bc

U N V E I L (Ongoing)

book_age16+
4
FOLLOW
1K
READ
detective
like
intro-logo
Blurb

Ang salitang UNVEIL ay magkasing-kahulugan sa salitang Reveal o sa tagalog ay Rebelasyon. Ang nobelang ito ay puno ng mga rebelasyon.

SYNOSIS: Limang magkakaibigang mga multo'y pinagtrip-tripan. Ghost hunting para sa kanila ay isang katuwaan.

Isang araw pumunta sila sa isang matagal nang inabandong bahay. Hindi nila alam na ang lahat ng kwento na narinig nila ay puro katotohanan.

Pagkatapos ng pangyayaring yun, doon na isa-isang nagsilabasan ang mga rebelasyon.

Konektado ba silang lima sa bahay?

Mga buhay ba nila ay iiba na ng kulay?

Dadating ba ang puntong masisira ang kanilang pagkakaibigan?

Matatagumpayan ba nila ng sabay ang mga takot, misteryo at kababalaghan?

Ano kaya ang malaking rebelasyon ko sa katapusan?

ABANGAN!

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
_____________________________ ••••AUTHOR'S POV•••• Bilog ang buwan, Madilim na ang kalangitan, Tahimik ang kapaligiran, Wala ka talagang ingay na madidinggan. Sa isang abandonadong gusali, makikita ang limang kalalakihan. Bawat isa sa kanila ay may dalang ilawan, at parang may hinahanap silang isang bagay. Pero ang totoo niyan ay.... Sila ay.... "Wala palang ano dito! Sinama-sama niyo pa ako sa kalokohang ito!" reklamo ni Meizk Garcia. "Ano ka ba my friend Mei, parang bago pa lang ha? Hoy! Matagal na kaya natin itong ginagawa!" sagot naman ni Arkiley Villanueva "Stop na guys, tumahimik na lang kayo. Lalo tuloy di lalabas ang multo nyan" wika ni Nuzeig Vargas na ang tingin ay nasa harap't nagfla-flashlight pa din at wala sa kanila. "Eh kasi sinasayang ko lang oras ko sa inyo! May gagawin pa kaya sana ako!" muling reklamo "Kanina pa din tayo dito mga tol. Wala talagang nagpapakita" sang-ayon ni Jiohr Morales. "Tahimik na lang muna kayo" sambit ni Glexis Ramos, sinunod naman nila. "Patayin kaya natin ang mga flashlight?" ani Arki. "Bahala kayo diyan. Im out na. Kung nagtrabaho pa sana ako kanina pa, hindi sana mababawasan na naman sweldo ko" Maglalakad na sana pabalik si Mei ng biglang...... May narinig silang ingay ng isang bagay na nahulog sa kung saan. "Ano yun?" "Narinig niyo yun?" "Tara hanapin natin kung saan" Sumang-ayon naman ang tatlo at nakailang hakbang na sana sila ng mapansin nilang kulang sila ng isa. "Kulang tayo ah. Nasan si Meiz?" Pagtingin naman nila sa kanilang likuran ay nakita nila si Mei, naglakad pabalik at medyo malayo na sa kanila. "HOY MEI!" "TOL!" "PARE!" _______________________________ ••••JIOHR POV•••• « KINABUKASAN » Presinta lang akong naglalakad patungo sa classroom, kahit alam kong late na ako. Mula dito ay nakikita kong nagkasunod lang pala kami nina Glexis at Arki, medyo nauna ito sa akin. Malapit na akong makarating at nakikita ko nang huminto silang dalawa sa harapan ng classroom namin, obvious na sinirado na ni sir ang pinto. "Hoy! Late din pala kayo!" nakangiti pang sambit ni Arki at tumingin sa likuran niya, nauna kasi si Gle sa kaniya at ano yung sabi niya??... Kayo?? Tumingin ako sa likuran ko, kasunod ko pala si Nuz. "Yow! Good morning mga tol!" nakangiting bati din nito pero hindi ko na siya nasagot ng nabaling ang atensyon ko ulit sa harap dahil sa pagbukas ng pinto ng classroom namin. Lumabas naman si Sir at... as usual, galit na naman ang awra niya. "Mr. Ramos, Mr. Villanueva, Mr. Morales at Mr. Vargas.. Kayo na naman, late na naman kayo. You're disturbing my class!" Tsk. Hindi na nasanay oh, lagi naman talaga kaming late. "Sir alam niyo naman pong sobrang traffic ngayon eh! Ang bagal ng usad!" pagpapaliwanag ni Glexis. "Tama po sir! At tsaka alam niyo po, kulang na lang siguro tumakbo na ako kanina eh para lang talaga di na ma-late" ani Arki 'Grabe talaga magpalusot oh! Balik-balik naman' Ito namang nasa likuran ko ang sunod na nagsalita "And sir! Alam ko na alam niyo nung kabataan niyo din ay may pagkakataon ding nala-late kayo!–" "TAHIMIK!" mas nagalit na. Tumingin naman ito sa akin, tapos ay tinaasan ko lang ng kilay. "Hyss!... Sige na pasok!" Napa-smirk naman ako at nauna nang naglakad sa kanila. Paano ko nagawa na ganun-ganun na lang? It's simple, kami lang naman ang may-ari ng school na ito. Pagpasok ko naman ay agaw pansin agad sa aking mga mata si Meizk na natutulog. Umupo ako sa tabi niya. Nagsi-upuan na din yung tatlo sa kanilang upuan. "Mabuti nandito na kayo, gisingin niyo yang kaibigan niyo, lagi na lang natutulog sa klase ko" Ginising ko na lang ito. « FAST FORWARD » _______________________________ ••••MEIZK POV•••• Break time. "So ano mga tol? Saan ang susunod nating destinasyon para mag-ghost hunting?" tanong ni Nuzeig, bahala sila kakain na lang ako dito't makikinig na lang. "Ewan" "Alam ko!" salita ni Arki't tinapos muna niya ang kaniyang kinakain "Doon sa lumang bahay na matagal na ding inabandona na matatagpuan sa kabilang bayan!" "Yung hanggang ngayon kalat na kalat pa din ang nangyari sa bahay na yun?" ani Jio "Bakit? Ano bang nangyari? Alam niyo namang hindi ako dakilang chismoso diba?" sabi ko tapos ay nagpatuloy na sa pagkain. Itinabi muna ni Glexis ang kinakain niya tapos ay naghanda na para magsalita. "Yang kwentong yan alam na alam ko... Alam niyo ba....... sa isang kagubatan sa kabilang bayan ay makikita sa gitna ng gubat ang isang malaking bahay. Sabi-sabi, may isang batang nakatira dati diyan kasama ang pamilya niya. Pero isang araw, iniwan siya ng mga magulang niya" "Namatay?" tanong ko "Hindi. Biglang umalis na hindi nagpaalam. For short, iniwan siya doong mag-isa, inabandona siya" si Arki ang sumagot. "Awful" "Hindi ba sinabi kung bakit iniwan nila ang kanilang anak?" tanong ko muli. "Wala, walang niiisang nakakaalam" imposible naman. "Pagkatapos nun, iyak ng iyak ang bata. Wala din naman siyang ibang mapupuntahan dahil hindi niya kabisado ang buong gubat kung paano siya makalabas at wala din siyang ibang kakilala dahil madalas lang siya pinapalabas ng magulang niya" si Glexis na. "And after that, nalaman na lang ng lahat na namatay siya. Wala ding nakakaalam kung pinatay ba o nag-suicide. Until now din kasi hindi pa nakita ang bangkay niya... At alam niyo kung ano ang mas walang nakakaalam?..... Walang ni isang nakakaalam kung ano ang pangalan ng bata" Medyo nabigla naman ako sa sinabi niya. Nangunot din ang aking noo dahil may mga katungan ako. "That's impossible. Wala ba silang nakita sa bahay? Nasaan ang bata? Baka hindi talaga totoong patay siya" komento ni Nuz, pareho kami ng iniisip.  "Sobrang misteryoso talaga ang kaso ng batang yun" Napansin ko namang tahimik lang itong si Jio. "Hey dre, okay ka lang?" tumingin ito sa akin, at isang tango lang ang isinagot. "So ano mga tol, doon na ang sunod nating destinasyon?" tanong ni Nuz. "Game!" "Payag ako as always" "Pass muna ako" sambit ko at ipinagpatuloy na ang pagkain, konti na lang ang natitira. "Bakit dre? Huwag mo sabihing nababakla ka na" Ibinato ko naman kay Glexis ang takip ng bottled softdrink na nasa tabi ng kinakain ko. "Ul*l!... Alam niyo namang bawal ako sa gabi diba? May trabaho ako. Kailangan kong pumasok at balak ko ngang mag-overtime" "Teka my friend, wala ka bang day off?" tanong ni Arki. "Oo nga, hindi kami pupunta doon noh kapag hindi ka kasama. Best friends kaya tayo" buti nagsalita na itong si Jio. "Wow! Super touching naman ng sinabi mo!" may pa-iyak iyak pa si Nuz ngunit napatawa na lamang kami. "Ano sagot mo sa tanong ko?" "Day off ko sa Sunday lang" "E di sa sunday na lang din! Ano my friends? Game ba ang lahat? Chat lang kayo sa group chat natin hehe" –ITUTULOY...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

Wife For A Year

read
70.3K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.7K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
42.7K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.1K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook