CHAPTER 4

971 Words
____________________­___________ ••••NUZEIG POV•••• "Nagbabagang balita!.. Dead or arrival na ang limang estudyanteng pagkasugod sa hospital. Matapos mahulog ang sinasakyan nilang kotse dito sa bangin na makikita niyo sa aking likuran" Napahinto ako sa paglalakad ng makita sa pinapanood kong balita sa phone ko ang lugar na binanggit ng reporter. Dito din yung kanina, yung malapit na kaming mahulog din. "Iniimbestigahan pa ng mga pulisya kung anong sanhi ng aksidenteng ito at patuloy din nilang kinikilala kung sino-sino ang limang estudyante" Naputol na ang balita. "Grabe, sobrang delikado talaga ng lugar na yun" "Tama, siguro kung natuluyan tayo kanina, nasa hospital na din tayo ngayon" Napalingon ako sa kanila at medyo nagulat pa dahil nasa tabi ko na pala sila. "Salamat Nuz!" ginulo pa ni Gle ang aking buhok. "Eh?. Salamat sa panginoon dahil iniligtas niya tayo" "Tama-tama" Balik tingin ako sa phone ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Ilang sandali pa'y..... "Wow guys! Tingnan niyo!" dahil sa sinabi ni Jio ay napahinto ulit ako at napaangat ng ulo sabay tingin sa kanila na nauna. "Anong ka-wow wow diyan?" tanong ni Mei. "It's a creepy gate. Papunta na tayo sa exciting part!" mabuti na lang hindi na siya tahimik, sinaniban ata ng engkanto dito. Hahahha joke. "Gate?" tumingin ako kay Arki na nasa tabi ko "Nandito na tayo my friends!! Yohoo!" tumakbo ito papunta sa kanila kaya binilisan ko na din ang paglalakad ko. ____________________­___________ ••••SOMEONE'S POV•••• Napabangon ako mula sa pagkakatulog. Ibig sabihin lang nun may nakapasok na naman dito sa teritoryo ko. Halo ang aking naramdaman. Saya dahil may paglalaruan na naman at kaba ng hindi ko alam kung ano ang dahilan. ____________________­___________ ••••BACK TO NUZ POV•••• Sa pagtapak ko sa 'gate' ay kasabay nun ang pagtingin ko sa phone ko at napansin kong wala nang signal??. Balik lakad ako ng ilang mga hakbang ngunit wala na talaga. "May problema Nuz?" boses yun ni Jio at naramdaman kong lumapit ito sa akin pero hindi ko na siya nilingon dahil focus lang ako sa phone ko. "Nawala na kasi ang signal. Weird lang kasi kanina meron pa" "Ganyan talaga dito. Kasi alam mo ba?–" unti-unti kong inangat ang ulo ko dahil parang umiba ang boses niya. Hanggang sa napaatras na lamang ako at nagulat dahil walang tao sa harap ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Imposible yun. Si Jio yun eh! Pero teka... Nasaan na sila?? Umikot-ikot ako para hanapin sila ng.... "Nuzeig!" hinarap ko siya, medyo nahihilo ako't di ko maaninag kung sino. "Anong ginagawa mo? Anong nangyayari sayo?" si Mei pala. Hinawakan ko muna ang ulo ko at pinahinga saglit ang sarili. Naramdaman ko namang inalayan ako ni Mei. "Nasaan sila? Bakit bigla na lang kayong nawala?" "Nahuli ka lang naglakad kaya binalikan kita. Okay ka na?" "Okay na ako. Pero kasama ko kanina lang si Jio eh!" "Si Jio? Eh nandun siya kasama sila! Nauna pa nga siya! Ayan kasi eh! Huwag puro cellphone!. Tara na nga sa kanila!" Hanggang sa pagtayo inalayan niya ako. "Kaya mo bang maglakad?" "Oo. Medyo nawala-wala na din ang hilo" "Akin na lang yang bag mo, ako na ang magbitbit" wala naman akong ibang nagawa dahil kinuha niya ito. ____________________­___________ ••••AUTHOR'S POV•••• Medyo madilim na ang kalangitan, tila'y uulan. Naghihintay ang dalawang ito sa dalawang yun. Konting- konti na lang talaga, matatagpuan na nila ang kanilang hinahanap. Ilang segundo lang ang nagdaan ay dumating na sina Mei na hindi na nakaalay kay Nuz. "Oh bakit ang tagal niyo?" tanong ni Jio na kanina pa inip ng inip kakahintay. "Pasensiya na mga tol. Mabagal lang kasi ang lakad namin. Nahihilo ako sa kakaikot, buti ngayon wala na" saad ni Nuz. "Hilo sa kakaikot? Bakit? Anong nangyari Nuzeig?" tanong ni Glexis. "Ah wala... Mahabang storya. Nasaan si Arki?–" Hindi na niya natapos ng sumulpot ito sa harap nila. "Natagpuan ko na ang bahay my friends!" nakangiting saad neto. "Sunod kayo sa akin!" « FAST FORWARD » Time check. 5:45 p.m Isa.... Dalawa.... Tatlo.... "Woah!" unang lumabas sa kanilang bibig nung nasa tapat na sila ng isang malaking bahay. May bitbit pa sila ng kaniya-kaniya nilang mga flashlight. "Grabe astig! Pang horrror movies siya oh!" saad ni Nuz. "Sana noon mo pa ito nasabi Arki! Excited na akong pumasok! Tara na!" sambit ni Mei at papasok na sana silang dalawa ni Nuz ng pinigilan sila ni Glexis. "Maya na tayo papasok. Gawa muna tayo ng apoy dito sa labas" aniya. "Tama. Gutom na din ang alaga ko" sulpot ni Arki't may pahawak pa sa tiyan niya. "Lagi ka namang gutom eh! Gawa na nga tayo!" nauna nang naghanap si Jio. « FAST FORWARD » Pagkatapos nila gumawa ng apoy, nagtayo ng isang napakalaking tent na kasya silang lima at magluto ng pagkain ay nagkwe- kwentuhan muna ang mga ito. "Maganda talaga kapag gabi tayo manghuli ng multo, mga bandang 8:30" paninimula ni Arki. Kumagat muna ito ng kinakain niya bago siya magpatuloy sa pagsasalita. "Dahil alam niyo ba? Sabi-sabi din ng iilan.., nagpapakita raw yung multo ng batang babae. Maririnig din ang mga iyak at pagtawa" Lahat ay seryoso at sobrang tahimik ng biglang ... "Sino yang kasama mo" isang malamig at mahanging boses na bumulong sa tenga ni Jio. Dahil sa pagkabigla ay napatayo't napaatras ito mula sa kinauupuang bato at agad na tiningnan kung sino yung nanakot sa kaniya. "HAHAHHAHA" isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Mei. Tumawa na din ang tatlo dahil sa nakitang reaksiyon ni Jio. "Natakot siya! HAHHAHAHAH" "G*G*! SANA MAMATAY KA SA KAKATAWA!" muli itong umupo at hindi na pinansin ang kaibigang si Mei na tawa pa din ng tawa. —Itutuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD