Part 13

2335 Words
"Akala ko tropa mo yun?" Nasa likod ko pala si Matteo, mukhang kanina pa siya. Napansin niya kasi na di ako kinausap ni Tracy. "Oo nga eh, ang weird nga eh" sabi ko na lang. "Baka di ka niya tinuring na tropa" "Haha, eh kahit na hindi sana man lang kilala niya ako diba? Pero teka, kanina ka pa ba nandiyan?" "Oo, sinusundan kasi kita eh haha" "Bakit naman?" "Wala lang, bawal ba?" "Hmmm, hindi naman haha" "Yun naman pala eh, gusto mo bang kumain muna?" Tanong niya, "Hindi na, magkikita kasi kami ni Laurence eh" "Laurence na naman! Paano naman ako?" Nagsisimula na naman siya sa mga paasa moves niya. "Edi kay Maddie ka." "Eh, nakakainis kasi ang pabebe eh. Tapos palagi pang nagyayaya. Alam mo na, nakakainis din pala yung ganun" "Eto, masyado kang kiss and tell!!" Sabi ko. "Sayo ko lang naman sinasabi lahat eh, wala kaya akong sinisikreto sayo" Di ko mawari kung saan papunta yung usapan namen. "Sige, dun ka na kay Laurence mo. Siya lang naman gusto mo eh!" "Haha, oo gusto ko siya. Tse!" Sabi ko sakanya. Natahimik na lang siya sa sinabi ko at naglakad na kami papunta uli sa McDo. ++++++++ Kinabukasan.... Habang naghihintay ng klase, biglang lumapit saken si Jerick. "Julian, pinapatawag ka ni Maam Suzy" mataray niyang sabi. Si Maam Suzy yung Department chair namen. "Bakit daw?" "Aba malay ko, puntahan mo na lang kaya" "Eto naman, nagtatanong lang" "Friends ba tayo?" Sabi niya. Tumawa na lang ako sa kasupladahan niya kaya tumayo na ako at pumunta sa faculty room. Napansin ako ni Maam Suzy kaya pinapasok niya na ako sa office niya. "Pinapatawag niyo daw ako Maam?" "Yes Julian, hmm. Mag eenroll ka naman next sem diba?" "Ah, opo mam. Bakit po?" "I want you to be one of the volunteers sa pagpapakain sa mga kababayan natin sa bundok." "Hala maam, bakit po ako?" Tanong ko. "Well, kailangan kasi namen ng volunteers and since active ka sa ibang school org, isa ka sa napili, at nagsabi na ako sa org niyo na isasama ka kaya walang problema sakanila" Shocks, paano naman kaya yun. "Saan naman po?" Tanong ko. "Sa Ilocos" "Ilocos? Ang layo naman po" "Hmmm. Well, kung di ka pwede, it's okay." Sabi ni maam. Yung expression niya parang nangongonsensiya. "Ayan sige Suzy, kunwari okay lang para mahiya si Julian sayo" sabi ni maam sa isip niya. Natawa ako sa sinabi ni maam. "May benefits po ba saken yung pagsama dito?" Bigla kong tanong. "Ofcourse meron, sobrang dami!" "Like what?" "Lahat ng faculty na maghahandle sayo next sem, pwede kong pakiusapan na dagdagan grades mo. And think of this like a vacation. Ilocos, kayo lang with other volunteers na nandito rin sa school" Medyo tempting yung offer, pero di pa kasi ako nakakapunta ng Ilocos, kaya ang gandang opportunity nun. "Ilang araw po?" "5 days. Sagot ng lahat ng bayarin" "Wow, ang sarap ng 5 days. Eh bakit po si Jerick di kasama?" "Well, siya na pinadala natin non sa US, ang gastos nga niya eh haha wag mo sabihing sinabi ko yun ah, at saka para maiba naman" "Hmmm, ganon ba maam" "So, asahan ba kita?" "Magpapaalam muna ako sa parents ko maam..." "Okay na, nagpadala na kami ng letter sainyo." "Mukhang di na pala ako makakatanggi sainyo maam eh" "Haha, ikaw na lang talaga. So, is it a yes?" Masaya yun. Bakasyon, at the same time makakatulong pa ako. "Yes maam" sabi ko. "Yes!!" Sabi ni maam sa isip niya. Ngumiti na lang ako, nakakatuwang isipin na gusto ako makasama ni maam. ++ "Eh bakit ikaw lang ininvite ni maam?" Sabi ni Matteo pagkasabi ko sakanya about sa Ilocos. "Eh ano naman?" "Gusto ko rin! Ilocos kaya yun!" "Edi magsabi ka kay maam!" "Magsasabi talaga ako hahaha. Baka kailangan ng pogi dun, ako lang kasi qualified dun" "Haha ang lakas mo talaga!" "Haha, wag kang kokontra!" "Di naman ako kumokontra sayo eh" "Haha alam ko, kaya nga love kita eh haha" Okay Julian, kalma. Pinapahopia ka lang niya, ganyan siya. Pina fall nga niya yung Justin diba? Wag ka mahuhulog sakanya. "Oh, parang nagmemeditate ka na naman diyan!" Bigla niyang sabi. "Ah, wala to haha." "Sus, baliw ka na naman ah." Sa McDo na naman kami pupunta. Dun naman kami palagi kumakain eh. Habang kumakain, bigla kong napansin si Justin, yung tinutukoy ni Matteo na kaibigan niya na nilayuan niya rati. "Uy, si Justin oh. Yung bff mo dati" sabi ko. Napatingin siya sa pwesto ni Justin, may kasama siyang lalaki na taga school din. Ang medyo sweet, sinubukan kong basahin yung pinag uusapan nilang dalawa. "Busog pa ako babe, mamaya na lang ako kakain sa bahay" "sana pala hindi na lang tayo kumain, sayang pera" "Haha, okay lang yan babe. Uwi nalang tayo, tapos nuod tayo ng movie" Mag syota nga sila! Tinignan ko si Matteo, di ko naman mawari kung ano yung nasa isip niya pero parang iba yung reaksyon niya. "Nakakainis ka naman Ju eh, bakit pinakita mo pa saken na may kalandian siya!" Sabi ni Matteo. "Ha?" "Kung nang aasar ka, sige panalo ka. Naasar ako!" Bigla naman siyang nagalit ng di ko alam dahilan. "Uy, di ako nang aasar...." "Hindi, sige okay na. Naasar na ako" sabi pa niya. "Hoy, ano ba yang sinasabi mo?!" "Tara uwi na tayo, baka magkikita pa kayo ni Laurence" sabi niya. "Matty, okay ka lang?" "Syempre hindi!" "Bakit ba?" "Wag ka ng matanong. Uuwi na lang ako kung di ka pa uuwi" sabi niya. Di ko naman maintindihan kung bakit bigla siyang nagalit saken. "Ay di pala pwede, ihahatid na lang kita sainyo saka ako uuwi" "Bakit ba nawala ka bigla sa mood?" Tumayo na kami pareho lumabas. "Basta!" Sabi niya. Di niya ako kinausap hanggang sa makarating kami sa bahay. "Sorry Ju ah, may naalala lang kasi ako hehe. Bukas okay na ako, alam mo naman ako. Isang araw lang problema ko haha" "Sure ka?" "Oo nga hehe. Sige na, bye. Di ba kayo magkikita ni Laurence?" "Hindi eh" "Ganun? Sige bye Ju." "Ingat ka" sabi ko na lang. Bakit kaya siya nainis nung tinawag ko si Justin? Siguro naoffend ko siya, pero di ko na lang pinansin muna yun. Habang nasa gitna ng pag iisip about kay Matteo, nagulat ako ng biglang may nagsalita sa gilid ko. Isang batang lalaki. "LQ kayo te?"   Make that, batang lalaking bakla.   "Ay, sino ka?" Ayun agad natanong ko. "Hello, this is me. TB!"   Taga bigay? "Ohh, bakit naman ganyan itsura mo?"   "Equality te, una babae ako, dapat ngayon bakla naman, next time tomboy naman ako" sabi niya   Ang kulit niya, siguro mga 12 years old siya tapos ang iksi ng short at naka tshirt na hapit sakanya. "Hindi naman kita tinawag ah? Mamaya bawasan mo points ko!" "Ay te, bawas na. 3 pts ka na lang uli!" Sabi niya. "Ha? Bakit?!" "Duh, di ko naman binigay yang points sayo para gamitin sa masama." "Anong ibig mong sabihin?"   Naglakad lakad uli kami palayo. "Purkit level 2 ka na, ginamit mo sa masama. Since kaya mong makita yung nakikita ng prof mo sa recitation niyo, ginamit mo kapangyarihan mo para mandaya!" Totoo! Oo nga. "Pero wala sa rules...." "Eh diba sabi sa libro, madadagdagan yung rules sa kada bagay na ginagawa mo sa kapangyarihan mo? Eh kailan mo ba binisita yung libro mo?"   Di ko siya maseryoso kasi ang bata niya tapos tinataray tarayan niya pa ako.   "Last week pa" "Kitam, jusko. Ano na?!" "Sorry, edi sige titignan ko na pauwi" "Good!" Akala ko tatahimik na pero bigla naman siyang nagsalita uli. "So I see nalaman mo na about kay Greco" panimula niya.   "Yes. Ang cool niya nga eh, level 13 na." "Well, kaya mo rin yun te, kung di mo na uulitin yung ginawa mong pandaraya!" "Nako oo na nga!" Sabi ko na lang. Bigla ko namang naalaa si Tracy at yung kaweirduhan niya. Feeling ko kasi si Greco may gawa nun eh, kaya tinanong ko siya. "Kilala mo ba si Tracy?" "Uhm,...." nag isip siya saglit. "Ayy oo!! Kilala ko, why?" "Hmmm. Posible bang meron din siyang kapangyarihan?" "Hmmm, Di kasi ako allowed magkwento about diyan eh. Pero, since wala na siyang kpangyarihan I think pwede naman" "So meron nga siya...." "Meron, pero wala na"   "OMG, bakit???"   "Nako, di ka talaga nagbabasa. Tinanong ka niya ng diretso diba about sa kapangyarihan, diba bawal yun? Jusko naman" "Eh bakit alam mo lahat ng yan? Di ko namn sinabi syo?" "Alam ko lahat yan Julian, ako pa ba, chismosa ako eh" sabi niya. "Sa tingin mo ba na aware siya na bawal sabihin yun?" Tanong ko. "I think so"   "Pero bakit pa rin niya sinacrifice yung kpangyarihan niya para saken?" Tanong ko. "Well, siguro special ka sakanya." Sabi niya. Nagsacrifice siya para sabihin saken na wag kong pagkatiwalaan si Greco. Mabait naman siya saken, bakit ganun?   "TB, may tanong pa ako" sabi ko.   "Sige, last na yan ah. Namumuro ka saken sa libreng tanong" "Haha, hmmmm. Alam mo na ba future ko?" Tanong ko. "Oo naman, alam ko na mangyayari sayo!" "OMG talaga? Happy Ending ba?" Nauuna akong maglakad sakanya,mas malaki kasi hakbang ko. "Nako te, aalis na ako. May tumatawag saken eh" sabi ni TB. "Wait." Nilingon ko siya pero wala na siya kaagad. Na parang magic. Gusto ko pa rin malaman yung about kay Tracy at Greco, di pa malinaw sken ang lahat. +++ Si Greco kaagad hinanap ko pag pasok ko sa school, agad ko naman siyang nakita na magisang nakaupo. Lumapit ako kaagad. "Emo ah" sabi ko. "Haha, hindi naman."   "Parang may mali kay Stacy, bigla niya akong di naalala" di na ako nagpaligoy pa.   "oh talaga ikaw din? Nagulat nga ako eh, bigla niya akong sinampal nung hinalikan ko siya" Si Greco din pala. So wala pala siyang kasalanan sa nangyari kay Tracy. "Ang weird talaga, tapos balita ko pabalik na siya sa probinsiya." Sabi pa ni Greco.   "Ganun ba? Hmm, hayaan na nga natin" sabi ko. Wala namang mali kay Greco eh. Pero kailangan ko na rin mag ingat. Di naman isasakripisyo ni Tracy yung kapangyarihan niya sa wala. "Hoy, anong iniisip mo?" Sabi saken ni Greco sa isip ko. "Baka isipin ng mga tao na baliw akong nagsasalita pero ikaw di naman nagsasalita" sabi ko. "Haha, sorry, ngayon ko lang nagagamit to eh" "Gusto ko nga rin niyan eh" "Haha, ang saya siguro kapag nakuha mo na tong regalong to, di na natin kailangan ng cellphone haha"   "Long distance din ba yan?"   "Hahaha di ko rin alam eh" sabi niya. Habang nagkekwentuhan kami sa loob ng room, nagtataka naman kami kung bakit nagsisilabasan yung mga kaklase ko sa room at nakasilip sa labas. "Anong meron?" Tanong ko sakanya. "Tara silipin natin" sabi pa ni Greco. Wala pa si Matteo sa room. Pag silip namen sa labas. Nakkamangha lang na mukhang may estudyante na naman na magsusurprise sa jowa niya. May mga flower petals kasi sa sahig na naka shape ng heart, tapos may upuan sa gitna nun at may nakalagay na chocolates. "Grabe, ang swerte ng makakatanggap niyan" sabi ko kay Greco. "Oo nga" sagot na lang niya. Maya maya, may humatak saken na dlawang lalaki mula sa pinto at hinihila ako papunta sa gitna. "Huy, bakit!!" Natataranta ako habang hinihila nila ako. "Para sayo po to Sir Julian" sabi nung isa. "Ha?" Pero di ko makalaban, mas malakas silang dalawa kaya napunta nila ako sa upuan. Nakatingin naman lahat saken. May konting katahimikan, may konting awkwardness. Sobrang dami nilang sinasabi sa isip nila. "OMG, lucky guy!" "Si Julian yan diba? Wow ng swerte niya"   "Lucky gay!" "Ayyy para sa lalaki din pala!" "Kailangan ko na talagang masanay na marami ng same s*x relationships ngayon!" Puro bulungan pero naririnig ko sa isip ko. Ang ingay nilang lahat. Ako ang pinag uusapan nila.   Pero nawala yung ingay na naririnig ko sa isip ko ng makita ko si Matteo. Si Matteo na biglang sumulpot, at may hawak na gitara. Di ko alam na marunong pala siyang mag gitara.   Nakangiti siya saken, at syempre sobrang gwapo niya talaga.   Nagsimula siyang mag strum at nakarinig ako ng familiar na tunog. "Para sayo to Ju" sabi ni Matteo. Naghiyawan naman yung mga estudyante sa gilid, at syempre lalo na ako, Si Matteo, may surprise saken!!!! "Time, I've been passing time, watching trains go by...." It Might Be You!!!! OMG, alam niyang favorite ko tong kantang to!!!!! Bigla akong kinilabutan, ang ganda rin pla ng boses ni Matteo, sobrang nakakainlove. Bakit ginagawa saken ni Matteo to?   "....Something's telling me It might be you.,,"   Di nawala yung tingin niya sa mga mata ko. Palapit pa ng palapit si Matteo hanggang sa magkaharap na kami. Pero bigla siyang gumilid, tapos nakarinig ako ng hiyawan pa na malakas. Tumingin ako sa gilid ko, nandun naman si Laurence! May hawak ng bulaklak, naka uniform at sobrang gwapo rin. Nagpagupit pa siya kaya ang linis niya tignan. Kumakanta pa rin si Matteo sa gilid ko habang palapit saken si Laurence. "Ikaw ba may pakana neto?" Tanong ko. Ngumiti siya saken at umoo. "So pre, ayos na ba?" Sabi ni Matteo, tpos na kasi yung kanta. "Oo pre, salamat!" Umalis na si Matteo.   "Julian" sabi ni Laurence Hinawakan niya yung kamay ko habang nakatingin saken.   Mas lumakas pa yung hiyawan ng mga tao dun at napansin kong mas marami pang tao ng nandun ngyon. "Ano to?" Tanong ko. "Shhhhh.... para sayo to Julian." Sht, bakit naman ako naiiyak sa ginagawa ni Laurence. "You deserve to be happy Julian, and I wanna be the main reason to your happiness" Asusual, di na naman ako makapagsalita. "Gusto ko malaman ng lahat ng nandito, sa lahat ng kakilala ko, kaklase ko at mga Escolarians..,." Medyo pasigaw yung boses niya ngayon.   "Gusto ko malaman niyong lahat, na Mahal ko si Julian." Sinigaw niya pa sa lahat yung nararamdaman niya para saken.   Nandun lang ako, umiiyak sa kanya habang pinagsisigawan niya nararamdaman niya. Di ko alam na ganito pala kasarap yung feeling. Sobrang sarap. Feeling ko tuloy kami lang ni Laurence yung tao sa mga oras na yun. "Handa akong pasayahin ka sa araw araw Julian. I'm gonna be the best boyfriend for you" sabi niya. Nakakahiya, sinisinghot ko sipon ko. "I wanna be your first and last Julian" sabi niya. Naglabas siya ng singsing sa bulsa niya.   "Promise ring."   Bumwelo lang siya ng paurong pero hawak niya pa rin yung mga kamay ko. "Let me be your first Julian. Let me be your partner. Will you be my partner?"   Tinanong niya ako sa harap ng maraming tao   Biglang tumahimik. Nawala yung ingay ng hiyawan nung tinanong ako ni Laurence. Bigla ko naman napansin si Matteo sa gilid, nakangiti lang siya habang hawak yung gitara niya. Sumenyas siya ng 'oo' saken. Tumingin uli ako kay Laurence.   "Oo" sabi ko. Naghiyawan naman lahat ng tao sa sinabi ko. Bigla naman akong hinila ni Laurence at niyakap ng mahigpit. Sobrang sarap sa pakiramdam talaga. Parang nasa heaven. Alam kong di ako papabayaan ni Laurence. At simula ngayon, taken na ako. September 25. Araw na sinagot ko si Laurence sa harap ng maraming tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD