Part 14

2703 Words
Pinag uusapan sa room yung ginawa saken ni Laurence. Medyo nakakailang lang kasi lahat sila nakatingin saken. Di naman masasama yung sinasabi nila, pero ayoko lang sa feeling ng pinag uusapan. "Masaya ka ba Ju?" Tanong ni Matteo saken pag pasok sa room. "Oo, grabe. Nakakainis, ganito pala pakiramdam, parang nasa heaven ka" sabi ko. "Aba buti naman masaya ka hehe. Hindi na kita pwedeng asarin, kasi taken ka na" "Sus, ikaw pa ba, kahit naman anong gawin mo aasarin at aasarin mo ko eh" "Haha, buti naman alam mo" sabi niya. Di ko na pinansin masyado si Matteo kasi busy siya sa paglalaro niya sa phone. Di naman sumasama saken si Greco, di ko rin alam kung bakit pero mabuti na rin yun. Pagkatapos ng klase, di ko na nakita si Matteo, si Greco na uli kasa kasama ko. "Wow, sikat ka na sa school. Alam mo ba ikaw pinag uusapan ng lahat" sabi ni Greco habang naglalakad kami palabas. "Oo nga eh, tignan mo halos pinagtitinginan ako ng lahat" "Hehe, baka wala na akong makasama niyan palagi!" "Haha adik, syempre hindi naman" Napansin ko naman na palapit si Jerick samen ni Greco. Alam kong inis si Greco kay Jerick kaya umalis muna siya at iniwan niya kaming dalawa. "Hoy Julian!" Tawag niya saken. "Please, kung makikipag tarayan ka, wala ako sa mood...." Pero bigla niya akong niyakap na talagang kinagulat ko. "Ahh, anong problema mo?" Tanong ko. "Duh, kaya lang naman ako galit sayo kasi feeling ko may gusto ka kay Matteo, pero iba pala yung gusto mo, di na ako galit sayo!" "Ganun lang yun?" "Hindi naman talaga ako galit sayo eh, galit lang ako kapag kasama mo si Matteo, kaya peace peace na tayo. Nakaka stress kaya kapag may kaaway" sabi niya pa. Hinawakan niya ako sa braso at sinamahang maglakad. "Teka, seryoso ka ba?" Tanong ko. Oh wait, kaya ko palang basahin isip niya. "Buti nalang talaga hindi si Matteo. Gosh, thank you." Sabi niya sa isip niya. "Oo, at isa pa, tayo lang naman yung open na bakla sa klase, sino sino pa ba magiging magkaibigan kundi ang kapwa bakla diba?" Di ko alam pero natawa ako sa sinabi niya. "So, anong tawagan niyo ni Laurence?" bigla niyang tanong. "Anong tawagan?" "Endearment, gosh, Julian, ano ka ba? First timer?" "Ah ehh oo eh." Tinignan niya lang ako na parang gulat na gulat. "OMG, first relationship mo to?!" "Ah, oo. Bakit parang gulat na gulat ka?" "Wala naman. Hmmm, so you're telling me na virgin ka pa?" "Oo naman!" "Holy fvck! Ikaw lang kilala kong baklang virgin" "Hoy tigilan mo na nga yang ganyang tanong mo!" "Ay ehehe sorry. Di lang ako makapaniwala" sabi niya. Medyo weird pa rin na kinakausap ako ni Jerick na parang wala kaming rivalry noon. "Eh bakit ba tuwang tuwa kang di si Matteo gusto ko? Eh straight naman si Matteo" "Eh wala lang, ayoko lang. Haha. Wag ka ng matanong diyan haha" Pero tama siya, mas okay na walang kaaway sa school para walang pinoproblema. "Pero alam mo sis...." ayan, nay tawag na saken bigla si Jerick, sis. "Feeling ko magbabago yung pakikipagkaibigan mo kay Matteo dahil sa taken ka na"   "Eh bakit naman, si Laurence naman boyfriend ko ah" Sht, boyfriend. Ang sarap sabihin. "May feeling lang ako, hehe, and speaking of boyfriend. Tignan mo kung sino palapit saten" Tinignan ko kung saan nakatingin si Jerick at nakita ko si Laurence na nakangiti habang palapit ako. "So pano ba yan sis, see you na lang. Hehe" sabi ni Jerick. "Ah sige sige" sabi ko. Lumapit naman si Jerick saken tapos bigla akong hinalikan sa noo. Bigla akong nagulat sa ginawa niya. Pero ang lambot ng labi ni Laurence nung hinalikan niya ako sa noo. "Wala ka ng klase diba?" Tanong niya. Di ako nakapagsalita, di ako maka move on sa halik niya sa noo ko. "Ohh bakit?" Nakangiti siya saken. "Wala.... wala, di lang ako.... nanibago lang ako sa kiss mo" sabi ko. "Ay sorry, hehe. Ayaw mo ba?" "Hindi.... okay nga eh" "Pwede ba kita ikiss uli?" "Hala, maraming tao dito...." "Sa noo lang naman eh, dali na" Bakit ang cute ni Laurence. Ang laki ng pisngi niya kapag ngumingiti eh. "Mabilis lang ah" sabi ko. "Sige sige sige" Tumingin siya sa paligid tapos bigla niya akong hinalikan uli sa noo. "Hehe nakakabitin naman" sabi niya. "Ehhh, tama na yun hehe" "Oo naman, saan mo gusto pumunta?" "Bakit tayo aalis?" "First daysarry natin, dapat special" "Hala, required ba yun?" "Hindi naman, gusto ko lang maging special yung araw na to" "Bakit...."   "Wag ka na kumontra please? Halika na, alis na tayo" Bigla niyang hinawakan yung kamay ko, at naglakad papunta sa kotse niya. Ang lambot ng kamay niya, halata tlagang mayaman. Tapos kwento siya ng kwento sa nangyari sakanya ngayong araw. Wala siyang paki kahit marami talagang nakatingin sameng dalawa. "Coffee muna tayo gusto mo?" "Sige kahit saan" sabi ko.    Pagkasakay namen ng sasakyan, dumiretso kami kaagad sa Starbucks sa MOA. +++ "Ang layo naman ng pinuntahan natin" sabi ko sakanya habang kumakain ako ng cheesecake.   "Hehe, sorry. Gusto ko lang ma watch yung sunset ng kasama ka" "Ang dami ng nangyari ngayong araw. Baka di mag sink in saken lahat" "Wag ka mag alala, araw araw ko ipapaalala sayo kung paano mo ko napasaya nung unang araw natin"   Iba talaga kapag tumitingin si Laurence sa mata ko tapos biglang ngingiti. Gustong gusto ko malaman iniisip ni Laurence, bakit kasi di ko mabasa naiisip nya.   "Ano palang gusto ng parents mo? Pizza or Burger? Or pasta? Bilhan ko sila pag hatid ko sayo pauwi" "Hala, wag na Laurence. Baka hanap hanapin nila yun, tsaka ayaw nila nun, masyadong praktikal sila mama at papa"   "Edi mag grocery na lang tayo, ayun na lang ibibigay ko" "Ano ba yan, sagip kapamilya lang?" "Hehe sorry, Di kasi ako magfunction ng maayos ngayong kaharap na kita bilang saken" Hinawakan niya yung kamay ko habang nakatitig saken. "Siguro kung nababasa mo lang naiisip ko, siguradong sasaya ka. Palagi kitang naiisip Julian." Hindi ako prepared sa biglang sweetness ni Laurence. "Alam ko naninibago ka, you don't have to answer naman. Gusto ko lang sabihin to" sabi niya pa.   "Sorry, di pa ako sanay eh. Pero ang sarap sa feeling, lalo na ng ganito," "Talaga? Hindi ba ako OA masyado?" "Hindi ah, hehe ang sweet mo nga eh" "Sabihin mo saken, ano bang gusto mo?" "Anong ibig mong sabihin?" "I mean, anong gusto mong itawag ko sayo? Mahal? Honey? Ano?" Habang sinasabi niya yun, ang laki ng ngiti niya. Ewan ko ba pero sobrang kinikilig din ako nung tinanong niya ako nun. "Ano bang gusto mo?" Tanong ko. "Babe?" "Ehhh bakit naman babe?" "Wala lang, ayaw mo ba nun babe?" Sabi niya.   Sht, parang baliw naman ako na nakangiti nung tinawag niya akong babe. "Gusto mo ba nun? Babe?" "Sige... babe" sabi ko.   Yung ngiti niya rin nung tinawag ko siyang babe, iba. Feeling ko kinikilig din siya. "Okay, babe"   "Okay din, babe"   "Ohhh bakit ka nakangiti babe?" Sabi niya. Ano ba to. Di ko na kaya. "Wala, masama ba?" "Hindi naman, buti nga ako dahilan ng pagngiti mo ngayon eh" "Ehh syempre, ikaw lang kasama ko"   "Haha, oo na! Pero paano kapag matutulog ka na? Maiisip mo pa rin ako babe?" Sht, di ako sanay sa babe pero sobra akong kinikilig. "Pagtulog, pag gising, siguro sa lahat" sabi ko sakanya.   "Babe, sobrang kinikilig ako promise." Bgla niyang sinabi. "Ahaha, ako rin babe" "Lalo na kapag tinatawag mo kong 'babe'" "Babe. Babe. Babe, babe"   "Hala, babe, stop!" Ang cute magpabebe ni Laurence. Wala kaming ginawa sa Starbucks kundi magtawanan at matawagan ng babe. Sobrang nakakakilig, sobrang sarap sa pakiramdam.   + Pagkatapos namen sa SB, dumiretso na kaming dalawa sa sea side para manuod ng sunset. Kahit di gaanong kita, okay lang din naman.   Nakaupo kami pareho at nakatitig sa dagat, magkahawak din kamay namen pareho. Bigla niya akong inakbayan kaya napasandal ako sa balikat niya. "Ano iniisip mo ngayon?" Tanong niya saken. Actually wala naman akong iniisp, nakatingin lang ako sa magandang view tapos ineenjoy yung malambot niyang kmay. "Ang lambot ng kamay mo" sabi ko. "Haha ayun talaga?"   "Oo haha. Ineenjoy ko kasi yung moment eh" "Don't worry babe, gagawa tayo ng maraming moments together" sabi niya. "Hehe, sige, gusto ko yan" sabi ko. Ang bango bango rin ni Laurence, nakaka adik amuyin. "Tara, bili tayo ng pizza para kina mama at papa mo"   "Sabi ko sayo wag mo silang ispoilin" "Okay lang yan, hehe. Dali na, gusto ko rin magpakitang gilas eh." "Nako, bahala ka ha. Kapag hinanap hanap nila yan, nako ka" "Hayaan mo, kapag gusto nila, ibibigay ko rin" sabi naman niya.   Tumayo na kami at bumili ng pizza sa yellowcab at hinatid na niya ako pauwi. +   Kumatok kami sa bahay at kaagad naman kaming pinagbuksan ni mama. Nagulat naman si mama na magkahawak kamay kami ni Laurence at dala dala niya yung pizza. Agad akong nagmano kay mama. "Si Julian na ba yan? Nasabi mo ba....."di rin natuloy ni papa sasabihin niya ng nakita nya kaming magkahawak kamay. "Ah, Pa, Ma, si Laurence. Boyfriend ko po" pakilala ko. Ngumiti si Laurence sa kanila.   "Kailan mo pa siya sinagot anak?" Biglang tanong ni mama. "Kanina lang po" sabi ko. "Aba, bakit ba diyan kayo nag uusap, pumasok nga kayo" sabi ni papa. Pagpasok namen pare pareho, dumiretso kami sa sala. "Ohhh, kumain na ba kayo?" Tanong ni papa. "Opo, pizza pa oh, bigay ni Laurence" "Nagpapapogi ka pa samen Laurence eh, alam mo namang kilala ka na namen!" Sbi ni papa. "Hehe, gusto ko lang po kayo bilhan" "Aba, dapat pinang date niyo na lang ni Julian yan"   "Nag date na po kami kanina. Hhe, para sainyo po talaga yan" "Haha. Salmat ha?" Sabi ni papa sabay kuha ng pizza. Biglang tumahimik sa loob dahil busy na sila mama at papa sa pagkain.   "Ohhh, kayo ng dalawa ha. Alam ko mga kabataan ngayon, mapupusok. Kaya dapat kapag mag aanuhan kayo palaging safe ah?" Sabi ni papa. "Pa, no ba yan! Ayan ka na naman"   "Nako Julian tigilan mo ko, pinapaalalahanan lang kita" "Di pa namen gagawin yun no!"   "We? Wag ako anak" Hirap talaga makipag usap kapag baliw si Papa. Bigla naman bumulong si Laurence saken. "Ayan babe, may basbas na ng papa mo" "Haha isa ka pa eh" bulong ko rin skanya. "Oh, kapag nawawala si Julian, ikaw na una kong tatawagan ha?" Sabi ni papa kay Laurence.   "Ah sige po" "Oh, i save mo number mo sa phone ko" inabot ni papa yung phone niya. "Okay na po" sabi ni Laurence. Ang saya tignan na okay si papa at mama kay Laurence. "Gusto ko palagi kayong mag papaalam saken ha? At gusto ko once a week nandito ka sa bahay namen Laurence, gusto kita makilala lalo kung tlagang mahal mo anak ko" sabi ni papa. "Mahal ko po si Julian" Yung feeling na pinagsigawan niya kanina sa lahat na Mahal niya ako tapos sinabihan niya pa parents ko na mahal niya ako, grabe. Sobrang sarap sa pakiramdam. "Mabuti ng nagkakalinawan tayo" sabi pa ni papa. "Pa, uuwi na si Laurence, baka gabihin pa siya sa daan eh" "Sige sige anak." Tumayo sila mama at papa at nakipagkamay kay Laurence, di ko alam kung para saan yun.   Hinatid nila hanggang sa pinto si Laurence at naglakad na kming dalawa papunta sa sasakyan niya.   "Sobrang saya talaga kasama ng parents mo" "Haha baliw nga eh" "Kaya nga ang sarap kasama eh" sabi niya pa. Tumahimik kami pareho at nagkatitigan saglit.   "Salamat babe" sabi niya saken.   "Salamat din, di mo alam kung paano mo ko napasya ngayon"   "Maniwala ka, ako talaga pinakamasaya ngayon" sbi niya. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. "I love you babe" sabi niya saken ng harapan.   Grabe!! Yung moment na yun, sobrang sarap sa pakiramdam. "I love you too babe" sabi ko naman.   Parang first time ko ata sabihin yun sakanya kaya naman napangiti siya ng sobra. Niyakap niya ako uli at sumakay na siya sa sasakyan at umalis. Pagpasok ko sa bahay, naghihintay pa pala sila mama at papa saken sa sala. "Ohhh, kamusta naman ang nag iisa nameng prinsesa na may lovelife na?" Tanong ni papa saken. "Hala si papa talaga chismoso"   "KJ naman neto, dali na" "Nako, wag mo na kulitin yang anak mo. Sige na magpahinga ka na Julian, kwento mo na lang samen bukas ng papa mo ha?" Sabi naman ni mama. "Hehe Salamat Ma!" Sabi ko. Niyakap ko lang silang dalawa ng mahigpit. "Basta po sobrang saya ko ngayon. As in sobrang saya! Ayun lang po masasabi ko" sabi ko nalang sakanilang dalawa. "Alam namen anak" sabi ni mama.   Hinalikan ko sila at saka ko umakyat ng kwarto ko. Napahiga ako sa kama at naiisip ko na naman lahat ng nangyari. Di ko maiwasang mapangiti sa nangyari, feeling ko ang ganda ganda ko. Sa kalagitnaan ng pagmumuni muni ko, narinig kong kumakatok si mama sa pinto at tinatawag ako.   Pinagbuksan ko naman kaagad si mama at pinapasok. "Oh bakit po?" Sabi ko.   "Di kasi namen nasabi ng papa mo kanina habang nandito si Laurence, dumaan si Matteo dito" sabi ni mama.   Umupo kaming dalawa sa kama ko. "Oh bakit daw po?" "Wala lang, araw araw naman dumadaan dito yun tapos makikipag kwentuhan lang samen sandali." "Eh bakit di ko alam yun ma?" "Di ko rin alam kung bakit nakakalimutan namen sabihin syo eh" "So, araw araw po nandito si Matteo?" Tanong ko. "Hindi naman araw araw, madalas lang. Simula ata nung nagliligawan kayo ni Laurence, nandito siya palagi" sabi ni mama. Eh bakit nandito si Matteo palagi? "Eh bakit bigla niyo pong nasabi saken ngayon yan?" "Wala lang, kasi kanina ang lungkot niya. Parang may problema, akala ko nga mag kasama kayo eh. Nagulat ko, si Laurence pala kasama mo" "Eh kanina okay naman siya ah?" "Di ko alam anak, mukhang may problema." "Ahh sige po, tawagan ko na lang" sabi ko. "Kaso tandaan mo anak, boyfriend mo na si Laurence. Dapat bawas bawasan niyo na kasweetan niyo ni Matteo ah?" "Sweet? Eh palagi ngang nang aasar yun anong sweet dun" "Exactly, ganung klase kasi si Matteo. Sweet." "Pero ma ,straight siya" "Walang straight, gay, bi, lesbian kapag nagmamahal. Tandaan mo yan anak. It's all about the feelings." Bakit kaya biglang nasasabi to ni mama. "Akala ko lang talaga si Matteo ang gusto mo, iba kasi yung glow ng mata mo kapag si Matteo ang kasama mo" sabi pa ni mama. "Ma, hindi sa ganun...." "No, naiintindihan ko Julian. You don't have to explain." "Iba si Laurence ma, napagsisigawan niya sa lahat yung feelings niya saken. Sinasabi rin niya ng harapan, pinapakita niya pa saken at pinaparamdam. Si Matteo ma, walang pag asa sakanya. At saka bestfriend ko lang siya, kaya imposible talaga"   "Alam ko, sabi ko wag ka na mag explain diba? Hehe. Ang mahalaga masaya ka okay?" "Opo ma, masaya talaga ako" sabi ko naman. "Oh siya, kamustahin mo na lang si Matteo ah. Matulog ka na rin, anong oras na" "Opo ma. Goodnight" "Goodnight din" Paglabas ni mama, saka namang pasok ni papa sa kwarto ko.   Binigyan niya ako ng isang box ng condom. "Gamitin niyo yan ah!! Sige na goodnight na" bigla ring alis ni papa kaagad. Nakakabaliw tong si papa. Bigla ko namang tinext si Matteo kung kamusta na siya, sinubukan ko ring tawagan kaso walang sagot. Tatawagan ko pa sana uli kaso biglang tumawag si Laurence. "Nasa bahay na ko babe" sabi niya. "Ahh good good"   "Nakabihis ka na ng pangtulog?" "Opo." "Ah, sige, isipin mo na lang katabi mo ko ngayon" sabi niya. Bigla naman akong nag daydream sa sinabi niya. Inisip kong kayakap ko siya sa tabi ko habang natutulog.   "Iniisip kong kahawak ko kamay mo habang natutulog" sabi niya. "Oo, ganun ginawa mo nung natulog ka rito eh" "Hehe, gusto nga kitang halikan babe eh"   "Hala, mapusok ako babe" biro ko. "Edi sabay tayong mag pusukan" sabi niya. "Haha wala namang ganung word" "Pero may word na TIKOY" sabi niya. "Ohh anong kinalaman ng tikoy?" "Kasi I TIKOYm inlove with you" The way ng pagdeliver niya ng banat, sobrang nakakatuwa at nakakakilig. Tumawa lang ako sa kilig nung sinabi niya. "Hala, dapat di ko na sinabi yun babe haha nakakahiya" sabi niya. "Haha okay nga eh nakakakilig" "Mag cutting tayo bukas babe ha?" Sabi niya. "Eh bkit babe? Major ko bukas di pwede" "Gusto ko lang babe na mag CUTTINGinan tayong dalawa" Ayoko na baliw na naman ako sa pagngiti habang kausap siya. "Tama na babe, di ko na kaya hha" sabi ko. "Haha don't worry, wala na akong maisip na banat" "Hehe good" "Kasi ikaw na lang naiisip ko eh" Akala ko tapos na! Pero bumanat pa siya. "Haha last na yun, goodnight Julian. I'll see you in my dream" "Hehe Goodnight din babe."   "I love you" "Eh, sinabi ko na yun ngayon eh, bukas na uli para isa isa lang." "Ayyy ganun,. Hmmmm sige edi... yun na yun, alam mo na yun hehe" "Hehe alam mo na rin yun" Binaba na namen yung tawag, ako naman nakayakap sa phone ko at talagang kinikilig sa kama ko. Maya maya, napapansin ko na naman na umiilaw yung libro ko. Kinuha ko yun at binuksan. "Congratulations to your first relationship!" Pati yung libro ko chismoso na rin. Tinago ko na yun at natulog na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD