Masakit ang ulo ni Marianne pagkagising kinaumagahan kaya hindi siya hinayaan ng kanyang Nanay na papasok sa klinika nito.
Napakabigat ng kanyang pakiramdam na tilang binibiyak ang sintido nito.
“Nagpuyat ka ba kagabi, anak?
Hindi ito sumagot dahil madaling araw siyang gising sa kakaisip ng maraming mga bagay. Baka ito din ang dahilan kung bakit sumakit ang ulo nito. Biglang gumulo ang mundo niya sa pagbabalik ni Ram sa San Dionisio. Alalm niyam heto na naman ang simula ng pagiging miserable ng buhay niya.
“Nagluto kami ni Tatay mo nang linagpang na manok diyan para makakain ka ng mainit na sabaw!”
Alam nitong maya’t maya pa aalis na ang mga magulang para pupunta sa farm ng mga Villasis at maiiwan siyang mag-isa sa bahay.
Sa bawat subo niya nang sabaw hindi pa makakapasok sa lalamunan nito kaagad niya ring isusuka. Minabuti niyang huwag na lang kumain at natulog na lamang. Kung saan pang araw ng Lunes at tiyak marami siyang kliyente pag ganitong araw dito pa siya nagkasakit.
Tanghalian na nang makarinig siya ng boses sa labas ng kanyang kwarto. Pilit siyang tumayo pero nahihilo talaga siya. Dala yata ng kanyang pagsusuka at walang nakain kaya nararamdaman niya ito.
May pumihit ng pintuan at iniluwal nito ang kanyang Nanay na suot pa ang damit pambukid.
“Masama ba talaga ang pakiramdam mo?” sabay hipo ng leeg nito.
Nagmadaling lumabas si Aling Marta at kumuha ng malamig na tubig at saka bimpo.
“Nilalagnat ka anak! Tiningnan ko hindi ka pa pala kumain wala pang bawas ang iniwan namin pagkain sa’yo!” habang pinupunasan siya nito. “Ang tagal naman ni Tatay mo!”
“Hindi pa ako nakainom ng gamot “Nay, naubusan tayo ng gamot na stock diyan sa medicine kit na iniwan ko sa inyo!
Nataranta ang kanyang nanay sa nakitang pananamlay ng anak.
“Hmmm..bakit ba kasi dumaan pa si Sir Ram doon kaya tuloy iniwan ko pa silang nag-uusap! Hindi ko naman alam na lumala ang pakiramdam mo!”
Lumabas si Nanay Marta nito na nag-alala. Buong akala kasi niya kanina kayanin niya ang kanyang nararamdaman pero habang tumatagal mas lalo siyang nanghihina.
Nakarinig siya ng ilang mga boses sa labas na tilang nag-uusap.
Isang haplos sa pisngi nito at pagdantay ng palad sa kanyang noo ang nagpamulat kay Marianne sa kanyang pakaidlip.
“Ano ba ang kinain niya ‘Inang?” si Ram ang nakatayo sa gilid ng kanyang kama at kanyang kamay pala ang dumantay sa noo nito.
“Hindi ko alam basta paggising niyan kanina masama na ang pakiramdam kaya hindi ko na pinayagang magtrabaho!
“Pahinga lang ito Nay! Mawawala rin ito mamaya!
“Iyan ang akala mo? Akala ko ba in medical fields ka, dapat alam mo iyan! Hindi ka pa daw uminom ng gamot!” at hinipo pa ang leeg ng babae.
Ngayon lang ni Marianne natitigan ang lalaki. Isang longsleeve at jogging pants ang suot nito at may sombrero pa ang kanyang ulo. Tilang galing din ito sa farm batay sa suot nitong damit.
“Naubusan kami ng gamot Sir Ram, hindi ko natingnan kaagad kanina bago umalis!” si Inay nito ang sumagot.
Kaagad na nagpaalam si Ram sa mga ito na aalis saglit.
“Nay bakit nakapunta naman si Ram dito?
“Anak nabanggit yata ng Tatay mo na may sakit ka kaya nagpumilit na sumama! Pinuntahan niya kami sa farm kanina para patigilin sa pagtulong sa pagharvest kaya lang nagpumilit ang ama mo!
“Nay nakakahiya sa anak ni Donya Clara baka ano pa ang masabi nila! Hindi dapat na lagi pumaparito si Senyorito Ram!
“Anak hindi naman sila magtataka, dati nung maliit pa kayo lagi naman kayong magkakasama niyan!
“Inay, binata’t dalaga na po kami! At may mga sarili na rin kaming mga buhay! Umiiwas lang ako sa usap-usapan ng mga kapitbahay natin na mga makakati ang dila!
Bumalik nga si Ram at may dalang maliit na bag. Kaagad itong lumapit sa kama ng dalaga at kinunan siya ng blood pressure pagkatapos kinunan ng body temperature!
“Just eat para makainom ka ng gamot mo!” ang seryosong boses nito.
Wala siyang lakas ngayon para kalabanin ang lalaki kaya tahimik lamang siya na sumunod sa mga utos nito.
“Baka buntis ka kaya ka ganito!” ang mahinang bulong nito nang makalabas ang kanyang mga magulang at naiwan silang dalawa sa loob ng silid.
“Tsssk.. umasim bigla ang mukha sa narinig.
Masama niya itong tiningnan. Kahit ba naman sa ganitong kalagayan may lakas loob pang mang-asar.
“Kung asarin mo lang ako Senyorito pwede iwan mo na lang ako rito! Wala ako sa kondisyon ngayon para labanan ka!”
Tumikhim ito at pinasadahan si Marianne ng tingin.
“Hindi malabong mangyari na tama ako, all the symptoms ay nakikita ko!” dugtong pa nito.
“Please lang Senyorito Ram Brandon Villasis, lubayan mo ako! Baka ikaw pa ang magpalala ng nararamdaman ko!” inis nitong turan na siyang ikinamula ng tungki ng ilong nito.
Napahalakhak ito na tilang aliw na aliw pa sa kanyang reaksyon. Nasasayahan pa yata tingnan ang babaeng nagagalit.
‘Baka kunwari ka kay Inang na walang gamot kaya pala ayaw mo lang talaga inumin, di ba nakakasama iyan sa buntis?” lalo pa nitong dinagdagan na siya namang paglipad ng unan at tumama sa pisngi ni Ram.
“Ouch…sabay salo nito.
“Wala kang pakialam kung buntis man ako! It’s none of your business Okay! And please kung wala ka nang sasabihin pwede ka nang umalis dito Senyorito!” at tumalikod ng higa.
“I’m a doctor kaya hindi ko ugali na tinatalikuran lang ang mga pasyente ko na alam kung kailangan niya ako!”
“Ang doctor na kilala ko ay inaalagaan ang maysakit hindi ginagalit!”
Narinig pa niya ang hagikhik nito na tilang naaliw pa sa ginawa.
Nakatulog yata siya sa inis. Kahit narinig pa niyang nagsasalita si Ram hindi na nito pinansin sa halip tinakpan nito ang kanyang sariling tainga para hindi makarinig. Nakakairita na ang presensya nito.
Napabalikwas si Marianne nang maramdaman niyang hindi siya nag-iisa sa silid nito. Nag-uusap sila na may kahinaan pero maririnig pa rin niya ang pinag-uusapan nila.
“Inang nakapag-usap na kami ni Marianne tungkol sa clinic sa bayan!
“Mabuti naman kung ganoon minsan nag-alala kami sa batang iyan, sobrang lakas ng loob na mag-isa!”
“Hindi pa rin nagbabago..Marianne still a Marianne May..”
“Anak gising ka na pala! Kumain ka na alam kung gutom ka na!
Hindi ko pinansin si Ram at pilit na umupo para makasubo ng pagkain. Alam kung sa akin sila nakatingin. Bahala na kung ano ang hitsura ko sa oras na ito.
“Dahan-dahan lang!” puna ni Ram habang panay naman ang subo ko. Ngayon ko lang talaga naramdaman ang pangangasim ng sikmura ko. Napakabilis kung nasimot ang laman ng pinggan.
“Paano kung nagkasakit ka sa bayan na ganito, paano ka na lang!” si Ram na nakatayo sa tabi nya.
“Marami akong kaibigan na maaring tumulong, huwag kang mag-alala! I can handle myself!
Inabot nito ang baso ng tubig sa kanya para makainom ito. Bakit hanggang ngayon hindi pa ito bumalik sa mansion.
“May iniwan akong mga gamot at vitamins para sa’yo! I will check it tomorrow kung nainom mo ang mga iyan!” seryoso ang boses nito habang nagsasalita.
“Salamat Senyorito!” ang iniwasan na makipagsagutan sa harap ng mga magulang nito.
Nakakalimutan yata ni Marianne na doctor si Ram. Siyempre alam nito kung ano ang nararapat niyang inumin para gumaling kaagad.
Nang tumayo ito atnagpaalam na aalis na saka na lamang nakahinga ng matiwasay si Marianne. Kanina pa siya sinasakal sa presensya ni Ram.
“Mabait na bata iyang anak ni Donya Clara!” sabi ng ama nito.
Umasim bigla ang kanyang mukha sa narinig. Kung alam lang ama nito ang pinag-gagawa ni Ram sa kanya simula’t sapol.
“It’s now the start of more disaster, Marianne!