Maaga pa nag-ayos si Marianne para makapunta sa bayan. Hindi maaaring tumagal ang kanyang pagakakasakit dahil maraming nga kawawang kababayan nila na nangangailangan talaga ng kalinga.
“Akala ko ba anak magpapahinga ka muna ngayon! Ok ka na ba talaga?”
“Nay medyo ok naman po! At saka baka hinahanap na ako ng mga client ko! By the way po, pakidala naman ng aking mga gamit sa loob ng sasakyan!”
Kahit anong pagpigil ng ina hindi din naman siya mapipigilan nito.
Sakay ng sariling multicab kailangan niyang magmadali para makarating kaagad sa klinika nito. Natawagan na rin niya si Orly ang kanyang baklang secretary na i-accommodate ang mga maagang nagpapalista na nanggagaling pa sa kabilang bayan.
Nasa sanggang daan na siya palabas ng Hacienda de Villasis nang makasalubong niya ang nakasakay sa kabayong si Ram at umasim bigla ang mukha nito pakakita sa babaeng nagmamaneho.
“Are you insane? Hindi ka pa magaling!” malakas nitong boses na sumabay sa sasakyan nito.
“Ok na ako! Heto nga malakas na!”
“Stop the car!” utos nito na galit.
Wala na rin siyang masabi at sinunod ang mungkahi nito.
Nakita nitong bumaba si Ram sa kabayo at itinali sa isang puno.
“Baba ka!” utos nito na puno ng pawis ang mukha.
“Nagmamadali ako Ram kaya huwag mo akong i-delay pa!
Binuksan ng lalaki ang driver seat at saka umusog naman si Marianne.
“I will drive you!” at kaagad na umupo at hawak na ang manibela.
Sinipat nito ang suot ni Ram isang sando at jogging pants na kitang kita ang kakisigan ng katawan.
“Tapos ka na? makakapasa na ba ang katawan ko sa qualification mo? pabiro nitong sabi.
Umiling ang babae at tumingin sa labas.
“Hindi ako nagkakagusto sa wala ring pagnanasa sa akin!”
Napahagikhik ito at tilang naaliw. “Tama ka hindi talaga mangyayari ‘yan!
Napahaba ang nguso ni Marianne sa narinig. Mahilig talaga mang-inis ang katabi at alam nito kung saan huhugot na matatamaan niya ito.
Wala silang imikan habang nagmamaneho si Ram. Napatikhim kung minsan ang lalaki at napasulyap dito pero wala ring salita na namutawi sa mga labi.
“Saang street?
“Lumiko ka sa kaliwa!
Pagdating nila sa tapat ng clinic hindi na hinintay pa si Ram na pagbuksan ito kaagad itong bumababa.
Bumaba na rin ang lalaki naririnig pa niya ang pagbagsak nito ng pintuan ng sasakyan.
“Marianne!” boses ni Orly sabay lapit sa babae sabay yakap pero bago pa dumantay ang kamay ng lalaki kaagad na hinawi ni Ram ang nakabukas na kamay ni Orly.
Sumilay ang kiming ngiti sa labi ni Marianne habang tinapunan ng tingin ang nag-aarukang tingin ng dalawa.
Nakita nito kung paano tumumitig si Orly kay Ram. Kung titingnan ang kaibigan sino ba naman mag-aakala na isa itong bakla dahil sa angkin nitong kakisigan at kapoging lalaki.
“Orly si Dr. Ram Brandon Villasis nga pala! Anak nila Don Raul at Donya Clara!’ pakilala nito.
Napahawak si Orly sa baba nito at natulala. Habang tinititigan ang nakatayong lalaki.
Inangat ni Orly ang kamay nito para mangamusta pero hindi iyon tinanggap ng lalaki sa halip tumalikod ito.
“Where’s your clinic?” seryoso ang boses nito.
‘Nandiyan doc?
Nagkatitigan ang magkaibigan at napangiti.
“Hmm..ang pogi niya at ang bango!” bulong nito habang sumusunod sa lalaki.
“Keep quiet ka diyan!
Nang nasa loob na sila ng clinic na parang private investigator ito kung umasta halos lahat yata ng sulok ng kwartong iyon ay tinitingnan at sinisiyasat.
“You need to move out from here!” ang malakas nitong boses.
“Senyorito Ram maganda ang lokasyon namin at dito ang mabilis matunton ng mga client!
“Daddy’s decision is final! At saka wala ka ring magagawa pa doon!” at umupo sa isang mahabang sofa.
Nagsimula nang nagsipagdatingan ang mga pasyenteng magpapacheck-up ng kanilang mga ngipin. Kaya nag-umpisa na ring magpapasok ng pasyente sa loob ng room.
“Bakit hindi ka maghanap ng sekretaryang babae!” ang tinutukoy nito ay si Orly.
“Simulang nag-umpisa ako ng clinic ko si Orly na ang mapagkatiwalaan ko!
“After you change location you should select female secretary, nakakaasiwa!
Napalingon ito sa kampanteng nakaupong lalaki.
“Orly is harmless okay! At saka sino ba magkakagusto sa payatot na babae na kilala mo!
“Tssskk! Marianne wala sa mukha kung pagnanasaan ka ng isang tao. “Pwede ko naman takpan ang mukha mo kung gusto kitang ka lovemaking!” at humalakhak pa ito.
Namumula ang mukha ni Marianne at masamang tinititigan ang lalaki.
“Get out of my clinic bago pa kita nahagis ng hawak kung stainless steel mirror na ito!
Napahagikhik ito at tumayo na parang nasasayahan pa.
“Pahiram ng sasakyan mo ha! Susunduin kita mamaya!” at sumenyas pa ng flying kiss bago lumabas ng pintuan.
“Grrr…mahighblood ako sa sobrang aga sa lalaking iyon!
“Marianne, in fairness napaka-gwapo ni Dok!” kinikilig na turan ni Orly at pakimbot pang rumarampa sa loob ng clinic.
“Kung gaano siya ka gwapo ganyan din kasama ang ugali niya!
“Promise pag ibigay mo si Dok sa akin isang gabi lang pagsasawaan ko talaga iyan!
At kapwa sila tumawa sa takbo ng usapan. Makikita naman talaga ang angkin nitong kakisigan at kagwapuhan na hindi maitatago ng binatang doctor.
Naging busy ang buong araw nilang dalawa dahil marami ang kliyente nila. Past 1:00 pm na ang kanilang kain dahil tinapos pa ang last patient na nakapila.
Isinara nila ang clinic pansamantala at bumili ng paborito nilang milktea sa kabilang kalsada. Ito ang nakagawian nilang ginagawa sa tuwing snack time.
Isang bagong model na sasakyan ang nakaparada sa harap ng klinika.
“Wow mamahaling sasakyan ang sundo natin ngayon dokie!
Nasisigurado ni Marianne na kay Ram ito dahil ito ang napansin niya dati sa pagpunta sa mansion.
“Are you done?” sabay lapit at kinuha ang milktea sa kamay ng babae at kaagad sinipsip ito. Napasunod ang mata ni Orly sa ginawa ng lalaki.
“Akin kaya ‘yan!
“Tinitikman ko lang para alamin kung gaano iyan kasarap na iwan nyo ang clinic para mamasyal!
Napangiti si Orly habang panay sipsip ng hawak nitong milktea samantala si Marianne naman naiinis naman ang mukha.
“Fasten your seatbelt! Seryoso ang mukha nito.
“Sa boarding house lang ako!
“Were going home!” umiigting ang panga nito.
“Mahirap magtravel every morning para pumasok!”
“Mas magandang masa bahay ka para may kasama at may mag-aalaga sayo pag magkasakit ka!
“Magaling na ako Ram, pwede ba hindi na ako bata para bantayan mo ang bawat kilos ko!” naiinis niyang turan dito.
Lumingon lang saglit at patuloy na nagmamaneho. Hindi na nagsalita pa ang bawat isa sa kanila. Sobrang tahimik ang buong biyahe.
“Nasaan ang Multicab ko? pagdating pa lamang sa tapat ng kanilang bahay.
“Sa mansion, hayaan mo ipapahatid ko dito mamaya sa driver!” at binuksan ang pintuan ng sasakyan. Larawan pa rin ito ng total gentleman.
Akala ni Marianne na aalis kaagad ang lalaki pagkatapos siya makababa pero hind isa inaasahan niya. Sumunod ito papasok sa loob ng bahay.
“Wala sila Nanay at Tatay rito!”
“Mas maganda at tayo lang dalawa rito!” makahulugan ang salita nito.
Napakislot si Marianne nang magkasabay ang kamay nilang mag-open ng pintuan. Sa paglapat pa lang ng mainit na palad ng lalaki napakislot ito saglit.
“Magaspang pa rin ang kamay mo sa paglipas ng panahon hindi pa rin nagbabago!” ang salita na nagpapainis sa dalaga.
“Get out Ram..out!” ang galit nitong boses. “Kahit kailan hindi pa rin nagbabago ang pagtingin mo sa akin kahit ano pa ang gagawin ko! Pwede ba kung ganito lang naman palagi ang maririnig ko sa’yo, please lubayan mo na ako! Nakaksira ka lang ng araw!” sabay tulak dito palabas ng pintuan. ‘Out of my site Ram!