(Ella's POV) Akala ko mamatay nalang kami ni Ate Celine na nakatali. Malaking pasasalamat ko at dumating si Marcus. Hindi ko ito inaasahan. Gusto ko ng makita ang mga magulang ko kaya nagpaalam ako kay Ate na pumunta muna sa bahay. "Ella, baka delikado kapag makita ka ni Nicolas," sabi ni Ate Celine sa akin. "Mag-iingat ako Ate. Huwag po kayong mag-alala babalik po ako kaagad. Namimiss ko na po kasi sila eh, gusto ko ng makita ay mayakap ang mga Pamilya ko!" malungkot kong sabi. "Sige, pero mag-iingat ka ha! Ayaw kong may masamang mangyari sa iyo!" nag-aalalang sabi niya sa akin. Mag-alas otso na ng gabi kaya nagmadali akong makarating sa bahay. Nang nasa gate ako may nakita akong nakapark na sasakyan. Alam ko kung kaninong sasakyan ito, kay Nicolas. Ang kapal talaga ng mukha niya.

