bc

7 DAYS WITH MY ABDUCTOR

book_age16+
36
FOLLOW
1K
READ
HE
gangster
serious
like
intro-logo
Blurb

Isang babaeng dinukot para ibenta, napasakamay ng isang lider ng sindikato at kalaunan ay napaibig dito.

Tunghayan ang kwento nina Charles at Daphne na sa loob lamang ng isang linggo ay may namuo na agad na pag-ibig sa bawat isa.

THIS IS A SHORT STORY.

chap-preview
Free preview
First
Iginiling niya ang balakang nang maramdaman ang malakas na kuryenteng biglang dumaloy mula sa may kakaibang itsura ng bracelet na nakasuot sa kanyang pulso na nag vibrate papunta sa kanyang buong katawan. Umiilaw ito at naglalabas ng mataas na boltahe sa tuwing hihinto siya ng pagsasayaw sa harapan ng limang kalalakihan na naka-amerikang kasuotan. Mga bilyonaryong parokyano iyon ng isang malaking sindikato na kumukuha ng mga kababaihan at ibinebenta upang dalhin sa iba't ibang bansa. Naalala niya pa noong tumapak siya sa lungsod ng Maynila at magtanong sa isang lalaki dahil tila mali ang napuntahan niyang establisyementong pagkikitaan ng mga malalapit na kaibigan na nakatakdang mag so-surprise sana sa kanya sa ika-dalawampu’t tatlo niyang kaarawan. Sa isang tabi ay niyaya siya nitong makipag-usap at nang matiyempuhang walang nakatingin ay tinakpan ang ilong at bibig niya ng isang puting panyolito. Wala na siyang maalala pagkatapos noon. Nagising na lamang siyang nakahubad na at undergarment lamang ang suot. Maliban sa tila nasa alapaap siya noong mga oras na iyon dahil sa sobrang gaan ng pakiramdam, inda rin niya ang pagkahilo dahil sa itinurok na ipinagbabawal na gamot sa kanyang katawan. Ipinagpatuloy niya ang pagsasayaw sa nakaka-akit na tema ng tugtuging pumapailanlang sa apat na sulok ng kuwartong kinapapalooban. May kadiliman roon at ang nag-iisang spotlight sa kisame ay ang tanging ilaw na nakatutok lamang sa kanya. Maya-maya pa ay may sumigaw. “Raid! Raid ‘to! Dapa at walang gagalaw!” Isang naka sibilian na lalaki ang biglang sumulpot sa likuran niya kasunod ang sangkatutak na kasamahan nito na wari niya ay mga miyembro ng kapulisan dahil sa nakakabit na badge sa belt ng pantalon. Wala man sa tamang huwisyo ay nakahinga siya ng maluwag at napaupo sa maliit na entabladong kinatatayuan. Nakita niya ang limang lalaki na naging sunod sunuran rin sa mga pulis na siyang rumisponde. Tila nabahag ang mga buntot ng mga ito na kanina lamang ay maangas na nakatingin sa kanya at tila ba mababangis na mga tigre na handang lapain siya kapag hindi niya ginalingan ang paggiling ng katawan. “Ok ka lang? Halika at kumapit ka sa akin” wika ng isang pulis na tila nangunguna sa operasyong iyon. Ginawa naman niya ang sinabi nito. Iniangkla niya ang isang braso sa leeg ng lalaki at kahit nanghihina ang mga tuhod ay pilit na lumakad palabas sa madilim na kuwartong iyon. Dinala siya nito sa isang sasakyan na kasalukuyang puno na noon ng mga kasamahang babaeng kinidnap rin at gaya niya ay nakatakda nang ibenta sa mga dayuhan. Umandar ang sasakyang kinalululanan nila. Siksikan ang mga babaeng naroroon pero tila walang pakealam ang mga ito dahil nasa ilalim nga ng impluwensya ng ipinagbabawal na gamot. Nang ilang sandali pa ay biglang huminto ang sinasakyang van nang makarinig sila ng sunod sunod na putok ng baril. Hindi pa nagtatagal ay bumukas ang pintuan sa bandang likuran. Tatlong armadong lalaki ang bumungad sa kanila at tila ba may hinahanap na personalidad. Hanggang sa makita siya ng isa at ituro sa mga kasamahan. “Ayun! Bilis! Kunin n’yo na bago pa dumating ang iba!” Saad nito na kulang na lang ay sunggaban siya ng kasamahan ng lalaki nang magtago siya sa likuran ng iba pang babaeng takot na takot rin noong patuloy ang pagrinig nila ng putok ng mga baril. Ang buong akala niya ay nailigtas na siya noong gabing iyon ngunit hindi pa pala. Ang nangyari ay hinarang sila ng panibagong grupo ng mga sindikato noong papunta na sila sa ligtas na lugar. Sa pangalawang pagkakataon, ay dinukot siya ng hindi kilalang grupo. Ngunit ang ipinagtataka niya, siya lang ang kinuha ng mga ito sa dinami-rami ng mga babaeng naroroon. *** Nagising siya kinabukasan sanhi ng mainit na sinag ng araw na dumadantay sa kanyang mukha. Nang imulat niya ang mga mata ay nakita niyang nasa loob siya ng isang may modernong pagkakaayos na kuwarto. Itinuon niya ang paningin sa sarili at napag-alamang may suot na siyang isang pares na pantulog. Sinubukan niyang balikan ang mga nangyari sa kanya kagabi nang maalarma na naman nang makakita ng anino sa loob ng kuwartong iyon. Napabalikwas siya ng pagbangon. Mabilis na itinuon ang kanyang paningin sa taong nagmamay-ari ng anino at nakahinga ng maluwag nang mapag-alamang nasa labas pala ang lalaking kasalukuyan ngayong nagpapalakad lakad sa harapan ng malapad na de-salaming sliding door, may hawak itong mahabang baril na tila ba binabantayan siya mula sa labas. Nakaramdam ulit siya ng takot. Saang lumalop na naman ba siya dinala ng mga walang hiyang mga lalaking kumidnap sa kanya? Kung noong nakaraan ay batid niya na isang bar ang pinagdalhan sa kanya, ngayon ay tila isang residential area na iyon. Tumayo siya upang pagmasdan ang magandang tanawing nasa labas. May malaking swimming pool doon katabi ang magandang pagkaka-landscape ng garden. May mataas na bakod na nakapalibot sa buong bahay na pulido ang pagkakagawa at may matutulis na bakal sa itaas ng pader. Kung saan man lumapalob siya naroroon ngayon, sigurado siyang hindi pa rin siya safe kahit pa nag-improve na ang lugar na pinagdalhan sa kanya. Maya-maya ay nakaramdam ulit siya ng kaba lalo na ng marinig ang yabag ng mga paa na papalapit sa isa pang pinto ng kinapapaloobang kuwarto na siyang kumukunekta na sa loob ng bahay na iyon. “Is she awake?” Rinig niyang tanong ng isang lalaki. “Hindi ko pa po alam boss,” sagot naman ng isa pa. “Well, why don’t you find out?” sa pagsasabing iyon ng dumating na lalaki ay agad na siyang nagkubli at naghanap ng magagamit na bagay for self defense. Isang vase ang nakita niya sa gilid at kahit may kabigatan ay binuhat niya. Samantalang nataranta naman ang lalaki noong pagpasok nito ay nakitang wala siya sa kama. Ngunit bago pa ito makabalik at makapag-report sa kararating pa lamang sa boss nito na naghihintay sa labas ay pinalo na niya ito sa likod ng hawak hawak na vase. Subalit sa laki ng katawan ng lalaking iyon ay hindi man lang ito nasaktan, bagkos ay hinarap siya nito na may galit sa mukha at aambaan na sana ng suntok nang sumulpot ang lalaking siyang kararating pa lamang. Nakasalubong ang mga kilay nitong matamang pinakatitigan ang tauhan. Nang maramdaman naman ang galit ng itinuturing nitong lider ay mabilis itong lumabas mula sa kuwarto. Napatingin siya sa lalaking kapapasok pa lamang. Pero imbes na masindak sa galit na ipinapakita nito ay nakataas ang kilay na tinarayan pa niya ito. “At saang lupalop n’yo na naman ako dinala ha? Mga demonyo kayo! Ano, pagkatapos nyo akong pagsayawin ng naka-panty at bra lang kagabi ay ikukulong n’yo ako dito? For what? Para hintayin ang mga lalaking magsasamantala sa akin? Mga wala kayong puso at kaluluwa!” bulyaw niya dito. “Hey, relax. walang mananakit sa iyo dito,” saad ng lalaki na wari niya ay hindi naman nalalayo ang edad sa kanya. Pansin niya, bukod sa gwapo ito ay matangkad rin at may bruskong pangangatawan. “Ano? Sa tingin mo makakapag relax ako pagkatapos ng lahat ng nangyari sa akin?” pinandilatan niya ito ng mga mata. “Huwag ka nang mag-alala, ligtas ka na.” ani pa nito. “Anong ligtas? Eh kita mo ngang muntikan pa akong sapakin ng lalaking iyon kanina, paano ako magiging ligtas?” sigaw niya pa sa lalaki. “And this? Nakakulong ako sa isang kuwarto, binabantayan ng mga armadong lalaki. Ligtas ba ang matatawag mo doon?” sa puntong iyon ay pinakatitigan niya ang mukha nito pati ang kabuuang ayos ng kaharap nang biglang may pumasok sa kanyang isipan. Naaalala niya ang lalaki. Kung hindi siya nagkakamali, isa ito sa limang lalaking nakaupo sa madilim na parte ng kuwartong kinapalooban niya kagabi, isa ito sa mga sinayawan niya na ayon pa sa narinig niyang bulong-bulungan roon ay mga taong parokyano ng grupong dumukot sa kanya at siyang bumibili raw ng mga babaeng matitipuhan ng mga ito. “Walang hiya ka! So Ikaw ang nakabili sa akin, ganon ba?” sinugod niya ito at pinagpapalo ng kamay sa mala-pader na dibdib nito. “Saan mo ako dinala? Nasa ibang bansa na ba ako? Ibalik mo ako sa Pilipinas!” “Teka, can you please stop!” hinuli nito ang mga braso niya at mahigpit na hinawakan. “Nandito ka pa rin sa Pilipinas, okay, so don’t worry,” paninigurado sa kanya ng lalaki. “Don't worry?” mabilis niyang binawi ang mga braso mula rito. “Naririnig mo ba ang mga pinagsasabi mo? Magpalit kaya tayo ng pwesto para malaman mo kung anong nararamdaman ko!” “Shh! I get you, okay?” tila naririndi naman na ang lalaki sa kakasigaw niya kung kaya kumumpas ito na pakahinaan niya ang boses. “Palabasin mo ako dito, ayoko dito! Gusto ko nang umuwi!” sa ginawang iyon ng lalaki ay lalo pa niyang nilakasan ang boses. Pumunta siya sa sliding door at binuksan iyon at doon nagsisisigaw. “Help! Tulungan nyo ako!” “Baliwala yang pagsisisigaw mo dahil wala namang makakarinig sa iyo, mamamaos ka lang!!” saad nito na kabaliktaran sa ipinapakita niyang pagpapanic, kalmado naman ang lalaki. “Just be thankful na nandito ka sa bahay na ito at hindi nakasama ng ibang mga babae kagabi,” wika pa nito kapagkuwan. “So, utang na loob ko pa sa iyo ang pagpunta ko dito? Ganun ba? Eh ‘di ba ikaw ang isa sa mga lalaking nanonood sa akin kagabi? Ikaw at ang mga kasamahan mo, magkakasabwat kayong lahat sa lumalalang human trafficking dito sa Pilipinas!” Hindi sumagot ang lalaki pero mukhang unbothered pa rin. “See!? Naghuhugas kamay ka pa na kesyo niligtas mo ako, eh ang totoo dinala mo lang ako sa ibang lugar. Alis! Lumubas ka dito! Hinding hindi mo ako mabebenta sa mga dayuhang alipores mo!” pinagtulakan niya ito na para bang kanya ang kuwartong iyon. Nakita niya ang pag roll nito ng mga mata pati na ang pagpapalabas ng buntong hininga na tila ba nagpipigil sa inis na nararamdaman sa kanya. Datapwat sinunod siya nito, lumabas mula roon pero ikinandado siya sa loob ng kuwarto. Sa galit niya ay kumuha siya ng isang malaking tipak mula sa nabasag na vase at ibinato sa pintuan. Gusto niyang umiyak sa galit noong sandaling iyon pero tila wala na siyang luha na mailalabas pa. Paano'y isang balde yata ang iniyak niya sa loob ng unang araw na kinipnap siya ng mga ito. Ngayon, kahit may takot pa rin sa dibdib ay wala siyang choice kung hindi lakasan na lamang ang loob. Kailangan na niyang maging matapang at umisip ng paraan para makatakas. Alam niya, gaya ng Tatay niya na isang Chief of Police sa isang lungsod ng Cebu ay humahanap na rin ito ng paraan para maibalik siya sa piling nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook