« SATURDAY »
_____________________________
••••GLEXIS POV••••
Umiinom ako ngayon ng kape dito sa pinagtratrabahuan ni Meizk, malamang coffee shop pero paggabi nag-transform itong bar. Nakita ko namang papalapit na ito.
"Bakit ka pala napadalaw dito dre?" tanong agad neto. Wala din naman masyadong costumer kaya pwede kaming mag-usap.
"Nakalimutan mo na ba? Malapit lang dito ang condo na tinitirhan ko ngayon"
"Aw oo nga pala" napahilamos na lang ito sa mukha niya, medyo tumawa lang din ako.
"Actually there is something talaga na itatanong ko sa iyo"
Umupo muna siya "Spill dre"
"Nung last nating ghost hunting, wala ka sa mood. Hindi yun ang Meizk na kaibigan namin. May nangyari ba sa araw na yun? May problema ba?"
"Sorry for that dre. Wala namang masamang nangyari. Sadyang may trabaho ako nung nakaraang araw tapos pinilit niyo 'ko ng pinilit kasi nga ayaw kong sumama. Alam niyo namang kailangan ko magtrabaho para may makain kami sa araw-araw ng kapatid ko diba?"
"Patawad din Mei. Hindi naman talaga kasi mabubuo ang isang grupo kapag wala ang isa" sambit ko.
Bigla naman kaming napatingin sa pintuan dahil bumukas ito't iniluwa sina....
"Good morning my friends!" si smiling boy
"Tama nga ang hula naming nandito ka Gle" si Nuz at parehas silang naupo sa bawat gilid ko
Paglingon ko naman sa likod ko ay nakita ko si Jio sa isang upuan na nagbabasa na naman ng libro kaya't balik tingin ako sa harap.
"Bakit kayo naparito? NA NAMAN" tanong ni Mei.
"Bawal ka bang bisitahin? Bakit ka ba ganyan Mei? Hindi mo na kami kaibigan noh! May bago ka nang mga prends"
Mahinang tumawa na lang ako netong kay Nuz.
"Sira! Drama mo kahit kailan! Mag-order na nga lang kayong tatlo!"
« FAST FORWARD »
"Alam niyo mga dre, sana buhay ko gaya sa inyo. Kung may gusto kayong bilhin, bibilhin agad ninyo. Pwede kayong gumagala anytime and anywhere. Ineenjoy niyo teenager life niyo di gaya ko na nagtratrabaho" sa tono ng pananalita niya, malungkot ito.
"Na-enjoy mo din kaya teenager life mo. Isipin mo yung mga kalokohang pinaggagawa natin HAHHAHAHA" tumawa pa ako para makitang tumawa siya at natupad nga, pero medyo lang.
"Gala anytime and anywhere? Tumakas nga lang ako sa amin" sambit ni Nuz
"Same my friend, bored na bored sa bahay buti nga ikaw may kapatid"
Nilingon ko ulit si Jio "JIO! Pare! Halika nga dito! Kanina ka pa basa ng basa diyan!"
Nakuha ko naman ang atensyon neto't tumingin sa akin "Dito na lang kaya kayo? Mas maluwag space dito kumpara diyan"
"Tama. Tara lipat tayo"
Tumayo naman kami at nilapitan si Jio. Umupo ako sa tabi niya.
Kung makikita niyo ngayon, buo kaming lima.
_____________________________
••••JIOHR POV••••
"So ano mga pare? Game pa din ba ang lahat bukas?" paninimula ni Gle.
Dahil sa binanggit niyang yun ay napatigil ako sa ginagawa ko at mas binalingan sila ng tingin.
"Expect niyo na talagang may iilang minutong maglakad tayo. Gubat yun diba? May part diyang hindi na makapasok ang kotse kaya magdala kayo ng mga personal thingy niyo" tama naman si Mei.
'Pero iba ang kutob ko. I have this feeling, noong nakaraang araw pa pala... Kinakabahan na interesado at iba pa. Sobrang litong-lito'
« SUNDAY »
________________________________
••••NUZEIG POV••••
Nakangiting bitbit ko ang bagpack ko. Nakikita ko na sila ngayon sa meet up place namin, kadadating lang din ni Arki.
"Good morning mga tol! I'm here!" Bati ko kaagad with smile
"Buti naman" saad ni Jio na nakasandal lang sa kotse niya, yes what you heard is right. Sa amin siya ang pinakamayaman.
"Grabe, wala man lang good morning din!"
Inirapan lang niya ako kaya nilagpasan ko na lang siya at binuksan ang pintuan sa kotse niya at inilagay ang bag ko, ang bigat na kasi. Tapos ay nilapitan ko sina Arki at Gle.
"Yow! Gandang umaga. Wala pa si Mei?"
"Tinawagan ko na nga pero walang sumasagot" saad ni Arki
"Huwag kayong mag-alala, dadating yun"
Ilang segundo lang ay.....
"Good morning dre! Pasensiya na kung ngayon lang, may binili kasi ako sa store"
"Dahil kompleto na tayo, tara na!" salita ni Jio na nasa likuran ko.
« FAST FORWARD »
?Sama -sama tayo at walang mag- iiwanan
Kung may problema tayo-tayo lang din naman ang magtutulungan
'Di pwedeng may maiiwan
Lahat kasama 'pag may kasiyahan
Kaya't sama-sama tayo na parang
Parang magkabarkada lang?
Jamming namin dito sa loob ng kotse't on the way na kami ngayon hihihi. Excited lang ako eh.
« FAST FORWARD »
Tiningnan ko sila lahat ngayon sa salamin, tulog na tulog ang mga ito. Kanina pa yan sila tulog, mabuti nga kung di na magigising.
Joke lang. Mahal ko kaya ang mga kaibigan kong ito.
Ibinalik ko na ang tingin ko sa daan. Habang nagfo-focus akong nagmamaneho ay biglang may tumunog sa cellphone ko.
Inabot ko ito gamit ang aking isang kamay ngunit hindi ko ito maabot. Palipat-lipat na ang tingin ko sa daan at sa phone ko. Importante ko itong mabasa dahil baka si mommy ang nag-text, hindi pa naman ako nakapagpaalam sa kaniya.
Pilit ko pa din siyang inabot hanggang sa mahulog ito. Hinina ko muna ng takbo ang kotse tapos ay kinuha ang phone ko gamit ang isang kamay at nagtagumpay nga ako.
Pagbalik ko ng tingin sa daan ay biglang naalarma na lamang ako at mabilis na inikot ang manobela patungong left side. Hanggang sa nabangga kami sa hindi naman kalakihang bato.
Gulat, kaba at takot ang namayani sa aking buong katawan. Hindi ko namalayang paliko na pala yung daan kanina habang pinupulot ko yung phone ko. Mabuti na lang naliko ko kaagad yung manobela kung hindi mahuhulog kami sa bangin. At 50/50 na pagdating sa hospital.
Sobrang lakas pa din ng t***k ng puso ko. Hindi ko akalaing malapit na kami maaksidente. Napalingon na lamang ako sa kanila dahil nagigising na ang mga ito.
"Ano yun Nuz? Anong nangyari?" tanong ni Jio.
"Nuz Nuz Nuz!" tinapik-tapik ni Gle ang aking pisngi "Namumutla ka ah? Ano ba talaga ang nangyari? Magsalita ka!"
Dahan-dahan ko silang nilingon "Malapit na tayong ma-aksidente mga tol"
"Huh??"
"Ano??"
"Bakit??!"
"Pano??"
So ayun kinwento ko sa kanila ang buong detalyeng nangyari.
—Itutuloy....