Masama ang loob niya para sa lalaki. Kahit kailan hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo sa kanya tilang naliligayahan pa ito sa bawat pagkutya nito ng pagkatao niya.
“Alam mo nakakatawa kayong tingnan ni Dr. Villasis sa tuwing nagbabangayan kayo!” si Orly habang magkaharap silang kumakain ng tanghalian.
“Nasisiyahan kang panoorin kami samantala ako nag-alburuto na sa inis!
‘Pero nakita mo ba kung paano humaba ng nguso ni Dok sa akin? baka akala niya kalaban niya ako pagdating sa’yo!
Napahalakhak si Marianne sa narinig sa kaibigan.
“Talaga lang na nasasarapan iyan na asarin ako, ewan ko ba sa lalaking iyan kailan pa kaya ako makakahinga! Pasalamat ako na hindi dito umuwi ng ilang taon pero haysst.. paano iyan nandito na yan for good!
“Ayaw mo niyan araw araw na natin siyang makikita!
“At araw-araw na ring masisira ang araw ko!
Nagkaanyayahan ang magkaibigan na dumalo sa isang handaan sa fiesta kaya maaga pa silang nagsara ng clinic. Maaga pa nag-imbita ang isa nilang pasyente na doon daw sila mag early dinner.
“Tiyak busog much naman tayo nito!
“At nailibre ang isang kainang budget natin!
Napahagikhik silang dalawa habang magkasabay na sumakay ng multicab ng babae.
“Saan ba ang punta ninyong dalawa? Ang papalapit na si Ram sa hindi pa umaandar na sasakyan. “Kaya naman pala gusto mo mananatili dito sa bayan dahil hindi alam ng mga magulang mo ang pinaggagawa mo dito!” parang ama itong pinagsalitaan ang anak.
“Pwede ba Senyorito kung pinunta mo rito para pagalitan mo lamang ako, please lang walang siraan ng araw! At saka I’m already 25 years old hindi na kailangang bantayan pa!
“I’ll be going with you!” ang agad nitong sabi.
Napakamot si Marianne sa kanyang batok sabay tingin kay Orly.
“Haysst..hindi tayo makakatakas nito!
“Dr. pwede ka namang sumama sa amin at makikain na rin doon!” sagot ni Orly na nakangiti.
Magkasunod lang ang sasakyan nila. Magkasabay ang magkaibigan samantala si Ram sakay sa sarili nitong sasakyan.
“D-mmit Marianne bakit hindi mo sinabi na handaan ang pupuntahan natin dito!” naiiritang boses ni Ram. “Alam mong hindi ako pumupunta sa mga ganito!
“Bakit kasi nagpumilit kang sumama sa amin! Hayan panindigan mo na lang!” at nagmadaling pumasok sa isang gate. Ito ang bahay ng kanilang pasyente na nag-imbita.
“Dr. Ram Villasis po, anak ni Donya Clara!” pakilala ni Marianne sa mga taong naroroon sa sala at kumakain.
Naiirita nag mukha ni Ram batay sa paraan ng pagkatitig nito. Lalo na’t may mga kakalakihan doon na nakipagkamayan kay Marianne.
“Dalian nyong kumain at makakauwi na kaagad tayo!” bulong nito.
“Sir Ram, bakit ngayon ko lang kayo nakikita rito sa bayan!
“Ngayon lang din po ako nakakauwi dito! Busy kasi sa pag-aaral!” mabait din kung sumagot sa bawat tanong ng ibang tao pero bakit kay Marianne lagi na lang pumupuna.
“Next time magsuot ka nang pantalon huwag ‘yang maikling palda dahil pinag-fiestahan ng mga kalalakihan ang legs mo!”
“Ayaw mo noon may nagkakagusto hindi pareho sa’yo na hindi mo napansin!” agarang sagot.
“Ano gusto mo sasambahin kita kahit alam kung hindi naman kailangan! Marianne hindi kita type kaya huwag ka mag-ambisyon!” bulong nito ulit.
Na siyang nagpatiimbagang sa babae. Kung ikaw ba namang harap harapang aminin na hindi ka gusto, hindi ka kaya maiinsulto.
“Salamat naman at sinabi mo iyan! Para at least hindi ako umaasa na isang araw magkagusto ka rin sa akin!
Isang malakas na tikhim ni Orly ang nagpatigil sa bulungan nilang dalawa.
Nakarating na si Marianne sa bahay na inuukapahan nila ni Orly pero hindi pa rin umalis si Ram dito.
“Maging ba sa bahay na ito magkasama pa rin kayong umuukupa rito?
“Siyempre saan pa dito ang mura!
“Hindi ka ba naasiwa isang lalaki ang kasama mo sa iisang bubong?
“Senyorito pwede ba walang pakilaman! At saka wala ka na riyan kung sino man ang ibabahay ko rito!” malakas ang pagkasabi.
Makikita ang galit sa mukha nito. “You better go home araw araw sa bahay ninyo sa hacienda huwag dito!”
Napatikhim si Orly sa pinupunto ni Ram.
“Natatakot yata si Dr. Ram na gahasain kita!” hagikhik nitong bulong.
Makikita ang pag-iba ng mukha nito habang nakatingin sa dalawang nagbubulungan.
“Let’s go!” sabay hila kay Marianne palabas ng bahay. “Huwag ka nang magreklamo pa dahil pagod ako ngayon sa kakasama sa inyo ni Orly, ikaw ang mapagbuntunan ko!” banta ng boses nito.
Sa halip na sa bahay ng mga Disme ang punta nila sa mansion ng mga Villasis ang hantong nila.
“Let’s go!” boses ni Ram na galit. Sabay hila ng kanyang mga kamay papasok ng mansion.
“Iho, iha! Ano ang nangyayari?” salubong ni Donya Clara
“Mom we need to talk privately!” sabay hila sa kamay ng babae. Diretso sila paakyat sa second floor kung saan nakahilera ang mga kwarto.
“Ram, ihatid mo na ako! Pwede naman tayong mag-uusap na nasa bahay tayo bakit kailangan pang narito tayo sa bahay ninyo pupunta!
“This is the quiet place na walang distorbo sa ating pag-uusapan!
“Ano pa ba ang pag-uusapan natin!” at napatigil sa paghakbang. ‘Wala naman di ba?
Hinila siya ni Ram paupo sa isang sala sa na naroon. Magharap at sobrang seryoso nito.
“Simula sa araw na ito ang utos ko ang masusunod! At saklaw ka na rin diyan!
“At bakit? Hoy senyoritong mayabang baka hindi mo alam hindi saklaw ng mga Villasis ang buhay ko!” lakas loob na sabi.
“Kami ang nagpaaral sa’yo hanggang sa maging ganap kang doctor kaya may karapatan akong pakialaman ang buhay mo!
Humaba ang nguso ni Marianne sa narinig. “Senyorito baka nakalimutan mo na paggraduate ko tapos na iyon! At dugo’t pawis ng mga magulang ko ang puhunan namin para manilbihan sa inyo!
“Kahit na! Utang na loob ninyo sa amin ang buhay ninyo!
“Yabang..Grrr…
“Oh, ano magreklamo ka pa sa gusto ko?
“Wala na po!” Pwede bang magpahatid na sa amin?” tinapos na ang bangayan na iyon dahil wala ring patutunguhan ito at kailanma’y hindi ka talaga mananalo sa lalaking ito.
“Walang boarding house simula bukas! Kakausapin ko ang ang may-ari doon!” seryoso ang boses nito at hindi patitinag.
Hindi na lang sumagot pa sa gustong mangyari ng binata.
“Oh Iho kamusta ang pag-uusap ninyong dalawa? Si Donya Clara ang sumalubong sa kanila pagbaba pa lang sa unang palapag.
“Everything’s fine Mom! Kamusta ng apala ang development sa building na ipinapatayo natin?
“According to your Dad maari nang mag-blessing two weeks from now! Excited na ba kayong dalawa kaya na ninyo pinag-uusapan ang set-up ninyo doon?” tuwang tuwa ang boses ng ina nito.
“That’s good Mom!” sabay hila na kay Marianne palabas ng bahay.
“My eyes looks on you! Kaya huwag mo akong hamunin na sa napag-usapan natin!” Just keep it in your mind!” ang habilin nito.
Naiinis naman si Marianne sa pagtiklop ng araw na ito. Lahat yata ng kaganapan sa buong araw nagdadala sa kanya ng matinding iritasyon. Lalo nap ag nasa eksena si Ram at walang ginagawa kundi mag-asar.