Pag gising na pag gising ko, nakatanggap ako ng message galing kay Laurence na pagkahaba haba.
"Good Morning babe. Sana masaya tulog mo, kasi ako natulog ng nakangiti at nagising ng nakapikit. See you later, and I miss you already. Hugs and kisses to you, more like hugs muna kasi bawal pa hehe. I love you babe "
Ay grabe naman talaga yung sweet message na yun. Parang buo na kaagad araw ko.
Para naman akong baliw na nakangiti sa kama ko.
Bumangon na ako at nag asikaso para pumasok.
+
Pag labas ko ng bahay, may lumapit sakeng buntis na namamalimos. Mukhang okay naman siya, naka damit ng maayos pero nakakapagtaka lang eh namamalimos siya.
"Ah teka lang po...." naglabas ako ng bente at binigay sakanya. "Wait lang po diyan lang kayo, kuha lang ako ng pagkain sa loob" sabi ko.
Pero pinigilan niya ako.
"Joke lang te, ako to. Si TB!"
"Hala! Bakit ka naman buntis ngayon?"
"Eh syempre, nagamit ko na si lolo, tapos janitor, si crew, si street sweeper, si baklang bata, si babaeng bata. Ngayon, ako naman si buntis!" Sabi niya pa.
"Ay teka, gutom ka ba talaga?"
"Syempre hindi no, nang aasar lang ako sayo haha"
"Nako baliw ka, male late na ako eh"
"Tara sabay na tayo habang naglalakad"
Sinabayan naman niya ako hanggang sa sakayan.
"Eh bakit ka na naman nagpakita?" Sabi ko.
"Eh kasi gusto lang kitang iCongrats sa first ever...... BOYFRIEND mo!!! Yay. Congrats Julian!" Sabi niya pa.
"Ay nako, salamat salamat"
"Hehe oh diba, ang bilis ng chismis hehe"
"Nagpakita ka para lang batiin ako?"
"Hmmm. Oo" sabi niya.
"Nako, mamaya may kasalanan na naman ako sayo"
"Don't worry libre to, hehe. Ano? Nabasa mo ba yung libro mo???"
"Oo! Pati yung libro nag congrats saken!"
"Hay nako, hindi yun. Bago yun! Jusko naman, dalian mo tignan mo, dala mo ba?"
"Ay oo teka..." nilabas ko yung libro at binuksan.
Ang sabi....
"Kapag hindi nagamit ang kapangyarihan in 7 days. Automatic na tataas kaagad ang level mo"
"Eh bakit naman pala tataas yung level ko kung di ko ginagamit?" Tanong ko kay TB,
"Syempre, less use of powers, less mistakes. Tignan mo, ginamit mo kapangyarihan mo to cheat, nabawasan yung points mo. If you will not use it, parang na aaccumulate siya thru points. Gets?"
"We? Talaga?"
"Yesssss. Yesss."
"Eh palagi kong ginagamit kapangyarihan ko ah?"
"You're using your level 1 power. Since level 2 ka na at di mo pa nagagamit yun, counted yun as 'di mo pa nagamit' gets?"
"Wow, ang galing galing naman!!"
"Yes, I know. I'm such a magaling na TB" sabi niya pa.
Sumakay na kaming dalawa ng jeep.
"Bakit di ka pa nawawala?" Tanong ko.
"Kasi feeling ko may sasabihin ako eh kaso nakalimutan ko"
"Importante ba yan?"
"Medyo.... hmmmm. Bahala na nga sabihin ko na lang sayo next time pag naalala ko na" sabi niya.
Medyo magulo rin tong kausap si TB pero okay na rin na nagpapakita siya saken ng libre.
+++
Pag dating ko sa room, wala pa si Matteo sa upuan niya, kaya lumapit muna ako kay Greco.
"Level 14 na ako!" Sabi ni Greco sa isip ko.
"Awww! Congrats!"
"I know, I know. Thankie hehe."
"Bakit ang bilis mo mag level up?"
"Haha, eh kasi eto talaga purpose ko lol. Eh ikaw, accidental lang ata pagkakabigay sayo ng kapangyarihan eh, saken kasi hiningi ko to"
"What do you mean?"
"Nako, long story Julian, wag mo ng tanungin haha."
"Nakakainis naman haha, sige sige. Pero gusto ko na rin mag level up para magkaroon naman ako ng bagong ability"
"Well, pagtrabauhan mo kasi. Isa pa, mukhang gusto mo lang nagbabasa ng iniisip ng iba" sabi ni Greco.
Mukhang marami na talaga siyang alam dahil sa kapangyarihan niya.
"Mag sample ka nga ng mataas na level na kapangyarihan mo" sabi ko sakanya.
"Hmmmm. Let's see...." tumingin tingin siya sa classroom namen tapos tinuro niya yung isa kong kaklaseng lalaki na si Ryan.
"Tignan mo, tatayo yan si Ryan tapos lalapitan si Kat ang tapos kukurutin niya"
"OMG, kaya mong mag utos ng ibang tao?!"
"Haha yes, yes. Tignan mo"
Tinignan niyang mabuti si Ryan habang nagsusulat tapos bigla siyang tumayo at kinurot nga si Kat.
Maya maya parang natauhan si Ryan at nagulat sa ginawa niya.
"OMG, ang cool nun!!!" Sabi ko kay Greco.
"Haha, saglit ko lang nagagawa yun Julian. Kaya di rin masyadong maganda"
"But still.... ang cool!!!"
"Haha, darating ka rin diyan, eh in fact mukhang parehas tayo ng gift" sabi pa ni Greco.
"So, may mga ibang tao na iba ang gift?"
Di naman nakasagot si Greco kasi dumating na si Maam.
Bumulong lang siya saken.
"Sobrang daming may ibang gift Julian, di lang basta nakakabasa ng isip" sabi niya saken.
Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya.
What if, hindi lang pala makabasa ng isip ang merong regalo.
What if, meron pang iba?
++++
Hindi pumasok si Matteo maghapon na siya namang kinabahala ko. Tatawagan ko sana siya kaso bigla naman dumating si Laurence, na sobrang gwapo sa uniform niya. Ang hot hot pa at syempre, ang gwapo gwapo.
"Sorry babe, ang dami ng ginagawa eh" sabi ni Laurence pagkalapit saken.
Inakbayan niya na ako at naglakad kami palabas.
Di pa rin ako sanay na pinagtitinginan ako ng mga tao dahil samen ni Laurence pero sa tuwing di pinapansin ni Laurence yung mga tao, di ko na rin pinapansin yun.
"Babe, samahan mo naman ako. Bili ako ng trunks pang swimming, hehe para looking good ako pag nag Zambales tayo"
"Ay, bakit kaya kailangan bago pa?"
"Nako, para poging pogi ako sa paningin mo" sabi niya sabay kurot sa pisngi ko.
"Haha, pogi ka naman babe kahit anong suot mo eh"
"Pogi rin ako kapag walang suot. Just saying" tinignan ko siya sabay kumindat saken.
Nakakainis, kinikilig naman ako kay Laurence.
"Okay lang ba babe?" Sabi niya.
"Huh?"
"Na samahan mo ko hehe"
"Ahhh oo naman."
Pagkarating namen sa kotse niya, siya yung nag buckle ng seat belt ko.
"Safety First" sabi niya saken ng harapan. Masyadong malapit yung mukha namen.
Di ako mapakali pero siya nakangiti lang.
"One day, I'm gonna kiss that lips so hard. Pero for now...." hinalikan niya ako sa pisngi. "Cheeks muna"
Shete naman to si Laurence eh. Halos di ako makahinga sa kilig.
"Okay na babe?" Sabi niya.
"Yes babe"
"Let's go!"
Nagpaandar na si Laurence ng sasakyan.
"Babe," bigla niyang tawag saken.
"Yes?"
"Nagtatampo kaya ako sayo" sabi niya. Napatingin tuloy ako sakanya.
"Hala, bakit babe?"
"Wala. Di ka nagreply sa good morning message ko. Nakakatampo"
Ang cute niya magpa cute. Nakanguso tapos parang luging lugi.
"Ayy sorry."
"Akala ko tuloy di mo ko love" sabi niya pa.
"Hala, hindi ahhh. Mahal kaya kita, promise."
Nakita kong napangiti siya sa sinabi ko pero nagpacute uli siya.
"Sige nga, sabihin mo saken yung good morning message mo" sabi niya.
"Now na? Mag gagabi na oh"
"Huhu, nagtatampo ako."
Ang cute talaga ni Laurence. Nakakainis.
"Sige na nga...."
"Yehey! Teka, teka" bigla niyang ginilid yung sasakyan niya tapos tinanggal niya seatbelt niya at tumingin saken.
"Dali, sabihin mo saken ng harapan" sabi niya. Hinawakan niya pa yung kamay ko.
"Hala, nakakahiya..."
"Nagtatampo ako"
"Haha, eto na nga..."
Nag isip lang muna ako ng sasabihin ko sakanya. Tinignan ko siya sa mata niya.
"Good Morning babe, alam mo bang natulog akong iniisip kita.... tapo nagising ako iniisip din kita. Hmmmm, kumain ka pag gising mo..... don't skip, hihi.... mamaya yayakapin kita pag nagkita tayo hehe."
"Ohhh, parang may kulang"
"Hala, ano?"
"Yung ano, yung ay.... ay....."
"Ay ano?"
"Ayy laaa.... ay laaaa."
Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"I love you babe" sabi ko.
Aba, ang gwapo niya talaga kapag ngumingiti ng todo. Ang taba taba ng cheeks!
"I love you too babe" sabi niya saken sabay halik sa kamay ko.
Nagkatinginan lang kami habang pinipisil pisil niya yung kamay ko.
"Eh nasaan na yung yakap ko? Akala ko yayakapin mo ko?" Sabi niya.
"Ayy, kanina kasi umakbay ka na kaagad eh. Yayakapin nga sana kita eh"
"Dito na lang"
"Ehhh, hindi kita mayayakap ng mahigpit."
"Edi bumaba tayo tapos yakapin mo ko"
"Haha, wag na babe, tara na. Bumili na tayo ng damit mo" sabi niya pa.
"Ehhhh, sige na nga ehehe" naglagay na uli siya ng seatbelt at pinaandar yung sasakyan niya.
Habang nasa daan, may tumawag naman kay Laurence at agad niyang sinagot.
"Yow!"
"Uhm, papuntang mall"
"Ha? Si tita?!"
"Kanina pa?!"
"Hinahanap ako?"
"Oh sht, sige sige"
"Sige, pasabi papunta na ako."
"No, pauwi na ako sabihin mo!"
"Okay"
Mukhang may mali naman sa nangyari, biglang nagbago yung mood ni Laurence, nakakunot na yung ulo niya.
"Babe?" Tawag ko.
"Yes?"
Hinawakan ko kamay niya pero di pa rin nagbabago itsura niya.
"May problema ba?"
"Wala babe"
"Okay lang kung di na tayo tuloy"
"Hindi, pabayaan mo si tita dun" sabi niya.
Hindi ko alam kung paano ko papakalmahin tong si Laurence.
"Babe..."
"Please babe, okay lang ako!" Medyo pasigaw yung boses niya nun kaya naman natahimik ako.
Di ko kasi alam yung storya sa tita niya kaya naman di ko alam pinagdadaanan niya.
"Sorry babe, sorry. Di ko sinasadyang masigawan ka" bigla naman niyang binawi.
"Okay lang, mukhang malaki yung problema mo sa tita mo ah?"
"Nako babe, sobra. Hehe, sorry talaga. Sorry, di ko sinasadya. Sorry" paulit ulit niyang sabi.
"Opo, okay lang"
"Next time ko na lang ikwento ha?"
"Sure. Hehe"
Maya maya, may tumatawag na naman sakanya pero pinatay na niya yung cellphone niya.
"Ikaw lang naman kausap ko sa phone palagi eh, kasama naman kita ngayon kaya hayaan mo na lang na nakapatay yan" sabi pa niya.
Kahit medyo wala sa mood si Laurence, nakakakilig pa rin siya magsalita.
++++++
Kinabukasan, hindi pa rin pumapasok si Matteo.
Hindi naman ganito si Matteo eh. Magsasabi naman siya saken ng problema niya, pero ngayon wala akong ka ide-idea kung nasan siya, di ko pa siya macontact.
"Hoy, kanina ka pa hindi mapakali diyan ah." Sabi ni Greco sa isip ko.
Ang daya, kaya niya akong kausapin sa isip ko.
Kaya lumapit ako sa kanya.
"Gusto ko rin makausap ka sa isip mo para naman kahit malayo magkausap tayo"
"Haha pa level ka na kasi."
Hindi ko talaga maintindhan kung bakit nasabi ni Tracy saken na wag kong pagkatiwalaan si Greco, mabait naman siya saken.
Pero iniiwasan kong isipin lahat ng about kay Greco kasi alam kong nababasa niya isip ko.
"Bakit wala bff mo?" Tanong ni Greco.
"Si Matteo?"
"Oo, di pumapasok ah?"
"Di ko rin alam eh"
"Nako, baka nagseselos kasi may lovelife ka na"
"Hala, bakit nman magseselos yun?"
"Malay mo may gusto pala siya sayo diba, we'll never know"
"Haha, baliw ka talaga. Wala yun, tsaka okay na ako. Mahal ko si Laurence, napapasaya niya ako tapos proud na proud pa siya saken"
"Promise?"
"Yeap, promise!"
Totoo naman. Mahal ko talaga si Laurence. Mahal ko si Matteo pero noon yun, at bilang best friend na lang. Special friend, ganun.
"Okay, sabi mo eh hehe"
"Aba, bakit parang ayaw mo maniwala?"
"Eh kasi.... basta haha"
Di ko na lang kinulit. Ayoko na kasing naaasar kay Matteo eh.
"Lalapit si Jerick, balik ka na sa upuan mo" sabi ni Greco.
Alam ko kasi na ayaw ni Greco sakanya. Kaya bumalik na ako sa upuan ko.
Saken naman na lumapit si Jerick.
"Sis, ano balita kay Matteo ko? Bakit di pumapasok?" Tanong niya.
"Hindi ko nga rin alam eh. Di naman nagpaparamdam"
"OMG, bakit? Akala ko pa naman sanggang dikit kayo?"
"Di ko rin alam kung bakit eh"
"Baka siya na nag aadjust. Eh kasi diba may boyfriend ka na?"
Nakkagulat talaga tong biglang bait ni Jerick saken.
"Di naman siguro"
"Well, malay mo lang sis, balitaan mo ko please?" Sabi niya pa.
"Sige sige" sagot ko na lang.
Di kasi talaga siya pumapasok.
++
Finals week na namen next week pero wala pa rin si Matteo. 5 days na siyang absent na talaga kinakabahala ko. Wala talagang text text, o kahit ano.
Nag uumagahan na sila mama at papa kaya sumabay na muna ako.
"Ma, pumunta ba si Matteo dito?" Tanong ko.
"Hindi na nga eh, matagal tagal na rin" sabi naman ni mama.
"Syempre, may boyfriend ka na, alangan na dumalaw dalaw pa rito!" Sabi namn ni papa.
"5 days kasi siyang di pumasok eh. Dumaan pa weekends, di man lang nagpaparamdam o nagtetext.",
"Namimiss mo?" Tanong ni papa.
"Nag aalala lang po. Syempre nasanay akong plagi kaming magkasama"
"Eh palagi na rin naman kayong magkasama ni Laurence ah?"
"Anong ibig niyong sabihin pa?"
"May boyfriend ka na, pero si Matteo pa rin hinahanap mo?" Sabi niya.
"Pa! Hindi, nag aalala lang talaga ako. Mamaya kung ano na nangyari sakanya, may problema pa naman sa pamilya niya yun."
Pero napka mapang asar ng ngiti nila mama at papa.
"Nako yung prinsesa namen naguguluhan" sabi ni mama.
"Ma.... argh! Aalis na ako ma. Love you!"
Sa sobrang inis ko sa pang aasar nila, umalis na ako ng bahay at pumasok sa school.
++
Habang naglalakad ako, parang napapansin kong may sumusunod sakeng lalaki.
Kapag lilingon ako sakanya, bigla siyang iiwas ng tingin kaya feeling ko ako talaga sinusundan neto.
Kung makikita ko lang siya, baka mabasa ko inisip niya.
Nagmadali ako sa paglalakad hanggang sa makasakay. Napansin ko ring sumakay siya.
Sa dulo ako naupo sa likod ng driver at siya naman sa kabilang side pero bandang gitna.
Mukhang okay naman siya, feeling ko lang siguro na sinusundan niya ako.
Medyo matangkad, tapos moreno, may itsura rin infairness at mukhang 20 plus lang edad.
Pero laking gulat ko ng di ko mabasa iniisip niya!!
Sinubukan kong basahin yung isip ng katabi niya.
Basang basa ko isip ng katabi niya at lahat ng tao sa jeep maliban sa kanya.
Omg, anong ibig sabihin neto.
Mas lalo akong nagulat ng bigla siyang tumingin saken tapos ngumiti.
Fvck, ang weird!!! Kaya di ko na siya pinansin at kunwari nagtetext na lang ako.
++
Pag dating ko sa room, nakta ko si Matteo sa labas ng room at kumakain ng tinapay.
Di ko alam kung ano yung nararamdaman ko, galit, tuwa, kaya naman dali dali ko siyang nilapitan.
"Ju o kain...." alok niya saken pero di ko pinatapos sinasabi niya kasi tinulak ko siya.
Napasandal naman siya sa pader at mukhang nagulat sa ginawa ko.
"Hoy ano problema mo!" Sabi niya.
"Anong ano problema ko? Ikaw! Ano problema mo, di ka nagtetext saken tapos di ka tumatawag, di ka papasok ng limang araw tapos aalukin mo ko ng pagkain mo!!"
Napatingin lang siya saken at biglang tumawa.
"Ayaw mo ba ng pagkain ko?"
"Argh! Nag aalala kasi ako sayo!" Sabi ko skanya.
"Uyyy concern siya."
"Tse, bahala ka nga!!" Papasok na sana ako ng room kaso pinigilan niya ako.
"Sorry na Ju, umalis kasi kami ni Maddie" sabi pa niya.
"Ohh, yun, bakit di ka nagsabi saken?"
"Ay, kailangan ba?"
"Dati palagi kang nagkekwento saken, tapos ngayon hindi ka na marunong magtext!"
"Hahahaha, ang cute mo Ju. Syempre may boyfriend ka na, di na tayo dapat katulad ng dati" sbi niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kung umasta tayo noon, daig pa natin magsyota, since may syota ka na talaga, ako na lang mag aadjust" sabi niya.
Di ko alam problema neto ni Matteo eh, pero ayoko naman na may magbago samen. Gusto ko katulad pa rin kami ng dati.
"Bakit kailangan natin magbago?" Tanong ko.
"Syempre, para wala ng masaktan" sabi niya.
"Ha?!!"
"Hehe wala. Umalis lang talaga kami ni Maddie, nag date din kami. ikaw lang ba pwede?" Sabi niya.
"Sana man lang nagsabi ka diba, nag aalala kasi ako sayo, best friend mo ko tapos kinwento mo pa about sa family mo, di ko tuloy alam kung ano nangyayari sayo"
"Hehe best friend. Hmmm, okay lang ako Ju. Masaya naman ako eh, hayaan mo na ako haha"
"Bakit ba ganyan ka? Ano bang problema?" Tanong ko.
"Walang problema Ju" sabi niya.
Di ko talaga mawari yung mood niya ngayon. Nakangiti naman siya saken at mukhang okay.
Maya maya, may tumawag ng "babe" sa likuran ko, akla ko si Laurence pero boses babae.
Pag lingon ko, si Maddie. As usual, ang ganda ganda niya at mukhang blooming.
"Babe" sabi naman ni Matteo.
Lumapit siya kay Maddie at niyakap niya ng mahigpit.
Ngayon lang nag sink in saken na nasa school pala kami at maraming estudyante sa paligid
"Wala kaming prof babe kaasar" sabi ni maddie kay Matteo.
"Naghihintay pa ako kung meron kami" sabi naman ni Matteo
Napansin naman ako ni Maddie.
"Hi Julian!" Bati niya.
"Hi Maddie!"
"Nasabi mo na babe?" Tanong ni Maddie kay Matteo.
"Sasabihin ko pa lang po"
"Ano yun?" Tanong ko.
Maya maya , napansin ko naman si Laurence na palapit samen.
"Babe!" Tawag saken ni Laurence. Niyakap niya rin ako ng mahigpit.
Umakbay saken si Laurence.
"Ohh cous" sabi ni Laurence kay Maddie.
Umakbay din si Matteo kay Maddie.
"Hi cous,"
"Ano na balita sainyo cous?"
Nagkatinginan lang si Matteo at Maddie. Tapos si Maddie na sumagot.
"Kami na ni Matteo hehe, kahapon lang. Sinagot ko na siya" sabi ni Maddie.