_______________________________
••••MEIZK POV••••
"Hays, hanggang dito na lang talaga ito" saad ni Jio, nakikita ko nga dahil nasa tabi lang niya ako. Pagkatapos nung pangyayari kanina, nagpalit na silang dalawa ni Nuz ng puwesto.
"Ok lang yan. Medyo malapit lang din naman yun dito. Let's go my friends!" nauna nang bumaba si Arki at bumaba na din sila.
Kinuha ko muna yung bag ko at isinabit sa isang braso pagkatapos ay bumaba na din.
Nahuli akong naglakad sa kanila. Hindi pa din kasi mawala-wala sa isip ko ang aksidente kanina. May naalala ako....
« FLASHBACK »
Kasalukuyan akong naglalakad na papuntang cashier ng agaw pansin ko ang isang matandang pilit niyang inaabot ang bibilhin niya. Nagpalinga-linga naman ako sa paligid, walang tao sa side na ito. Napagdesisyonan ko na lang na tulungan siya.
At base sa suot neto, para siyang manghuhula, mangkukulam o ano pa man yan. Hindi naman sa judgemental ako ha, ganyan lang talaga suot niya tapos mahaba pa ang buhok niya.
"Lola ako na po diyan" kinuha ko naman yung inaabot niya. "Ito na po" sabay bigay ko sa kaniya.
"Maraming salamat sayo iho"
"Walang anuman po iyon"
Medyo nabigla ako ng hinawakan niya ang isang kamay ko. Pero mas nagulat ako dahil pumikit ito at yun btaw'ng parang may ipinapakita sayo? something like that? Pagkatapos ng ilang segundo ay nagsalita na din ito.
"Iho, mag-iingat kayo ng mga kaibigan mo"
"Po?? Tama nga yung hula kong manghuhula kayo?"
Ibinuka na niya ang mga mata niya "Hindi lang yan. Nakikita ko din ang hinaharap iho"
'Amazing' yan lang ang tanging lumabas sa isip ko sa hindi makapaniwalang pangyayari.
"May isang disgrasya ang mangyayari sa inyo. Kailangan niyo itong maiwasan kung gusto niyo pa mabuhay!"
Ewan ko ba, pero medyo natakot ako sa sinabi niya "Lola, wag naman po kayong manakot!"
"Hindi kita tinatakot iho, binabalaan kita!"
« END OF FLASHBACK »
I guess tama yung nakita ni lola. Pero naiwasan naman namin diba? Salamat lord! Hindi ko akalaing this generation pa pala ay may mga ganyang katulad ni lola.
"Mei!" tumingin ako sa tumawag sa pangalan ko. Nasa tabi ko na pala si Glexis ng hindi ko namalayan "Okay ka lang? Anong iniisip mo?"
Pagtingin ko sa ibang kaibigan namin ay huminto pala sila at nakatingin sa akin.
"Nothing. Tara na"
_______________________________
••••ARKILEY POV••••
"Tol Arki malayo pa ba tayo?" klaro kay Nuz na pagod na.
"Medyo malapit na. Parang hindi ka lalaki ah? Ikaw talaga Nuz nahahalata na kita"
"G*g*! Hindi lang ako sanay sa mga ganito!... Wait mga tol." sumandal na talaga ito sa bato "Can we rest muna? Saglit lang"
"Ako din, medyo pagod na" saad ni Jio at tumabi kay Nuz pagkatapos ay kinuha nila ang kanilang mga tubig.
Umupo na lang din ako dito sa isang bato na nakita ko. Actually may limang bato na nandirito, parang hinanda talaga hahaha. Uminom na nga lang din ako ng tubig.
"By the way Arki, may tanong ako sayo" saad ni Gle na kakatapos lang sa pag-inom.
Hinintay ko lang ang susunod niyang sasabihin dahil umiinom pa ako ng tubig.
"Paano mo pala nalaman ang lugar na ito? Ang bahay na iyon?"
Ng dahil sa tinanong niya ay napatigil ako at unti-unting isinara ang water bottle ko at ibinalik sa bag.
"Sa akin ang alam ko lang is yung kwento, laging kinikwento ng family ko. Paano Arki?"
Tumingin ako sa iba, nakatingin pala ito sa akin at hinihintay ang sagot ko.
"Dakilang chismoso ako diba? Kalat na kalat sa bayan ang tungkol sa lugar na ito" sagot ko.
"Pero paano mo nalaman ang daan patungo sa bahay na yu–"
"May magandang view oh! Kukuha lang ako!" sambit ko at tumayo na, hindi na hinintay ang sasabihin pa nila at mabilis nang naglakad.
......
"Ang ganda!"
Inedit-editan ko muna ito pagkatapos ay ini-day ko sa Ig. Mabuti na nga lang din may signal pa sa parteng ito. Pagkatapos ay ibinalik ko na ang phone ko sa bulsa.
Kung makikita niyo ang nasa harap ko ngayon, mga magagandang tanawin kasabay pa nun ang sariwang hangin. Medyo malamig na nga dahil na din siguro hapon na't malapit na mag-gabi.
Tingin ko ang mga kaibigan ko, matagal na din kaming magkaibigan simula grade 7 pa lang hanggang ngayon senior na kami.
"Pssttt!"
Nangunot ang aking noo at agad na nilingon kung sino iyon. Paglingon ko naman sa right na bahagi ko ay walang tao, imposible din namang may tao dito.
"Psssttt!"
Medyo lumakas ang sitsit niya, at sa puntong ito nasa left side ko ang boses kaya paglingon ko wala pa ding tao. Imposible ding mga kaibigan ko yun dahil ayan lang sila oh nakikita ko ngayon't nag-uusap lang.
"Psssttt!"
Mula dito sa aking kinatatayuan ay naglakad ako pa right side. Mali yung hula kong walang tao dahil randam ng buong katawan ko pati espirito na may tao.
Hinay-hinay lang ang aking lakad ng biglang.....
"ARKI!" hinila niya ako kaya napaharap ako sa kaniya "Ano ka ba?! Magpapakamatay ka ba?"
"Pakamatay? Huh?"
Lumingon ulit ako sa likod. Bangin na pala ito. Teka teka... Kanina lang gubat yung nakita ko kanina dito ah?.? Imahinasyon ko lang yun lahat??
"Balik na nga lang tayo sa kanila"
—Itutuloy.....