bc

Substitute Wife

book_age16+
5.9K
FOLLOW
20.3K
READ
others
forbidden
love-triangle
body exchange
forced
second chance
drama
sweet
secrets
substitute
like
intro-logo
Blurb

Erania has a peaceful and simple life in the orphanage. Lumaki siya na kasama ang mga madre at katulad niyang pinagkaitan ng kumpletong pamilya.

Sa lumipas na taon ay itinanim na niya sa kanyang isip na ang apat na sulok ng bahay-ampunan ang kanyang magiging tahanan hanggang siya'y manghina. Ngunit hindi iyon ang itinakda sa kanya ng mapaglarong tadhana nang ang tahimik niyang buhay ay mababago nang bisitahin siya ng umampon sa kanyang kakambal. After her twin was in an accident, her twin's adoptive parent asked her for a favor.

She'll be the new Mrs. Glaive. She will be the Substitute Wife.

______________

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Chapter 1: Ang bigat ng pakiramdam ni Erania habang sinisilid sa kanyang maleta ang huling gamit na kayang dadalhin. Inilibot niya ang kanyang paningin sa huling pagkakataon sa buong bahay na kinagisnan. Ang bahay ampunan, masakit na lisanin ito ngunit alam niyang kailangan. She studied the entire area where she had stayed for nearly twenty-three years for the last time. Hindi niya maiwasan maalala noong bata pa lang siya ay gustong-gusto niyang umalis sa lugar na ito. Gustong-gusto niyang may umampon sa kaniya kahit mahirap man o mayaman ang aampon sa kanya ay buong puso siyang sasama sa mga ito. Hindi siya nawalan ng pag-asa, pero nagbago ang lahat hanggang tumuntong siya sa legal niyang edad ay wala pa rin nag-aampon sa kanya. Kung minsan ay na papaisip siya kung bakit ayaw sa kanya. She's good and definitely a beautiful woman but why? Why they don't like her? She smiled bitterly. Kung noon ay masaya siyang aalis sa lugar na ito, ngayon naman na aalis na siya ay halos hindi niya maihakbang ang kanyang mga paa. It's strange leaving a place you've treated like a home. "Mag-iingat ka roon anak," wika ng isang matandang madre at binigyan siya ng sobrang higpit na yakap. Erania bit her lower lip to stop herself from crying. "Opo, Mother Fe. Kayo rin po ay mag-iingat ha? Huwag na kayong maging dragon kapag nagagalit. Tumatanda na po kayo, hindi na maganda sainyo ang nagagalit. Sige kayo, madadagdagan ang kulubot niyo," biro niya sa matanda habang pinipigilan ang sarili na umiyak. Si Mother Fe ang tinuring niyang ina sa loob ng apat na sulok ng bahay-ampunan. "Ikaw talagang bata ka! Sige na't baka mahuli ka sa iyong b-biyahe." Halata sa boses ng matanda na matindi din nitong kalungkutan. Kahit na nakausap na niya ang mga ito noong nakaraan tungkol sa kanyang pag-alis. "Babalik po ako rito kapag naayos ko na po ang lahat. Huwag po kayong mag-alala sa akin." "Mag-aalala talaga ako Era, ngayon ka lang mawawalay sa paningin ko, namin," madamdaming sabi ng matanda kaya natawa siya. "Mauna na po ako, Mother Fe," usal ni Erania bago siya umalis, pinilit niyang pagaanin ang sitwasyon. Halos isa't kalahating oras bago siya makarating sa Manila. Inilibot ni Erania ang kanyang paningin sa Airport. Ngayon lamang siya nakaalis at nakalabas mag-isa sa ampunan. Kung dati ay nakakalabas man siya ay doon lang din sa baryo nila at kasama ang mga madre, hindi niya akalaing dadating ang panahon na ito na lalabas siya sa malayo at mag-isa pa. "Miss Erania." Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. Hindi niya maiwasan mamangha nang makita ang isang lalaking matipuno. "I'm Paul, ako ang pinadala ng mag-asawang Corpuz upang sumundo sa'yo," wika nito. Nagdadalawang-isip pa siya noong una pero nang ilabas nito ang larawan ng mag-asawang Corpuz ay nakahinga siya nang maluwag. Sinusunod niya ang ang payo ng mga madre, lalo ni Mother Fe na huwag kaagad magtiwala. Kinuha ng lalaki ang bitbit niyang bagahe, tumango ito at sumenyas na sumunod palabas. Pinagmamasdan niya ang likod ni Paul habang naglalakad sila palabas, matangkad ito at matipuno masiyado rin pormal ang suot nitong itim na tuxedo. "Paul secret agent ka ba? I mean look at your suit, ganyan `yong mga napapanuod ko eh," tanong niya rito pagkapasok nila ng kotse. Tumaas ang sulok ng labi nito. "Masiyado ka sigurong nanunuod ng mga palabas Miss Erania, nasobrahan ata," wika nito. "Wag mo na akong tawaging Miss. Erania na lang, hindi kasi ako sanay. Saka hindi ka ba naiinitan Paul?" tanong ulit ni Erania dahil pakiramdam niya ang init ng suot nitong damit. Tanging iling lang ang sagot ni Paul bago nito paandarin ang kotse. Bumalot ang katahimikan sa kanila, hindi niya namalayan na nakatulog na siya sa sobrang haba ng biyahe. Nagising siya dahil sa isang tapik sa kanyang balikat. Nang idilat niya ang kanyang mata ay tumambad sa kanya ang isang malaking bahay, literal na napanganga si Erania nang ilibot ang paningin sa harap ng mansyon. Labas pa lang ay maganda na, paano na kaya sa loob! Hindi siya makapaniwalang dito nakatira ang kapatid niyang si Arania. Pinagbuksan siya ng pinto ni Paul at iginaya papasok ng bahay. Tahip-tahip ang kaba sa kanyang dibdib, pagbukas ng pinto ay bumungad sa kaniya malaking hagdanan at chandelier sa gitna. "Finally, you're here!" tinig ng isang Ginang na kanyang nilingon. Nakaupo ito sa magarang sofa katabi ng isang matandang lalaki. Ilang beses siyang lumunok para itago ang kaba lalo na nang makita ang ilang kasambahay na napapatigil nang makita siya. "Have a sit, iha," maawtoridad na wika ng matandang lalaki sa tingin niyang nasa mid fifties. Wala naman nagawa si Erania kung hindi lumapit sa dalawa, naupo siya sa katapat na upuan ng mag-asawa, nilingon niya si Paul na tumayo lang sa kanyang tabi. "Magandang gabi po," bati niya sa mag-asawa saka ilang na ngumiti. "Sayo rin iha. Alam mo kung hindi kita kilala mapagkakamalan ko talagang ikaw si Arania, you look exactly the same," wika ng Ginang na abot tainga ang ngiti. Totoo ang sabi ng Ginang, alam naman niya iyon. Kung titingnan silang magkapatid ay para silang isang salamin. Ang kaharap niya ngayon ay ang mga umampon sa kakambal niya, ang mag asawang Corpuz. Mayayaman ang mga ito at nakakaangat sa buhay. Kaya nga gano'n nalamang ang saya ni Erania noon nang malaman niyang mapupunta sa mayaman na pamilya ang kanyang kapatid. Dahil mabibili na nito ang gusto nito at mabibigyan ito ng mga bagay na hindi nila makukuha sa loob ng bahay-ampunan. Hindi niya makalimutan noon na nalungkot din siya dahil magkakahiwalay sila. Sa ampunan na sila lumaki ng kakambal niya, ang sabi ni Mother Fe ay iniwan sila sa harap ng simbahan noong baby pa lang sila kaya hindi nila kilala ang tunay na magulang nila. Malakas siyang napabuntonghininga nang maalala ang gabi ng paghihiwalay nila ng kapatid. "Erania aalis na ako. Mag-iingat ka rito," wika sa kaniya ni Arania habang magkayakap sila at umiiyak, pitong taon lamang sila noon. "Okay lang ako, magiging ayos labg ako. Ikaw ang mag-iingat doon, Arania," habilin niya sa kakambal. "Wag ka mag-alala Era, papadalhan kitang madaming dolls at dress, k-kapag pinayagan ako ay lagi kitang bibisitahin, walang magbabago okay?" usal ni Arania sa kaniya at binigyan siya nang malawak na ngiti at may luha sa mata nito. Ayaw man ni Erania mawalay sa kapatid ngunit hindi naman siya gano'n kasama para pagdamutan ito sa buhay na makapagpapaligaya sa kakambal. Ang totoo ay ayaw pangsumama ng kakambal noong una, pinilit lang niya ito. "Let's go Arania!" wika ng babaeng aampon sa kanyang kapatid. Bago umalis ang kapatid at sumakay sa kotse ay may binulong ang kapatid. "Lagi akong kakampi mo Era, hanggang sa susunod natin pagkikita." "Siguro ay kilala mo na si Paul? Siya ang kinuha ko para bantayan at turuan ka sa iyong mga gagawin, he'll be your private guard," bilin ng matandang lalaki tumango lamang si Erania. "This is the folder with information about Arania; you can still read it, but I already sent it to Paul; he will simply tell you. You have one day to prepare youself, Erania or should I say Arania?" nakangising wika ng Ginang. Hindi siya nagsalita, sumisikip ang puso niya dahil alam niya kung bakit niya ito gagawin. "Mabait na bata, basta sundin mo lang kami iha pagkakasundo tayo nyan. You'll get a scholar, hindi ba hindi ka nakapagkolehiyo?" Marahan siyang tumango. "Wag po kayong mag-alala gagawin ko po ito para sa kakambal ko. Hindi ko ho kayo bibiguin." Sandali siyang natigilan. "Pwede ko po ba siyang makita?" tanong ni Erania sa mag-asawa. Nagkatingin ang dalawa bago tumango ang matandang lalaki. "Sure iha, umakyat ka sa itaas, Paul pakisamahan siya," sabi ng lalaki bago sila umakyat ni Paul sa isang kwarto. Kinakabahang humakbang si Erania papasok sa kwarto. Isang malaki at maaliwalas ang kwartong iyon. Mabango rin ang amoy sa loob, halatang babaeng-babae ang may-ari. Ramdam niyang nasa likod lang niya si Paul at sumusunod sa kanya. Napatigil ang kanyang tingin sa malaking kama sa gilid. Umawang ang kanyang labi nang makita niya ang isang babae na nakahiga sa isang malaking kama. Hindi na niya napigilang hindi tumulo ang luha. Dahan-dahan siyang lumapit siya rito at umupo sa gilid ng kama, hinawakan niya ang kamay ng kapatid. Nahahabag siyang makita ang kapatid na maraming nakasaksak na mga tubo at kung ano-anong aparato ang nasa gilid nito. "A-Arania ang daya mo naman, after ng sixteen years na hindi tayo nagkita tapos madadatnan kita rito nakaratay na parang lantang gulay, a-ang daya mo," parang bata niyang kausap sa kapatid na parang walang buhay na nakahiga sa malaki nitong kama. Kung hindi niya nakita ang mabagal na pagtaas-baba ng dibdib nito ay iisipin niyang wala itong buhay. "Miss na miss kita, Arania. Alam mo ba? Nakuha ko `yong mga pinapadala mo sa aking mga manika at damit noon. Iniingatan ko `yon, kaso kahit gusto ko pangsuotin ngayon hindi na kasya," natatawang kwento niya sa kapatid kahit tumutulo pa rin ang luha niya, parang walang balak tumigil. "Huwag kang magagalit ha? Ibinigay ko na ang mga iyon sa mga bata sa ampunan bago ako umalis para magamit nila. Natuwa nga sila Arania." Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng kapatid, nagbabakasaling gaganti iyon ng hawak. "Bakit naman daw kasi nag-drive ka ng lasing? Kailan ka pa natutong uminom ha?" pagsesermon niya rito kahit parang sinasakal ang puso niyang iisipin ang pinagdaanan ng kapatid sa trahedya. "Balita ko rin ay may asawa ka na, gwapo ba ang asawa mo?" tanong niya rito na animong sasagot habang hinihimas pa niya ang pisngi ng kakambal. "Ang ganda mo." Tapos natawa siya. "Ay oo nga pala magkamuka tayo!" Halos kalahating oras niyang kausap ang kakambal, kahit hindi ito sumasagot sa kanya ay kwento lang siya nang kwento at nagbabakasaling naririnig din siya nito. Si Paul naman ay nakaupo lang sa likod niya habang pinagmamasdan siyang mukhang tanga kumakausap sa tulog. Sinulit na niya lahat dahil sa susunod na araw ay hindi na siya si Erania. She will be Arania Glaive. The wife of Gabriel Glaive. ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
162.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
70.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
107.0K
bc

His Obsession

read
76.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
21.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook