Pagkalabas ko ng kwarto ay napatingin si Mama sa akin. "Oh, anak bakit ka nakabihis? May lakad na naman ba kayo ni Nicolas?" tanong niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya. "Wala po Ma, maghahanap lang po ako ng trabaho. Nakita ko kasi kahapon na hiring ang International Company eh," sabi ko naman. Biglang lumaki ang mata ni Mama sa akin. "Inteenational Company? Hindi ba iyan ang numero unong kalaban ng kompanya ni Marcus?!" sabi nito sa mataas na boses. Tumango ako sa kanya. "Huhmm..." sabi ko. "Ella, anak sigurado ka ba talagang doon ka aapplay sa kompanyang iyon? Maghanap ka nalang kaya ng iba?!" sabi sa akin ni Mama. "Oo Ma sigurado ako at tsaka ano naman ang masama doon? Hiwalay na kmi ni Marcus, si Nicolas nga ang tumulong sa akin kasi nilakad na ako doon sa kaibigan niya kaya

