan!
“Kung wala kang sasabihin mas mabuting manahimik ka na lang! Wala ka talagang bilib sa akin noh?
Napahagikhik na lamang ito at tumalikod. “By the way susundan na lang pala kita para siguraduhin kung tumirik nga nandiyan akong tutulong sa’yo! Dugtong pa nito.
“Get lost!” at inis na pumasok sa sasakyan nito at pinaharurot paalis. Hindi nito pinansin ang pagbusina ng lalaki habang sumusunod sa kanya.
Pagpasok niya sa kanilang bahay kaagad siyang pumasok sa kanyang sariling kuwarto at doon na ibinuhos ang kanyang inis. Napasigaw siya at ibinunton lahat sa makapal niyang unan napasubsob siya doon at galit na pinagpapalo ito.
Nakarinig pa si Marianne ng tatlong busina ng sasakyan sa labas ng kanilang bakod. Napatingin siya sa bintana at nakita niyang nasa harapan ng kanilang bahay ang sasakyan ni Ram nakaparking. At nasa harapan ng kanilang bahay ang lalaki kausap ang kanyang tatay Doming.
“Anak lumabas ka muna rito, si Senyorito Ram sa sala hinihintay ka!” boses ng kanyang nanay sa may pintuan.
Hindi talaga siya titigilan ng lalaking ito. Hanggang dito ba naman sa sarili nilang pamamahay iinisin pa rin siya nito.
Masayang nag-uusap ang binata at ang kanyang ama ang kanyang nabungaran
“Narito na pala ang dalaga ko, Sir Ram!
“Sobrang ganda ng ngayon ang dalaga ninyo! At kumindat pa kay Marianne.
Napanguso naman ang dalaga at namumula ang pisngi sa inis.
“Ewan ko ba diyan wala pa ring boyfriend hanggang ngayon!” sagot ng ama nito.
“Talaga ho?
“Tay naman nakakahiya, hayaan nyo po sa susunod na linggo dalhin ko rito ang boyfriend ko para makilala mo!” paiwas kong sabi.
“Dalhin mo nga para makilala namin!” nanghahamon talaga ang lalaking ito.
Napangiti pa ito na tilang nag-uuyam. Hindi yata maniniwala na sa kasinungalingan ng kaharap.
“Habang hindi pa naiharap sa dambana pwede pa iyan final at saka maari pang agawin!“ Sabi pa nito.
“Anak may niluto kasi si Nanay mo na suman kaya inanyayahan ko na lang si Ram na pumasok dito para makatikim naman!
Tumayo ako at tumalikod. “Kukuha lang po ako!
“Anak, dito ka lang at ako na nag kukuha!” presinta ng ama nito.
Nilalaro ni Marianne ang kanyang kamay habang nakaupo sa isang upuan. “Sigurado ka bang may gusto sa’yo ang boyfriend mo? baka niloloko ka lang niyan!” ang boses ng lalaki sa kanyang harapan.
“It’s none of your business! Ano naman ang pakialam mo kung lolokohin lang ako!
Nakakuyom ang kamao nito at halatang naiinis. “Hindi ka pa rin nagbabago!
“As what you believe! Bakit ba ako nakikipag-usap sa’yo! Hindi naman kailangan na ireport ko pa ang buhay ko katulad ng paggawa ko ng accomplishment noong nag-aaral pa ako!
“Karapatan ko ring malaman dahil pera namin ang nagpaaral sa’yo at naabot mo ang kinatatayuan mo ngayon!” Nakakainsultong mga salita na kanyang nabitiwan.
Pinigilan nito ang kanyang luha na papatak. Ito ang pinakaayaw niya sa lahat ang punain siya ni Ram.