(Marcus POV) Nang malaman ko na aalis na naman si Allison sa bahay ay labis ang aking pagtataka. Madalas nalang siyang umaalis sa tuwing sasapit na ang gabi. Naisioan kong sundan siya at alamin kung saan siya pumupunta. Nag-iwan ako ng sulat sa kanya at sinabi ko doon na importante akong lalakarin. Hinihintay ko ang paglabas niya sa gate. Nakita ko na may sumunda sa kanya na sasakyan Ngayon ko lang ito nakita. Nakita kong may bumabang lalaki na lumapit sa kanya at hinalikan siya sa labi. Hindi ko masyadong maanig ang mukha ng lalaki dahil madilim at lalong lalo pa ay nakatalikod ito sa pwesto ko. Tinitigan ko ng maayos ang lalaki. May kahawig ang kanyang katawan at tindig. Timing na may dumaan na sasakyan at nailawan ang mukha ng lalaking iton. Hindi nga ako nagkamali si Nicolas nga. Hay

