CHAPTER 13

897 Words
_______________________________ ••••STILL GLEXIS POV•••• "Dre dre dre! Gising!" Napagising na lang ako ng biglang may tumapik- tapik sa akin. Teka, si Mei yun ah? Tiningnan ko naman siya, siya nga. Panaginip lang pala ang lahat ng yun. "Okay ka lang dre?" umupo siya. Tumango tango naman ako bilang sagot. "Okay na. Nasaan pala ang iba?" Lumingon ako sa gilid ko dahil biglang may naramdaman akong lumapit. Si Arki pala. "Nag cr muna si Jio at Nuz" "Madalas ka nang natutulog my friend. Baka gumaya ka na nitong si Mei" saad ni Arki sabay upo sa tabi ko. Dumating naman din ang dalawa. "Madalas na nga. At may napansin ako. Kapag kasi dito ako sa school nakatulog, may mapapanaginipan akong childhood memories" "Childhood memories? Are you serious dude? Ba't mo naman mapanaginipan yun?" tanong ni Jio. "Yun nga ang tinatanong ko sa sarili ko eh. Pero kapag nasa bahay naman ako o nasa condo, hindi" "Kabahan ka na tol HAHAHAHA" tumawa pa talaga itong si Nuz. "Tainamo! Seryoso ako dito!" « FAST FORWARD » _______________________________ ••••MEIZK POV•••• Kasalukuyan kong inililibot ang paningin ko dito sa condo ni Glexis. Sakto lang din naman siya. Perfect sa isang tao. Bakit pala ako nandito? Malalaman niyo din. "Ito na! Sorry sa paghihintay" inilapag niya dito sa mini table niya ang niluto niya. "Ang tagal mo dre. Gutom na ako kanina pa" "Eh sorry sorry naman" "HAHAHAHA biro lang. Kain na tayo" Nagsimula na naman kaming kumaing dalawa. ..... "By the way, ano na yung tungkol sa kapatid mo?" Tumigil muna ako sa kakakain "Pumunta na naman kasi yung kamag-anak namin kahapon, nalaman pala niya yung nangyari sa amin. Pumayag na lang din akong kunin niya si Mel dahil mas ligtas ang bahay nila Auntie. Sabi pa niya, siya na daw bahala kay Mel since wala siyang anak. Bibisitahin ko na lang siya kada linggo" "Bakit hindi ka din sumama sa kaniya?" "Malaki na ako Dre unlike ni Mel. Kaya ko na sarili ko... And then kaya ako nandito.." ningisian ko naman siya. "Nah nah alam ko na! Dito ka mag stay–" "Pansamantala lang naman dre! Umalis na ako kanina sa apartment na yun, ang mahal din naman kasi ng renta. Maghahanap naman kaagad ako ng dorm" saad ko. "No need na. Okay lang na dito ka noh! Ikaw hindi mo'ko pinatapos magsalita kanina" Napangiti naman ako. Ang bait talaga nitong kaibigan ko. "Okay lang as long as you want. Umuuwi din naman kasi ako kapag nasa bahay si mommy. Actually, paminsan minsan na nga lang ako nandito. Hindi na masyadong nalinisan" "Wag kang mag-alala dre. Ako ang maglilinis ng lahat ng yan!" "Talaga? Sabi mo yan ha?" "Oo naman!" Nakarinig naman kaming dalawa ng sunod-sunod na katok mula sa pinto kaya tumayo muna si Gle at pinagbuksan kung sino man yun. _______________________________ ••••GLEXIS POV•••• "Yo!" nakangiting sambit ni Arki at medyo kumaway pa. Nakangiti din si Nuz at si Jio nasa likod nila nagce-cellphone. "Guys! Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko at pinapasok na ang mga ito. "Uy sakto gutom na alaga ko!" Kumaripas naman ng takbo ang dalawa papunta sa mini dining ko. Ni hindi man lang sinagot ang tanong ko. Hays! "Alam kasi naming nandito si Mei. Mag sleep over pa nga yang dalawa dito. Pumayag na lang din ako kasi bored" napalingon ulit ako kay Jio ng magsalita siya tapos ay nilagpasan na ako. "Mga g*g*ng toh dito pa sa condo ko!" « FAST FORWARD » Malalim na ang gabi. Pagbukas ko ng dalawang mata ko ay puro itim ang bumungad sa akin kaya kaagad akong napatayo. 'Nasaan ako?' Napalingon ako sa may harapan ko dahil may liwanag pala doon. Nakikita ko ang isang pinto at mailaw na ang labas kumpara dito. Tatakbo na sana ako papunta don sa pinto para na din makalabas ako dito ng biglang may napansin ako sa gilid ko. May mga pambatang laruan na nakasabit sa kung saan... Nabaling ulit ang tingin ko sa may pintuan dahil may narinig akong boses mula doon. "TULONG! TULUNGAN NIYO AKO!" 'Mommy?' kakadaan lang niya sa kakatakbo at pagkatapos ay may sumusunod sa kaniyang isang bata? Bata ba yan? Nung nakita kong may dalang patalim ang sumusunod sa kaniya at tumakbo na ako papunta sa pinto at para makalabas na din dito. Pero habang tumatakbo ako ay siya ding palayo ng palayo ang pinto 'Huh?! Anong nangyayari?' _______________________________ ••••MEIZK POV•••• Napagising ako dahil naramdaman kong parang may mabigat na bagay ang nakapatong sa tiyan ko. Pagtingin ko naman dito ay kamay pala ni Arki at nakayakap pa sa akin. 'Yuck!' Pagkaalis ko naman sa kamay ni Arki ay napansin kong apat lang kami dito. 'Nasaan si Glexis?' Kaya tumayo ako para hanapin siya. Nagpunta ako sa cr dahil akala ko nandito siya pero wala pala. Pagtingin ko naman ulit sa mga tropa ko ay tulog na tulog pa din ang mga ito. Napadpad naman ako dito sa may mini terrace ni Gle at nagulat na lamang ako sa nakita ko at agad siyang pinuntahan. 'Gago. Anong iniisip ng lalaking toh. Magpapakamatay ba ito?' Tatalon na sana siya ng mabilis ko siyang nahila "DRE!" kaya parehong napasampa kami sa sahig. . . —Itutuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD