WELCOMING THE QUEEN....
Ellaina's POV....
Kahit saang anggulo tingnan ang Jarred Dave Evañez na to ay gwapo talaga ang bwisit.. Naroon na kami sa office nito sa campus building at tinitingnan nyang maigi ang mga papeles naming dala ni Travis. Apat lang kami don kasama si Azzerdon . Naiinip na ako dahil ang tagal nitong nakayuko sa table habang binubuklat-buklat ang papel na dala namin.
Nang mag-angat sya ng tingin ay nagtama ang mga mata namin dahil nakatitig ako sa gwapo nyang mukha. Walang ekpresyon ang tingin nya pero may something na nakapagpakabog ng dibdib ko. Tumikhim ako at iniiwas ang tingin sa kanya.
"Nursing? Yun na ang course mo? " tanong ni Jarred na sa akin nakatingin. Ano ba dapat?
"Ehem... Gusto kong maging nurse.. " sagot ko nalang. Sasabihin ko ba dapat ang tototong dahilan?.
"HRM student ka nung umalis dito!" Sabi nya na ikinakunot ng noo ko.
"Nursing na talaga ang gusto ko! " aba teka bakit ako nagpapaliwanag sa kanya? Pakialam ba nya kung nursing ang aralin ko? Pakialamerong to.
"Bakit? " tanong na naman. Inis akong tumingin kay Travis na parang sinasabing sya na ang mag explain. Pero ang gago kong boyfriend ay busy sa kakatext sa kung sino na tila walang naririnig sa paligid.
Pasimple ko syang sinipa sa tuhod.
"Arayyyyy!! " napatayo si Travis sa ginawa ko. s**t napalakas yata ang sipa ko. Haba pa naman ng inches ng takong na suot ko.
"Ms. Mondejar? " madilim ang mukhang tawag pa ni Jarred. Kulit nito. I sighed...
"I love nursing. Feeling ko bagay sakin ang naka white. Muka akong anghel. Thats my biggest reason, second..wala na akong ibang choice.pangatlo kona kase yan." dire-diretso kong tanong.
Pinandilatan ko si Azzerdon ng marinig ang hagalpak nyang tawa.
"Anghel na may tatlong sungay. Yun ang magiging hitsura mo pag naging nurse kana! " sabi nito. Sinamaan ko sya ng tingin.
Si Travis naman ay may sinagot na tawag kaya nag excuse at lumabas. Pakinig kong si Adam ang kausap nya. Yun isa pang bwisit na lalaki sa buhay ko.
"Ellaina, yun ba talaga ang gusto mo o baka gusto mong ituloy ang HRM. Yun din ang course ng bestfriend mong si Imarie! " ani Jarred. Sino naman yon?
"Yan nalang po Mr. Evañez.. At wag nalang kayong makialam. Mataas naman grades ko dyan" sabi kopa.
Muling tumawa si Azzerdon. Isang -isa nalang talaga at hahagisan kona to ng bomba.
"Na Mr. Evañez ka tuloy bayaw.. Patingin nga ng pinagmamalaki nyan malditang yan! "
Tumayo pa ito at tiningnan ang hawak ni jArred. Pagkakita ay nagtatawa na naman ito.
"Wow taas ah, buti nakapasok kapa don, dami mong back subject, marami kang record, may sinaksak kang kaklase, pinasabog mo ang faculty room, at nakipag sampalan ka pa" inisa isa pa talaga ni Azzerdon ang record ko sa school na pinanggalingan. Si Jarred ay nakatingin lang sa mukha ko.
"May isa pa, pumasok ka ng lasing?? Seriously Ellaina? And you want to be a nurse para magmukang anghel? "
Di na ako nakatiis sa narinig. Tumayo ako at inis na kinuha ang isang patalim na nakalagay sa hita ko.
"You asshole.. I will kill you now! " galit na sabi ko. Nanlaki ang mata ni Azzerdon ng makita ang hawak ko.
"Hoy ano yan bawal yan dito ha, ibaba mo yan! " utos nito pero ibinato ko na sa kanya ang patalim. Magaling umiwas ang kengkoy na to. Si Jarred ay nakita kong hinimas ang sentido nya pero wala akong pakialam. Ininsulto ako ng Azzer na to. And he must die now.
"Ellaina stop!" Biglang pasok ni Travis at nakita ang muli sanang pagbalibag ko ng balisong kay Azzer.
"T-travis? "
Umiiyak na lumapit ako sa nobyo. Saka itinuro ang natulalang si Azzerdon.
"He insulted me, Travis i hate him! Im gonna kill him." hikbi ko. Nangangati pa rin ang kamay ko na patayin ang lalaking nakakaasar.
"You can't do that, he's your brother! " sabi ni Travis pagkapahid ng luha ko.
Napabitaw ako sa kanya. At natitigilang napalingon sa lalaking kapatid ko daw? And i saw Jarred na matalim ang tingin samin ni Travis na magkayakap.
Si Azzerdon? Kapatid ko? Lumamlam ang mukha ni Azzer ng magkatitigan kami ..ilang saglit ko itong pinagmasdan. Then i cried again. Malakas na this time..
"Ellaina.. " nabiglang tawag nilang tatlo.
"Bakit? Ayokong magkaron ng kapatid na kengkoy! " iyak ko. Tumawa ng malakas si Travis sa sinabi ko.
Ilang sandali bago ako nahimasmasan. Inantok ako matapos umiyak. Patingin -tingin ako kay Azzer na kapatid ko pala at ganon din sya sakin. Pag nahuhuli nya akong nakatingin ay kikindatan nya ako. Iniismidan ko lang sya. Hindi katanggap-tanggap ang nalaman kong yon. Oo nga at gwapo sya saka mas hot ng konti kay Travis pero yun mukha nya ay kinaaasaran ko. Isa pa ang layo ng hitsura namin sa isat-isa. Graduate na pala ang mga ito kung bakit naglalagi pa sa MU.
May mga sinabi pa si Jarred about sa rules and regulation ng paaralan. Mga patakaran na mukang kaboboringan ko ng labis. 10 pm ang curfiew sa dorm? Seriously?? Sa LA ay bago palang gumagabi non. At ang isa pang nakakatamad ay bawal lumabas ng main gate. Kailangan muna ng gate pass na sa kanya kukunin. Shit.... Tama talaga ang feeling ko. Bilangguan ang napuntahan namin. Totoo kaya yun sinabi nila na dati na akong galing dito? Wala talaga akong matandaan.
Matapos ang paguusap na yon ay lumabas na kaming apat sa opisina. May ilang estudyante na nakakita sa amin at pinagmasdan ako saka nagbulungan. Kumunot ang noo ko. Uso din pala dito ang gossip. Hmmp...
Naramdaman ko nalang na may nagtali ng tshirt sa bewang ko. Si Azzer na naman. Hinubad nito ang suot na tshirt at itinakip sa tyan kong naka exposed. Saka ako inakbayan.
"Mula ngayon bawal ng magsuot ng maikli at kita ang legs saka tiyan ha! " kindat pa nito sakin. Tumaas ang kilay ko sa kanya pero may naramdaman akong mainit na bagay sa puso ko para sa lalaking ito. Baka nga kapatid ko ang kengkoy na to ah.
"Bitiwan mo nga sya!" Asik ni Travis saka ako hinila sa kapatid.
"O bakit me angal ka Travis? Sumbong kita sa tatay namin eh ano? "
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Azzer. May tatay pa kami?
"Azzer! " mahinang tawag ko sa lalaki. Nagtatanong ang matang nilingon ako ng tatlo.
"Usap tayo pag nakatulog na ako. "Sabi ko dito na ikinangiti nito. Tumango sya.. Pero napansin kong sa kabila ng ngisi sa labi nito ay naroon ang itinatagong lungkot. Nagtaka ako don. Marami pa talaga akong di alam sa mga taong ito na kilala ako. Lalo na si Jarred. Bakit parang pareho sila ng kapatid ko na may malungkot na mata.?
Inihatid nila akong tatlo sa tapat ng dormitory ng mga babae. Kumunot ang noo ko ng makita ang isang tila bagong gawang resthouse. Kumunot ang noo ko. May karatula kase sa taas non na EVAÑEZ QUEENS...
"Me ganito na? Asan na yung hide out namin dito ng hunting eagles ha?" Tanong ni Travis kay Jarred. Di ko naman naiintindihanan ang pinaguusapan nila. Kaya minasdan ko nalang ang resthouse. Bet ko ang design. May open window to at kakaiba ang istraktura sa mga building na naroon. Makabago kase ang desing ng resthouse na yon. Magisa lang ba ako dito? Bakit EVAÑEZ QUEENS ang nakakaratula?.
"Matagal ng wala ang hunting eagles. Madami ng nagbago nung Umalis kayo Travis, sa rooftop na sila nandon katulong na namin sa pagprotekta ng school" sagot ni Azzer...
"Ano?"
"Di ba sinabi ni Seb?pinagisa nalang kami, " si Azzer ulit.
"Ano naman binabantayan nyo dito? Graduate na kayo diba? Bakit di pa kayo magwork? " tanong pa ni Travis. Si Jarred ay parang wala sa mood kausapin si Travis. Nakikita ko sa gilid ng mata ko na lagi syang nakasulyap sa aking mukha. Kaya diko maituloy ang paghikab ko. Antok na antok na ako ang dadaldal lang nung dalawa.
"Me binabantayan kami dito. Kayamanan ," sagot ni Azzer na ikinagising ng diwa ko. Me kayamanan dito.
Ngumisi ako sa kapatid. Saka yumakap sa braso nya. Nabigla naman ang lalaki sa ginawa ko.
"Kayamanan? Saan naman nakalagay?" Nakangiti kong tanong sabay tingala ko sa kanya.
"Cute ka sana kung di ka mukang pera! " pinisil pa ni Azzer ang isa kong pisngi masakit yon kaya inabot ko din ang pisngi nya at malakas na nilapirot ang buong mukha nya.
"Tama na yan!" Saway ni Jarred.
Ang sakit ng pisngi ko. Agad kong kinuha ang maliit na salamin sa bag na dala at tiningnan ang pisnging nasaktan. Shit... Pulang -pula yon.
Iningusan ko si azzer. Pumasok na kami sa resthouse. Wow sobrang ganda pala lalo ng loob non. Lalo akong inantok sa hangin dahil open ang area ng loob. May namataan akong dalawang bodyguard sa may hardin. Sa second floor naroon ang mga silid. Umakyat kami don. Lalong maganda ang taas .tanaw ang mga puno don at mas malakas ang hangin. Kahit walang aircon ay makakatulog ako dito.
"Yun ang kwarto mo Ellaina, sa dulo.. "Turo ni Azzer sakin. Ang layo naman.
"Bakit don? Mas gusto ko dito sa malapit sa kusina. " sabi ko.
"Na.. Na.. Hindi pwede. Kwarto to ng asawa ko, yung nasa gitna kay Imarie bestfriend mo. Mamaya andito na yon may klase kase sya. !" Si Azzer.
"M-may asawa kana? " gulat Kong tanong.
"Oo, dami mong limot, putcha, hirap magpaliwanag, Jarred magsalita ka nga, ngalay na ang panga ko. Puro titig ka lang dyan sa kapatid ko. " baling pa niya sa lalaki. Akala ko ako lang ang nakapansin eh. Kanina ko pa gustong sitahin ang Jarred na to kakatitig.
"Hanggang titig nalang naman yan!" Masungit na sabi ni Travis na ikinatalim ng mata ni Jarred.
"Baka ikaw ang hanggang titig nalang! " ganti ni Jarred. Naguluhan na ako sa takbo ng usapan nila.
Hinila ako ni Azzer at dinala sa kwarto ko. Iniwan namin yung dalawang nagtatalo don.
"Azzer bakit pinagtutulungan nyo ang boyfriend ko? " tanong ko habang hinahanap nya ang susi non sa bulsa nya.
"Anong ibig mong sabihin? "
"Inaaway nyo si Travis, kawawa naman! " labi kopa saka sinulyapan ang boyfriend na nakikipagdakdakan kay Jarred.
"Marami ka pa kaseng di alam, pero wag mo nalang pansinin yon, away-pogi lang yan," sabi nito saka binuksan ang pinto.
Napangiti ako dahil maganda ang kwarto. Malaki ang kama at tokador. Sayang nga lang kung nadala ko lahat ng damit ko sa LA ay may paglalagyan na ako. Sa LA kase ay maliit na cabinet lang ang naroon kaya yun ibang damit ko naka box nalang basta.
"Ganda diba? Pinakamalaki yan sayong kwarto! " ani Azzer.
"Mas gusto ko parin yun nasa malapit sa kusina! " sabi ko.
"Kulit mo no, kay Danica yun, sa asawa ko.. Kusina nya yun. Hindi ka pwedeng makialam don ha.. Kay Danica yon! " banta pa nito.
"Asan ba yon? Bakit ang aga mo naman yatang nagasawa?napasok din ba sya dito?" Ingos ko pa. Nakita kong may dumaang sakit o lungkot or pangungulila maybe sa mata nya.
"Wag ka ng matanong, wala yun dito, " sabi nya.
"Asan nga? " pangungulit ko pa.
"Naggagala!! " sagot nito na di ko ma gets.. Naggagala?anong trabaho non? Si Dora ba ang asawa nya?
Hindi nalang ako ulit nagtanong. Nahiga nalang ako sa kama st dinama ang kalambutan non. Nakatulog ako bigla sa sobrang pagod.
Gabi na ng magising ako. At nangangaligkig ako sa lamig shit.. Magisa nalang ako sa kwarto wala na si Azzer. Naglinis muna ako ng katawan bago nagpalit ng pajama. Kung di lang ako nilalamig ay maikli na naman ang suot ko kaya lang sobrang lamig ng hangin sa lugar na yon. Pinatungan ko pa ng Jacket ang suot. Mamaya ko nalang aayusin ang maleta ko. Gutom na ako kaya lumabas ako ng silid. Asan na kaya sila Travis? Di ako sanay na wala ang boyfriend. Pakiramdam ko may masamang mangyayari sakin pag diko kasama si Travis.
Bumaba ako ng hagdanan at nagtungo sa kusina sa baba. Naalala ko kaseng sinabi ni Azzer na kay Danica daw yun kitchen sa taas. Ano kaya yun? Dalwa-dalwa pa ang kusina. Muka namang wala don si Danica, sabi nga nya naggagala ito. Diko na naitanong kung saan.
Walang tao sa baba. Pati yun dalawang guard ay di kona nakita. Bigla akong kinabahan. Ganon na ganon ako pag walang nakikitang tao sa isang lugar. Yun pakiramdam na magisa lang. Napaupo ako sa sahig. Bigla kong niyakap ang sarili...
Travis where are you?
Then i saw Him.. I saw Jarred Dave na pababa ng hagdan. Napaangat ang tingin ko sa kanya. San yun galing? Me silid din ba yun don? He starring at me. Naka tshirt at short lang ito. Nawala ang takot ko. Buti naman at may tao naman pala don. Akala ko magisa lang ako.
"W-where is Travis? " tanong ko sa kanya. Matiim nya akong tinitigan.
"May binalikan lang sya sa bahay nila, tulog ka kaya di na sya nakapagpaalam! "
Bagay na ikinataka ko. Never pa akong iniwan ni Travis ng walang paalam. Oh baka naman kampante ito sa mga taong naroon. Like my brother Azzer pero ang Jarred nato? Could i trust him??
"O-okey. " sabi ko. Saka tumayo. Nawala na ang kaninang panginginig ng tuhod ko.
"Nagugutom kana ba?wala pa yung maid ni Imarie kaya kung gutom kana i can cook for you! " sabi nya. Pero umiling ako.
"A-ako nalang, kaya kona, " sabi ko, parang gusto panyang magsalita pero nanahimik nalang.
Bumuntong hininga ako at bumalik ang masaya kong pakiramdam. Hindi na dapat ako makaramdam ng takot. Maraming tao dito. At isa pa nagkalat ang mga bodyguard sa buong paligid. Tama si Travis. Safe ako dito.
Masigla na ako ng muling humarap kay Jarred.
"Kumain kana ba? "I asked. Umiling sya kaya napatango ako.
"Okey magluluto lang ako, " i said. Saka binuksan ang naroong fridge.
"Marunong kanang magluto? "
"Yes, non wala pa si Magi ako ang nagluluto sa bahay namin, pero mga fry lang ha" sagot kong nakatalikod sa kanya. Nakakita ako ng hotdog at itlog sa ref. Napangiti ako. My specialty.
Binuhay ko ang stove na naroon. Naglagay ng mantika ay binalatan ang hotdog. Sampu agad kase malaking tao ang kasama ko. Tiyak na malakas itong kumain like Travis.
Jarred's POV...
Napangiti ako sa likod ni Ellaina. Busy ito sa ginagawa sa may sink. My Queen has finally back to my castle. Now its my turn to make her remember me again. Ilang ulit mang mawala ang alaala nito ay paulit-ulit ko ring ipapaalala sa kanya kung sino ako sa buhay nya.
Kahit nakakamatay na ang closeness nila ni Travis at dumagdag pa ang Azzerdon na yon. Kahit magkapatid sila ay nagseselos parin ako sa gagong yon. Malaya nyang naaakbayan at nahihipo si Ellaina samantalang ako na may ari sa kanya na higit kanino man ay ang may karapatan sa babaeng to ay di makalapit ng husto. Well... Its okey. Tiis nalang muna sa ngayon. Ang kailangan ko ay makuha ang tiwala ng babaeng mahal. Lalo na at talagang di nya ako makilala.
Matiim kong minamasdan si Ellaina habang nakaupo sa mesang naroon nang mabigla ako. Kumuha sya ng sandok at nagsasayaw habang kumakanta.
"Ooops i did it again.
I play with your heart
Got lost in the game
Oh baby baby...."
What? Anong ginagawa nito? Nagkikiwal ang malambot nitong balakang habang sumasayaw at kumakanta. May paturo -turo pa ito sa akin twing lilingon.
"Oopss you think im in love
That im sent from above
Im not that innocent! "
Napanganga ako sa ginagawa nya? She's wild habang kumekembot at kumakanta. Ang buhok nyay kung saan-saan pumaling dahil sa maharot na sayaw nito.
And god... It turns me on so f*****g hard..