THE QUEEN IS BACK....
NAIA PHILIPPINES..
TRAVIS'S POV..
"Hello, Adam " bungad ko sa kaibigan na nasa kabilang linya.
"Travis where are you? Sabi ko sayo wag kayong aalis sa hotel na pinagtataguan nyo diba? "
Ang nagaalalang sabi sakin ng kaibigan. Napabuntong hininga ako saka sinulyapan si Ellaina na nakasandig sa balikat ko.
"Adam wala na kaming lusot sa mga yon, nasundan nila kami don at alam kong kahit saan pa kami magtago dyan ay masusundan lang din kami ng mga kalaban.! "Sabi ko.
"s**t Travis, inilalagay mo ang buhay mo sa kapahamakan dahil sa babaeng yan! "
"Mamaya nalang tayo magusap Adam, yun bilin ko sayo about Magi" sabi ko.
"Yeah, sure, pero asan ba kayo? " tanong pa ni Adam....
"Philippines! " buntong hininga ko.
"What? Bakit kayo nandyan?akala ko ba hindi mo na ibabalik dyan si Ellaina? "
Akala ko rin, pero san kami magtatago? Mas mahalaga ang buhay ni Ellaina sa anu pa mang bagay sa mundo. At alam kong iisang lugar lang ang pwede kong pagdalhan sa dalaga.kung saan sya ligtas. Though i still thinking about the idea.
"Adam ill call you later, please tell magi na sumunod nalang dito. Ellaina want him" sa halip ay sabi ko.
"Okey.. Okey.. Keep in touch man. And please take care! "
"Thank you! "
Pagkababa ng telepono ay inilagay yun sa bulsa. Saka hinalikan ang buhok ng dalagang nakasandig sa balikat ko. Ipinanganak yata itong kakambal na ang panganib. Tskkk..
"Lets go, " bulong ko kay Ellaina.
Kanina pa ito nakasimangot. Alam kong naiinis sya dahil umuwi na kami ng pilipinas. Nasanay na kase ito sa LA. As usual..
"San ba tayo pupunta? "
"Dadaan muna tayo sa bahay para makapagpahinga! " sabi ko.
Saka naman huminto ang isang pulang kotse sa tapat namin. Napangiti ako ng bumaba don si Sebastian.
"Travis? Ikaw naba yan? " malawak ang ngiti nya ng yakapin ako ng mahigpit.
"Musta Seb? " tinapik ko ang balikat nya. Na-miss ko ang kaibigang matalik. Ito ang una kong tinawagan at sinabihan na pabalik na kami ng pilipinas.
"Im okey.. Ellaina?? " tila nagulat ito ng mamasdan ang babaeng nakahawak sa braso ko. Kunot ang noo ni Ellaina habang sinisino ang lalaki.
"Ellaina, sya si Seb. Kaibigan mo rin sya non, " sabi ko.
Ngumiti si Ellaina sa lalaki at naglahad ng kamay. Tinanggap naman yun ni Seb pero ang mata nya ay nagtatanong sa akin.
"Travis marami kang kailangang ikwento sakin! " ngiti nya samin ni Ellaina.
"Maya nalang sa bahay Seb, kailangan ng magpahinga ni Ellaina. She's tired.. " sabi ko.
Tumango si Seb saka nagpatiuna na sa sasakyan nito. Inilagay ko ang maleta sa likod ng sasakyan .sa unahan ako sa tabi ni Seb sumakay. Si Ellaina ay nasa likuran at inaantok ang hitsura.
Pagkadating sa bahay ay sinalubong ako ng sampal ni Daddy. Si mommy ay walang nagawa sa nangyari. Nakatingin lang ito samin. Sinenyasan ko si Seb na ilayo muna don si Ellaina. Nakita ko kase ang pagkagulat sa mukha nito ng sampalin ako ng ama.
"How dare you? Umalis kang walang paalam samin ng mommy mo tapos ngayon babalik ka na kasama ang babaeng yan?" Galit na sabi.
"Dad, im sorry.. Sinadya kong di ipaalam sa inyo para dina kayo madamay ni mommy! " sabi ko.
Sasampalin pa sana nya ako pero inawat na sya ng ina .
"You're crazy, itinapon mo ang lahat ng meron ka dito dahil lang sa Ellaina na yan? Ibalik mo na sya sa kung saan sya galing.. Panganib lang ang dala nyan sayo! "Utos pa ng ama pero mariin akong umiling.
"No dad, hindi ko pwedeng gawin yan, ako lang ang kilala ni Ellaina at ngayon may humahunting sa kanya sa california, i need to help her! " sabi ko.
"What?" Tila gumuho ang mundong tanong ni Daddy. Napaiyak naman si mommy.
"Sinasabi mo ba na kaya ka lang umuwi dito dahil may nagtatangka na naman sa buhay ng babang yan?wow Travis.. Hindi mo na kami inisip ng mommy..! "
"Dad please ,intindihin nyo ako " nakikiusap kong sabi.
"How can we understand you Son? Nagiisa ka naming anak, Travis pero inilagay mo sa panganib ang buhay mo dahil kay Ellaina. Paano kung mapatay ka ng mga kalaban ng babaeng yan? Si Jarred? Pano kung patayin ka nya? "
"Hindi dad, nakausap kona sya, tanggap na nya ang lahat! "
Mariing napapikit si daddy..
"Travis bakit mo pinakialaman ang babaeng yan,? Si Jacob nga tinangkang patayin non,ikaw pa kaya?, si Jarred at sino pa ang kakalabanin mo para makuha sya ha? Kahit si Azzerdon nakikialam narin. Anak iba na ang sitwasyon ngayon! "Pilit na ipinpaintindi sakin ni Dad yon. Pero wala akong pakialam.
"D-dad.. "
"They are now a mafia bosses... Isang utos lang ng Jarred at Azzerdon na yan.. Pwede kang mamatay. "
"Hindi nila yon gagawin, don't worry dad. I can fight them, as long as Ellaina's with me! " sabi ko.
Marahas na napabuntong hininga si daddy saka umalis sa harapan namin.
Si mommy ay sabik akong niyakap. Ginantihan ko din yon ng mahigpit na yakap tanda ng pagkasabik kong makita ang ina.
Naiintindihan ko ang ama kung bakit sya galit. Umaasa kase sya na di ko papasukin ang buhay nila non ni mommy. Na mas paghahandaan ko ang paghawak sa negosyo namin. Pero iba ang ginawa ko. And that's because of my Ellaina.
Sebastian's POV. ...
Wala akong maisagot agad sa narinig na salaysay ni Travis sa mga nangyari. Nahulog na naman ako sa malalim na pagiisip.
"W-wala ka talagang ginawa kay Ellaina kaya sya nakalimot sa lahat?" Naniniguro kong tanong. Kami nalang dalawa ni Travis ang naroon sa sala nila. Nagpapahinga na kase sa kwarto si Ellaina. Na shock ako sa laki ng pagbabago ng dalaga. Parang foreigner na ito. Lalong gumanda at kuminis.. Yun nga lang masyado na itong liberated manamit. Parang si....... Tskk inalis ko sa isip ang aking problema sa babaeng yon. Mas mahalaga ang kinasusuungan ngayon ni Travis.
"Trust me Seb, wala akong ginawa. Sya ang sumama sakin, at alam mong mahal na mahal ko sya kaya paano ko papalampasin yon!? " sabi nya.
Napaisip na naman ako.. Bakit sasama sa kanya si Ellaina? Bakit si Travis lang ang kilala nito. Kaya si Travis ang pinaghihinalaan ng lahat na nakialam sa device ni Ellaina dahil ito lang ang naaalala ng dalaga.
"A-anong balak mo ngayon? "
Bumuntong hininga sya.
"Itatago ko sya.." Sabi ni Travis.
"Bakit di mo sya ibalik kay Jarred? " biglang sabi ko na ikinatalim ng mata nya.
"No way.. Ako na ang mahal ni Ellaina, ni hindi na nga nya makilala ang lalaking yon! "
"Travis, ang ibig kong sabihin bakit di mo sya dalhin sa Mondejar University? Don ligtas sya! " i said to him.
"Ligtas? Eh don nga laging may sumusugod na kalaban, school paba yon o impyerno na?" Iritadong sabi nya na ikinatawa ko.
"Ligtas sya don believe me, nagiba na ang MU, isa pa nandon si Azzer ,kapatid nya si Ellaina maraming magbabantay sa kanya don! " sabi ko.
"Seb paano naging kapatid ni Ellaina ang hayop na yon? " tanong nya. Una palang ay matindi ng magasaran sila Azzer at Travis pero alam kong nagtuturingan parin silang magkaibigan. Kung hindi kaibigan ang turing nila kay Travis di sana matagal na itong pinatay ng dalawa. At alam kong alam yon ni Travis.
"Di ko kase alam masyado pero tunay na magkapatid sila. Nung mawala kayo kinuha ng mga Suarez si Azzerdon at ginawang leader ng organisasyon nila. He's now a mafia king. At ganon din si Jarred. Kaya naka secure na ang buong MU ngayon. Maraming bantay don kaya sikat na sikat na. "
"Hinahanap din ba ng mga Suarez si Ellaina?" Tanong ni Travis.
"Hindi, lalaki lang kase ang habol nila. Yun ang alam ko. Kaya Travis kung talagang concern ka sa kaligtasan ni Ellaina ay bumalik na kayo don! "
He only sighed.
Ellaina's POV...
"Halika na Ellaina"
Nakasimangot na tinanggap ko ang nakalahad na kamay ni Travis. Iginala ko ang paningin sa buong paligid ng Mondejar University. Maganda naman yon at wala akong masabing pangit sa paglalarawan sa school na papasukan namin. Pero iba ang dating sakin ng MU. Para akong ikukulong ..yun ang pakiramdam ko. Sobrang taas ng pader sa paligid ng school at kitang -kita ko ang mga cctv na pasikretong nakalagay sa palibot.
Bakit naman dito ako dinala ng Travis na to,? Anong joke to? Bukod sa magubat ay diko alam kung may bar bang malapit dito? Masukal kase ang nadaanan namin kanina papunta dito as in para ng talahiban na di mo aakalain na may unibersidad palang nakatayo. Nice naman ang loob, malinis at natanaw ko ang ilang stallion sa dulo. Wow.. May pa horse ang lola mo. I love horse back ridding but still... So boring.. Mas type ko ang clubbing.. Night life.. Dance.. Dance..
"Travis.!" Tawag ko sa lalaking may kausap na guard. Para kasing may problema at di pa kami maka deretso sa pinakang loob. Layo pa kase ng pinakang building.
"Wait Ellaina, may kausap pa ako! " sagot ng lalaki.
Inis akong sumandal sa pinto ng kotse. Naka mini skirt ako at tube na di umabot sa bewang .may jacket naman ako kanina pero inalis ko dahil ang init. Ang buhok ko ay iba na ang kulay. Blond na yon at hinayaan kong tangayin ng preskong hangin ng lugar na yon. Kahit mataas na ang sikat ng araw ay malamig parin ang hangin.
"What now Travis? Ang tagal naman nyan, " inis kong sabi. Tila nagtatalo sila ng guard na parang bouncer sa laki ng katawan. Papasa talaga itong bouncer sa club ni Adam.
Lumapit na ako sa sobrang paghihintay.
"Sir wait nga lang po, hihintayin lang namin si Mr. Evañez, di pa lang namin makontak. " sabi ng guard na mukang bouncer sa club.
"Paki dalian at sabihin mo naiinitan na si Ellaina sa labas! "
"H-ho? Don po muna kayo sa shed" turo ng lalaking sinisino ako. Tumaas ang kilay ko sa kanya. Para kasing inaalam nya kung importanteng tao ba ako. Tskk.
"Hindi na, tawagan nyo na at kailangan na naming makapasok sa loob dali na! " utos dito ni Travis.
Humawak ako sa braso ng lalaki.
"Travis, sure kaba na papapasukin tayo sa school nato? Para kasing mahigpit dito. Eh ang grades ko sobrang baba" sabi kong nakalabi.
"Dont worry, baka nga magkandarapa pa ang Jarred na yon pagaayos ng paper mo"
"Ha? " taka kong tanong.
"Nothing! " hinaplos nito ang buhok kong nililipad ng hangin.
"Ellaina maniniwala kaba kung sasabihin ko sayo na ito ang pinakaligtas na lugar para sayo? " he asked.
"Sabi mo eh! " ngiti ko. Saka humilig sa dibdib nya. Niyakap nya ako sa bewang .
Saka kami napatuwid ng tayo ng makarinig ng mga yabag ng kabayong paparating. Then i saw a man with long hair. Ito yun Azzer na nakilala ko sa LA. Nakatitig sya sakin habang papalapit sakay ng kabayo. Pero ang nakapag-paangat ng mukha ko ay ng magsalubong ang tingin namin ng isa pang lalaking sakay ng itim na kabayo. Napaalis ako sa dibdib ni Travis at tila slow motion na napatitig ako sa paglapit nila sa amin. Pareho silang walang suot na pangitaas at tanging pantalong maong lang ang suot. Gusto ko sanang mapa wow kung di lang kasama si Travis. Para silang mga modelo.
Kumunot ang noo ko ng mamasdan ang kasama ni Azzerdon. Ito yun lalaking nasa beach na sinabi nyang mag -hi ako. Ito yun lalaking humahabol sa akin non, oh my gosh..... He is so hot... Pareho lang naman silang macho ni Azzer-kengkoy pero iba ang dating nito. Pati pawis sa siksik nyang katawan ay hinahangaan ko. Shit.... Hindi ako pwedeng magka-crush. Inalis ko ang titig sa lalaking nakatingin sa akin. Ang mga lalaking mas gwapo ng konti kay Travis.
Tumigil ang dalawang kabayong sinasakyan nila sa tapat namin.
"Anong ginagawa nyo dito? "
Yun ang tanong ng lalaki sa amin. Binawi nya ang tingin sa kin at kay Travis nalipat .
"Were back, We need to stay here for a while! " seryosong sabi ni Travis.
Aba ang taray ng lalaking to. Kung makatingin kay Travis parang lalamunin nya ang boyfriend ko. Macho din si Travis hindi lang nakahubad. Letse to. Konti lang ang lamang nya sa boyfriend ko no.
"Hindi ito taguan ng mga kriminal, !"
Napanganga ako sa narinig. Kriminal? We're not. Umakyat yata ang dugo ko sa ulo sa narinig.
"Excuse me Mr. Sinong kriminal? " di ko napigilang di sumabat. Isang pitik ko lang ng palaso ay patay tong lalaking to.
"Ellaina stop it, don ka muna sa kotse " saway sakin ni Travis na lalo kong ikinainis.
"He said na kriminal tayo. Ano ba Travis, kill him now!" sabi ko saka tiningnan ng masama ang lalaki. Pero sobrang tiim ng titig nya sakin kaya iningusan ko nalang sya at ibinaling ang tingin kay Azzerdon. Nakangisi lang ang gago. Sarap patayin ng dalawang ito.
"Look at your attitude lady.. Hindi ba kriminal ang tawag dyan? You kill a person na basta nalang dahil naiinis ka? " sabi pa ng lalaki.
"You!!!!!! ---"pinigilan kong murahin sya, kung di lang ito ang may ari ng school na yon.
nagdadabog akong pumasok sa loob ng kotse. s**t. f**k this man. And f**k Travis dahil di manlang nya ako pinagtanggol. Kriminal? Ako? Sa ganda kong to? Masasamang tao lang ang pinapatay ko. At para sakin hindi sapat yon para tawagin akong kriminal.
Azzerdon's POV..
Ano naman kayang trip ni Jarred.? Bakit nya ginagalit ang little sister ko? Samantalang alam naman nya na pupunta dito sila Travis at Ellaina dahil sinabi samin ni Seb na may nangha-hunting sa dalawa. May kapalpakang ginawa ang maldita-impakta kong kapatid sa bansang yon. Kaya itong si Travis ay napilitang dalhin dito ang dalaga. Well pabor sa amin.. Alam na namin ang mga nabangga nilang d**g syndicate at nagawan na yun ng paraan ni Jarred sa LA palang. Syempre part of plan na takutin ang lalaki. And Ellaina was his biggest weakness kaya kahit alam nyang ilalapit nya sa karibal ang dalaga ay sumugal sya para sa proteksyon nito.
Iisang tao lang Travis at kahit gaano pa sya kagaling makipaglaban. Kung wala syang mga tao at koneksyon tulad ni Jarred ay hindi nya makakayang ipagtanggol si Ellaina. Tsskkk okey na sana si Travis sa akin para sa kapatid ko. Kaya lang si Jarred ang talagang mahal ni Ellaina. Gumawa lang ng ikadudurog ng puso nya si Travis pag naalala na ni kapatid si Bayaw. Pati ako excited sa mangyayari.
"Jarred may humahabol kay Ellaina sa LA.at wala akong mapagdalhan sa kanya! " sabi ni Travis.
"Lakas ng loob mong kunin sya sakin. Ngayon babalik ka para sabihin na dimo kayang protektahan sya?anong ginawa mo sa kanya? Bakit ganyan ang ugali ng babaeng yan? " sigaw ni Jarred ,sinulyapan si Ellaina sa loob ng kotse.
"All i ask is a place to hide. At ito yon. Kung ugali nya ang sinasabi mo wala akong ginawa sa kanya. Ganyan na talaga sya. " sagot ni Travis.
"Dahil di mo sya pinatino, look at her? "
"Paano ko papatinuin? Ano ko tatay nya?"
"Travis.. " tiim ang bagang na sabi ni Jarred.
"Saka sino ba ang nagbigay ng pera sa kanya? Diba ikaw? Tinuturuan ko syang magtipid pero mayabang ka, gusto mo ibigay lahat sa kanya oh di ayan.. Look at her. Hindi nakakatulog ng walang pera sa kamay kaya wag ako ang sisihin mo dito ha"
"f****d you, kung nasa akin sya hindi sya magiging ganyan! "..
Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Jarred? kase sa pagkakatanda ko nagsimulang ma-spoiled at magmaldita si Ellaina nung naging girlfriend nya to eh. Diba kaya nga inis na inis ako sa babaeng yon non. Tskk.. Nagkasisihan na po!
"Wow.. Makapagsalita ka, baka nakakalimutan mo takot sayo si Ellaina for being a beast. "
"Say that again and you'l be dead" galit na sabi ni Jarred.
Sumabat na ako sa kanila at baka mainip na si Ellaina sa loob ng sasakyan. Nakita kong walang tigil ang kangunguya nito ng bubble gum sa bibig eh, parang kambing.
"Welcome back to MU Travis, handa mo na mukha mo sa bugbogan natin! " sabi ko.
Marahas na napabuntong hininga si Jarred at matalim akong nilingon.
Oh hihirit pa?. Nakahanda na ang kwarto ng reyna nya.. Ma-Drama din itong si Bayaw.