(Marcus POV) Hindi ko iniexpect na makikita ko si Ella dito sa Mall at talagang kasama niya ang ahas na si Nicolas! Talagang nananadya talaga ang hayop na lalaking ito. Si Ella naman nakuha pang ngumiti sa akin hindi manlang nahiya. Proud na proud pa siya sa kanyang sarili. Nakatitig lang ako sa kanya at kinokontrol ang galit ko. Teka, bakit ba ako nagagalit? Hindi ba ako ang may gusto na layuan ako ni Ella? Bakit ang sakit na makita kong nakahawak siya sa braso ni Nicolas? "Marcus, are you okay?" tanong sa akin ni Allison. "Y-yeah!" tipid ko lang na sagot. Okay ba talaga ako? Hindi eh. Biglang kumirot ang puso ko ng makita ko si Ella at Nicolas and i don't know why! Sa pagkakaalam ko ay nawalan na ako ng gana kay Ella simula ng bumalik si Allison. Pero bakit oarang nasasaktan ako

