Nnag makalabas na kami sa kubong iyon ay mabilis kaming tumakbo ni Ate Celine palayo sa lugar na iyon. Puros jagubatan ang nakikita namin. Hindi namin alam kung nasaan kami at kung saan kami dadaan. May nakasalubong kaming sasakyan na kulay gray. Agad namin itong pinara at isang lalaki na ang bumaba. Sobrang laki ng kanyang katawan. Parang lasing laki ni The Rock na wresler. "Kuya, tulungan mo kami. We need to get out of here!" sabi ni Ate Celine. "Bakit? Tara sumakay na kayo!" sabi naman niya. Isa siyang hulog ng langit sa amin. Dali-dali kaming sumakay ng kanyang kotse. Pakiramdam ko safe na kami. Nang napasulyap ako kay Ate Celine ay nakita ko siyang nakatulog. Bakit parang bigla rin akong dinalaw ng antok? Napapikit nalang ako at hindi ko na nalaman ang sumunod na pangyayari. (All

