Chapter 2:
Huminga muna nang malalim si Erania, tinanaw niya sa hindi kalayuan ang malaking bahay ng magiging asawa niya, asawa ng kanyang kapatid.
Malaki ito para sa dalawang taong nakatira roon. Nasabi ni Paul na walang mga katulong doon, tanging siya at si Gabriel lang ang nakatira sa bahay na iyon. Noong una raw ay mayroon pero pinaalis ng kapatid niya, iyon ang nakapagpagulo sa isip niya, bakit naman iyon gagawin ng kanyang kapatid?
Napaisip tuloy si Erania, hindi kaya nabuburyo ang kakambal niya sa loob ng malaking bahay?
Kawawa naman ang kapatid niya.
Tinanguan siya ni Paul pagkababa ng kotse.
"Lagi mo lang tandaan ang mga sinabi ko, Miss Arania," pinakadiin nito ang pangalan.
Suminghap siya at tumango. "S-Salamat, Paul.
Sandali pa siyang tiningnan ng lalaki bago ito umalis at iwan siya sa lugar na iyon. Iyon na ang hudyat niya upang gawin ang kanilang plano.
Kagabi ay pinag-aralan niya ang folder na binigay ng mag-asawang Corpuz, tinulungan din siya ni Paul tungkol sa maliliit na detalye yungkol sa kaniyang kapatid.
Lalo na tungkol sa pagsasama ng dalawa. They are not in a good terms iyon, ang sabi ni Paul.
Literal na nalaglag ang panga niya pagpasok ng gate ng bahay. Malawak ang garden nito at may fountain pa sa may gilid, madaming puno sa paligid halatang alagang-alaga ang mga iyon. Pagkapasok niya sa loob ng bahay ay mas lalo siyang namangha sa disensyo nito.
"Dito nakatira si Ara? Wow," manghang bulong niya.
Nilibot niya ang buong bahay at pinag-aralan habang may oras pa.
Hinanap din niya ang kwarto nilang mag-asawa. Yes she tried to teach herself to call that 'Gabriel' as her husband.
Dapat daw ay masanay na siya, kaya naman sa abot ng makakaya niya ay ginagawa talaga niya.
Wala pa sa bahay ang asawa ng kapatid niya, Paul said that her twin's husband is a workaholic, naisip niya tuloy kung paano nagkakilala ang kanyang kapatid at ang lalaki.
Habang naghihintay ay hindi niya namalamayan na nakatulog na siya sa malambot na sofa.
GABRIEL was shocked when he saw his wife-- his liar b***h wife laying on the sofa. He tsked, this is new kelan pa nag stay ang asawa niya sa bahay? She's a woman that love a night life. A party girl. Laman ito ng clubs gabi gabi o kaya nasa mamahaling restaurant ito kasama ang mga brat na kaibigan.
He walked closer to her.
Balak sana niya itong gisingin pero natigilan siya nang makita ang bahagyang nakaawang na labi nito habang payapang natutulog sa sofa.
He checked the wall clock, it's already eleven in the evening.
Binalik niya ang atensyon sa asawa, kumunot ang kanyang noo dahil parang may nagbago sa mukha nito.
Maybe this witch got a tan skin huh?
Napailing si Gabriel bago tumalikod at pumunta sa kusina. Too much for a day.
SHE woke up feeling hungry, kumakalam na ang tiyan niya kaya napatingin siya sa orasan at nakitang maghahating gabi na pala. Dumating na ba ang asawa ng kapatid niya?
Hinilot niya ang batok saka inaantok na pumunta siya sa kusina para tumingin ng makakain. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya, hindi tuloy siya nakapagluto.
Sana lang talaga ay may pwedeng kainin sa loob ng malaking bahay na ito, baka puro design lang.
"Why are you here?"
Halos mapatalon siya nang may biglang may nagsalita sa gilid nang akmang bubuksan niya ang ref.
Kaagad napaharap si Erania sa baritong boses, and there she saw a handsome man sipping wine while sitting on the stool bar. A hazel brown eyes with the pointed nose and don't forget his jaw line.
Grabe! Artista ba ang asawa ng kapatid nita?!
Nakurap-kurap siya nang maisip niyang ilang segundo na siyang nakatitig rito. Tumikhim muna siya bago magsalita.
"T-This is my house too."
Bakit ba siya nauutal? Hindi naman siya ganito.
She's the strong woman, a fighter! Noong mga bata pa nga sila ay siya ang laging nagtatanggol sa kakambal niya kapag may umaaway sa kanila kaya bakit siya tiklop ngayon?
"Your house? Yeah." He chuckled then he eyed her with a bored eyes. "Knowing you? Kailan ka pa nag-stay rito sa bahay?" Nagdilim ang mukha ng asawa bago sumimsim ulet ng alak.
"Bakit umiinom ka pa ng alak? Hating-gabi na," pagkuwan niya at hindi pinansin ang sinabi nito.
Tinaasan siya nito ng kilay pagkatapos ay umiling-iling na animong hindi ito makapaniwala sa sinabi niya.
Tuluyan niyang binuksan ang ref at kumuha roon ng slice ng cake at juice bago umupo sa isang stool, nagugutom na talaga siya.
"What's your plan now my dear wife huh?" paglipas ng ilan segundo ay nag salita na ang asawa ng kapatid akala niya ay tititigan lang siya nito.
Sinubo muna niya ang cake bago sumagot. "Plan for what?" inosenteng tanong niya.
Nagsalubong ang kilay ng lalake bago tumayo. Napaigtad siya nang lumapit ito sa kanya at mahigpit na hinawakan ang kanyang braso dahilan para mapaigik siya sa pagkabigla.
What's with this man?
"Nasasaktan ako! Ano ba?! Lasing ka na ba?" aniya at pilit inaalis ang pagkakahawak sa kaniya ng lalake.
Tinaliman niya ng tingin ang lalaki, Hudas na `to ang bad!
Nagtitimpi siyang huwag kalmutin ang lalaki. She should be good to him, iyon ang bilin sa kanya, dapat daw ay panatilihin ko ang pagsasama ng dalawa at kung hindi siya magtimpi ay lalo lang masira ang dalawa.
"I haven't seen you for two weeks then now, you're here! Like nothing happened? Are you kidding me?" tumaas ang boses nito kasabay ng pagtangis ng bagang.
Napangiwi siya sa paghigpit ng hawak sa braso niya na siguradong babakat iyon.
Hindi nagulat si Erania sa sinabi nitong hindi umuwi ang kapatid. Of course she will not. Comatose ang kapatid niya!
Letcheng lalaki `to, naaksidente ang kapatid at hindi alam? Walang kwenta, anong klaseng asawa `tong ugok na `to, gwapo lang pero masama ang ugali!
Hindi siya nakasagot habang nakatingin sa mukha nito. He's still wearing a white polo that folded to his elbow.
"Let me go Gab," mahinahong sabi niya, hinawakan niya ang pulso ng lalaki.
Natigilan naman si Gabriel sa sinabi niya, parang nabigla ito. Nakakunot ang noo nito. Ang gulat sa mukha ng lalaki ay unti-unting napalitan ng blankong emosyon at disgusto.
"Don't call me Gab! Kailan mo pa ako tinawag na gano'n? You call me jerk remember?" gigil na sabi nito, kitang-kita ang pamumula ng leeg.
Mabilis na tumalikod si Gabriel sa kanya at iniwan siyang naguguluhan sa kusina.
"Ano ba 'tong napasok ko?" bulong ni Erania nang tuluyan mawala sa pangin ang asawa ng kapatid.
What happened between her twin and her husband? Kilala niya ang kanyang kapatid, napaka tahimik lang nito.
Oo nga't magkaiba sila ng ugali. She didn't know that her twin can call someone a 'jerk'.
Nagbago na talaga ang kapatid niya at hindi talaga sapat ang mga impormasyon na nabasa niya lang sa folder. Kulang na kulang ang mga ito para malaman kung anong nangyari sa mag-asawa.
What did you do Arania?
***