_______________________________
••••JIOHR POV••••
Pagkatapos unang nag-kaniya si Gle, naghiwalay na din kaming apat. Iniwan ko pala silang tatlo, hindi ko alam kung nasaan na ang mga yun. Wala na din kasi akong ingay na naririnig mula sa kanila.
Sa kakalakad ko ay napadpad ako dito sa malaking kusina. Naglibot ako, tiningnan ko ang mga cabinet na walang laman, lalagyan ng plato na iilan lang din ang plato't sira-sira na ito. Hanggang sa napadpad ako dito sa mga kutsilyo.
Isa-isa ko itong tiningnan. Bawat uri ng kutsilyo ay narito' halatang matulis pa? Hindi pa din siya kinakalawang na nagpangunot sa aking noo.
Bigla na lamang akong napalingon sa likuran ko dahil may naramdaman akong presensya ng tao na tumakbo. Ibinalik ko muna ang kutsilyong hawak ko at agad na tiningnan kung sino yun.
"Tol? Pare? Dre?" tawag ko ngunit wala akong narinig na sagot.
Magdedesisyon na sana akong bumalik sa loob ng kusina ng biglang napaayos ako ng tayo at nagsitayuan ang mga balahibo ko sa narinig ko.
Isang tawang nakakatakot...
Gamit ang flashlight ko ay unti-unti ko itong nilingon para hanapin kung sino man yun ng biglang....
May isang patalim na bagay ang papunta sa direksyon ko ngunit agad ko itong naiwasan, ang flashlight ko ang natamaan kaya nabitawan ko ito at malayo na sa akin.
"Kuya, laro po tayo" mas nagulat at natakot ako sa pagsalita ng boses na yun, boses bata pero nasaan siya? Hindi ko ito makita kasi madilim ang paligid.
Ginapang ko papunta sa flashlight ko. Malayo-layo pa ito sa akin kaya mas binilisan ko pa. Hanggang sa malapit ko na sana itong makuha ng biglang...
"Aaahhhh!!" nagtapon na naman siya ng kutsilyo at tumama ito sa tiyan ko. Sumandal muna ako sa pader at unti-unti itong kinuha kahit na ininda ang sobrang sakit
Sunod-sunod ang pagtapon niya ng kutsilyong nakita ko kanina, gumapang ulit ako papalabas. Sa paggapang ko ay naiwasan ko ang mga kutsilyo pero daplis lang ang natamo ko sa kahit saan kong katawan pero randam kong marami sa'king mukha.
"PINATAY MO'KO! PINATAY MO'KO!"
Hindi ko na pinansin ang sinabi niya dahil paglabas ko sa kusina ay agad akong tumayo at tumakbo habang binalewala lang ang mga sugat na natamo at habang nakahawak sa sugat sa tiyan ko.
Naramdaman ko namang hindi na sumunod ang multong yun sakin kaya sumandal ako dito sa pader dahil hindi ko na talaga kaya ang sakit ng sugat ko, ang dami na ng dugo. Napadausdos na lamang ako pababa dito sa dingding.
"TULONG! TULONG MGA TOL!" hinang-hina man ang aking buong katawan pero nakaya ko pa ding humingi ng tulong.
_______________________________
••••ARKILEY POV••••
Ako naman, napadpad ako dito sa banyo. Hindi ko nga alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko. Masunurin kaya akong tao kaya sinunod ko siya. Si Mei at Nuz naman, nagsama sila. Natatakot daw si Nuz eh! Hahaha bakla ampt.
Pagpasok ko naman ay namangha ako "Woah! Ang ganda ng banyo ah. Kung malinisan lang talaga ito"
Pero alam niyo guys, hindi siya mabaho di gaya sa iba na may mahal na siyang iba HAHAHAHHA joke lang.
Nagtungo naman ako doon sa may salamin, pinagmasdan ko ang gwapo at cute kong mukha.
"Ang gwapo talaga noh! Noh? Noh?" para akong baliw dito na tinuro turo pa ang sarili sa salamin at ngumiti- ngiti.
Ilang sandali pa'y napatingin na lang ako sa flashlight ko dahil nagpatay- patay ang ilaw, dahilan din ng pagkunot ng aking noo.
"Anyare sayo? Kakapalit lang kita ng battery kanina" pinupokpok ko ito para bumalik sa normal pero tuluyan nang naglaho ang ilaw niya.
Lalabas na sana ako ng biglang nagulat na lamang ako at napasandal pa dito sa wall ng cr dahil kitang-kita ng dalawang mata ko ang pagsulat ng tintang dugo ba yan? Kulay pula kasi siya, sa salamin.
'Bakit niyo tinago lang? Nagpasilaw kayo sa pera ng mamatay tao na yun! Ngayon kayo na naman ang ipapasilaw ko sa aking ganti!' kaba, takot ang namayani sa katawan ko pagkatapos at habang binabasa ko.
Pagkatapos ay biglang nabasag mag-isa ang salamin at lumipad ang mga piraso sa akin kaya tumakbo na ako papalabas.
Takbo lang ako ng takbo. 'Alam ko kung anong ibig sabihin sa sinabi niya. Hindi pala buo ang nalalaman ko. Hindi pa ito ang panahon para malaman niyo yun. Matagal nang sikreto ng pamilya namin yun'
Malayo- layo na din ang aking natakbuhan. Huminto muna ako ng hingal na hingal, magpapahinga muna ako saglit dahil wala na akong hangin.
Napatingin ako sa braso ko. Dito ko namalayang may sugat pala ako. Natamaan ata kanina nung mga nabasag na salamin.
"Ouch! Ouch ouch ouch!"
Napalingon ako dun sa nahulog na tao dun sa hagdan, malapit lang pala ako. Tumayo ako at tiningnan kung sino yun.
"Nuz? My friend?" gagi, bakit ito nahulog? "Okay ka lang? Anong nangyari? Nasaan si Mei?"
Bumangon muna ito at nakita ko na may mga sugat din siyang natamo mula sa pagkahulog niya.
"Hindi ko alam kung nasaan na yun. Kanina naman magkasama kami tapos bigla na lang nawala na parang bula" umupo siya, pinantayan ko ito ng tayo.
"Bakit ka nahulog?"
"Hindi naman ako matatakutin pero ewan ko ba pagdating sa bahay na ito natatakot ako. May nakita akong shadow ng multo sa pag-flashlight ko. Dahil nga sa natakot ako ay tumakbo na ako pero di ko namalayang hagdanan na pala diyan kaya nahulog" napatingin naman ito sa sugat ko "Anong nanngyari diyan? Kailangan yang magamot!"
"Di na importante. Ang kailangan natin ngayon makalabas dito dahil totoo ang mga sabi-sabi!" nakita ko naman ang takot sa kaniyang mukha "Nasaksihan ko mismo Nuz! Tumayo ka na diyan! Hanapin pa natin sila!"
Ipinatayo ko ito at agad na naming nilisan ang lugar na ito.
Ilang sandali lang ng pagtakbo namin ay may narinig kaming sigaw....
"TULONG! TULONG MGA TOL!"
"Si Jio yun ah?"
Nagkatinginan pa kaming dalawa at agad na hinahanap kung nasaan siya.
—Itutuloy.....