_______________________________
••••JIOHR POV••••
Pabalik na ako sa kanila ngayon. Kinuha ko kasi ang kotse ko, mabuti na nga lang talaga maayos lang ito gaya nung iniwan namin kanina. Pwede lang palang makadaan ang kotse eh, oo may nahanap akong daan. Ito talagang si Arki oh, pinahirapan pa talaga kami kanina.
Mabagal lang ang pagmamaneho ko dahil lubak- lubak ang daan at kailangang mag-ingat. Ilang sandali pa'y, natatanaw ko na ang bahay hudyat na malapit na ako.
Ilang minuto lang ang nagdaan ay nandito na nga ako. Ipinarada ko ito medyo may kalayuan sa tent namin, pagkatapos ay bumaba na at agad na nagtungo sa likod para kunin ang inutos nila.
Pagkatapos kong makuha ay isisirado ko na sana ito ng maagaw pansin ng aking dalawang mata ang nasa gilid ko.
Doon sa may puno, naaninag ko ang isang pigura ng tao?... Bata? Hindi ko masyadong maaninagan dahil madilim ang nasa parte niya. Imposible namang may ibang tao dito dahil sa pagkakaalam ko'y kami lang ang naririto.
'Sino yun?'
_______________________________
••••GLEXIS POV••••
"Puntahan ko si Jio, nandiyan na" paalam ko sa kanila. Nagpatuloy lang ang mga ito sa kwentuhan.
Habang naglalakad ako papunta sa kaniya, nakikita kong kinukuha na niya ang mga inutos ko na nasa likod ng kotse niya. Isisirado na niya sana ito ng lumingon ito sa gilid niya doon sa malaking puno kaya tiningnan ko din ang tiningnan niya.
'Anong nakita niya?'
Ilang minuto din siyang tumingin doon, parang may something na nakita at mabuti na lang dahil nandito na ako sa kaniya.
"Jio! Jio!" tawag ko sabay tapik sa braso niya. Lumingon naman agad ito sa akin. "May nakita ka ba? Ano?"
"Wala-wala. Ito na yung mga inutos mo"
« FAST FORWARD »
Tahimik ang paligid.
Wala ni isang madidinggan mong tinig.
Dahan- dahan at ingat na ingat kong binuksan ang pintong marami nang alikabok. Sisipain ko na nga lang sana ito kasi halata namang sobrang rupok na ngunit ayaw naming makasira ng kahit na konting bagay.
Dahan dahan naman itong bumukas na parang pang horror movie talaga. At sa pagbukas, nakita na namin kung ano ang nasa loob.
"Astig!. Ang ganda pala ng loob!" mahinang sambit ni Jio.
Bawat isa sa amin may dalang flashlight at unti-unti na kaming naglakad papasok. Syempre nauna ako at sumunod sila.
Alikabok, dumi, iilang sirang gamit ang nakita namin. Nakatakip pa ng puting tela ang iilang mga upuan. May iilang lumang sining, larawan at dibuho pa ang makikita sa dingding.
"Parang hindi naman ito inabandona. Arki dre, may tanong ako. May alam ka bang grupo ng tao like us ang pumunta dito dati?" tanong ni Mei.
"Wala. Wala akong nabalitaan"
"This house looks like have a care taker"
"Tama tama ka diyan"
« FAST FORWARD »
"Kanina pa tayo ikot ng ikot wala naman tayong nakikita!" reklamo ni Jio
"Pano ba naman kasi ang pangit mo kaya pati multo ayaw magpakita!" saad ni Nuz
"Hoy hoy hoy! Ako kaya ang pinakapogi sa atin!"
"Tumahimik nga kayo! Huwag na kayong magtalonan. Halata namang ako ang pinaka gwapo sa ating lima" sabat ni Mei
'Hyss. Nagtatalo ang mga bata'
"Hep hep!" pumagitna si Arki "Okay lang kung walang mas o pinaka ako, basta ako gwapo at!... Pinaka cute sa grupong ito" ngumiti siya.
Hindi ko na pinakinggan ang sumunod na kanilang sinabi. Nag-focus lang ako dito sa paghahanap.
Ilang sandali pa'y muli akong humarap sa kanila. "Alam niyo, wala talaga tayong makikita kapag magtatalo lang kayo diyan. Mabuti siguro maghihiwalay na lang tayo. Ang laki din kasi ng bahay na ito"
"Hiwalay?" kumalabit si Nuz sa braso ko "Ayokong iwan kita tol. Kahit anong mangyari nandito lang ako sa tabi mo. Pangako natin yan diba?"
Napatawa na lamang ako sa kaniya. "G*g*! Di tayo talo tol!. Tumigil ka na nga!" hiniwalay ko ang kamay niya sa braso ko. "Bahala kayo basta doon ako sa itaas" sambit ko at hinanap na ang hagdan.
« FAST FORWARD »
Luma na nga talaga ang bahay. Mabagal na nga ang lakad ko ngayon, kapag hindi ako nag-ingat, tiyak na mahuhulog talaga ako sa baba.
Ilaw ng flashlight at iilang ilaw mula sa buwan ang tanging liwanag na nakikita ko. Wala na din akong ingay na naririnig mula sa mga kaibigan ko, siguro nag-kaniya kaniya na din sila.
Hallway ang dinadaanan ko ngayon. Parte ata ito ng bahay na puro kuwarto na. Kusa na lang naglakad ang paa ko patungo sa isang kuwarto kaya sinunod ko na lang.
Pagkabukas ko sa pinto ay hinayaan ko lang itong nakabukas at naglibot-libot na.
Isa itong napakalaking kuwarto ng bata??? May mga pambatang laruan pa, ang design ng wall ay pambata din, kahit na gusot-gusot at maraming dumi, mahalata pa.
'Teka teka... Baka ito yung kuwarto ng batang nama–'
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nakaramdam ako ng presensya ng tao na dumaan sa likod ko, este dun sa hallway. Agad ko naman itong pinuntahan para I-check ngunit pagtingin ko wala naman. Imposible din isa sa mga kaibigan ko yun dahil sa pagkakatanda ko nasa baba sila lahat.
Bumalik na ako sa loob. Doon ako nagtungo sa kama at may konting mesa sa gilid. May drawer din sa baba. Hindi naman sa pakialamero ako pero binuksan ko kung anong laman nun. At may nakita akong picture frame kaya kinuha ko ito.
Pagtingin ko naman sa larawan ay dalaga ang nakita ko...
'Teka... dalaga? Babae? Hindi bata? Akala ko ba bata ang may-ari ng kuwartong ito?'
Litong-lito na ang aking isip ng biglang...
"TULONG! TULONG MGA TOL!" naalarma ako sa sigaw na iyon, boses yun ni Jio.
Agad kong binitawan at pinatong ang ang picture frame sa ibabaw ng mesa at agad na lumisan sa kuwartong ito.
'Anong nangyayari kay Jio?!'
—Itutuloy....